PROLOUGE

4 0 0
                                    


"Ysha anong oras na bumangon ka na baka mahuli ka sa unang araw mo sa iskul" argghhh ang aga-aga nakasigaw agad 'to si mama , nagmumuni-muni at inaantok pa 'ko eh

"Ysha ano ba gumising ka na jan" sigaw ulit ni mama sa baba na busy ma mamalantya

"Opo ma , gising na 'ko ang aga-aga sigaw ka agad ng sigaw jan nakakahiya sa mga kapitbahay" sigaw ko pabalik at unti-unti akong nag unat at unti-unti rin nagtunugan ang mga buto-buto ko

Kinuha ang cellphone ko na nasa may gilid ng unan ko para tignan kung anong oras na, 5:30 na ng umaga at 7:00 ang pasok ko sa eskwela pero dahil sa masungit na teacher sa school namin na palaging nakabantay sa gate , kailangan at gusto n'ya bago mag 6:30 kailangan nakapasok na

Humikab pa ako ulit at saka nagpasya ng bumangon at bumaba para kumain ng almusal

Only child lang ako , unica hija ng pamilya dalawang beses kasing nakunan ang mama ko kaya ayon ako ang nag iisang cute na anak

Ang papa ko naman sumakabilang b-bahay na dalawang taon ang nakalipas ng makunan si mama sa pangalawa , hindi n'ya alam na nag eexist ako since iniwan n'ya si mama at hindi n'ya alam na buntis na si mama noon kasi 5 months na 'ko sa tiyan ng mama ko nung nalaman n'yang dinadala n'ya ko

Iniwan n'ya si mama kasi nawalan s'ya ng pag-asa na magkakaroon pa sila ng anak , noong araw na dapat sasabihin na ni mama na buntis s'ya doon naman nagmatigas si papa na hindi na magstay sakanya at mas piniling iwan s'ya

Hindi kasi sila kasal kaya ganon-ganon lang iwan ni papa si mama

Odba , baby pa lang ako mala drama na sa mga pelikula ang takbo ng buhay ko pakiramdam ko tuloy noon pa lang kaiwan-iwan na 'ko , charot wanhap

Simple lang yung buhay naming dalawa ni mama , nagttrabaho s'ya sa isang supermarket bilang cashier at ako ito isang taon na lang sa highschool at ga-graduate na

Sakto lang sa pangkain namin sa araw-araw yung kinikita ni mama , kaya ako nagbabaon ako ng kanin para nakakatipid na rin ako at nakakapag - ipon mula sa baon ko

Kahit kailan hindi binanggit ni mama kung anong pangalan ng papa ko ayon lang ang naikwento n'ya sakin na hindi n'ya alam na may maganda s'yang anak na nag eexist ngayon na nagngangalang Akysha Zemyhre Santiago.

Hindi ko talaga gusto yung second name ko ewan ko ba bakit dinugtungan pa ni mama ng Marie yung pangalan ko na Akysha , okay na sakin yung first name ko tunog mala mayaman naman eh.

Hindi ko kinakahiya yung buhay na meron kami ni mama at kahit na wala akong kinilalang ama simula nung bata ako , hindi ko naman naramdaman na kulang yung naipaparamdam sa'kin ng mama ko

Syempre ah bH0uZsx aNnabEth m4p4gMahAl

Pero minsan kapag may nakikita akong isang pamilyang buo na kumakain sa mga fast food chain at nakikita kong masaya hindi ko naiiwasang tanungin yung sarili ko king ano ba yung pakiramdam na may tinatawag na papa

Ano ba yung pakiramdam ng pagmamahal ng isang ama

Oo minsan nabibitter pa rin ako hindi ko masabi kung galit ba 'ko sa papa ko o hindi , siguro ampalaya lang talaga ko sa papa ko

Akala ko noong bata ako ang buhay parang isang fairytale lang kagaya ng mga napapanood ko na mga disney princess.

But as I am growing up and facing new challenges everyday, it made me realized na hindi pala ganon , hindi pala mala fairytale ang kwento in real life

Hindi pala yung gigising ka sa isang malambot na kama at makapal na comforter na may aircon pa ang kwarto

Akala ko noong bata ako ganon lang yung buhay eh , yung mala prinsesa ang turingan yung isang snap mo lang nanjan na lahat ng kailangan mo , nanjan na lahat ng gusto mo , nanjan na lahat ng kahit anong hilingin mo

Kaso in reality , wala nga palang fairy godmother katulad ng kay cinderella

Hindi pala habang-buhay masaya ang buhay , hindi lahat ng mga tinatawag mong sa'yo hanggang dulo mananatiling sa'yo ang titulo

Minsan nabubuhay din pala tayo sa mga tanong na bakit , saan , paano , sino at ano.

Sunrise and SunsetsWhere stories live. Discover now