"Ma , may babayaran nga pala kami sa school para raw sa stage play kasama raw 'yon sa lesson namin yung papanoorin namin eh" kakauwi ko lang galing school at ayon agad ang bungad ko kay mama habang naabutan s'yang naghahanda sa hapag kainan
Medyo na late ako ng uwi ngayon kasi nag practice kami para sa sasalihan naming contest sa school
"Oh sige anak , basta mag-aral ka ng maigi ha para ikaw ang mag aangat sa'tin sa hirap"
"Opo , ma tapos magpapagawa ako ng bahay para sa'ting dalawa" sabi ko at umupo na 'ko para makakain na kaming dalawa
Nangungupahan lang kasi kami ni mama sa isang apartmemt hindi naman sobrang liit at hindi rin naman sobrang laki sakto lang para sa dalawang tao at may dalawa ring kwarto
Ganyan talaga si mama , palagi n'ya 'kong pinapaalalahanan na mag-aral ako ng mabuti
Nag-aaral naman ako ng mabuti syempre na may halo lang na medyo kademonyohan ng mga kaibigan ko
Nang matapos kaming kumain ako na ang nag prisinta na maghugas ng pinggan , hindi ko talaga gustong gawin 'to pero dahil nakita kong bago ang sponge kaya ginanahan ako
Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan
Matutulog na sana ako ng may biglang unknown number na nagtext sa'kin
Napaisip tuloy ako kung sino 'to dahil sa pagkakatanda ko wala naman akong pinagbigyan ng number ko
Bubuksan ko na sana ang text message n'ya ng biglang nagtext naman ang isa sa mga bestfriend ko
from : Leia
Yshaaaa may nagtext ba sa'yo na lalaki? Sorryyy number mo kasi ang binigay ko nung may nagtatanong sa'kin ng number ko sa jollibee hihihi
Nasapo ang noo ko pagkatapos kong basahin ang text ni Leia
to : Leia
Anaknam , bakit sa dinami - dami ng pangalan at number na pwede
mong bunutin sa contacts mo ako pa nabunot mo grrrrPagkatapos kong replyan si Leia , binuksan at binasa ko na ang text ng unknown number
from : unknown number
hi , siguro baker mama at papa mo kasi nakagawa sila ng isang cutie pie na tulad mo <3
Ampochiiii sobrang cornyyyy!!! Dinamay pa sila mga magulang ko sa ka cornyhan. Nakakainis naman 'tong s Leia ako pa naging bunot
Kung hindi ko lang bestfriend 'to kanina ko pa 'to sinungitan eh grrrr!!!
Agad kong nireplyan ang message na ubod ng ka cornyhan may pa cutie pie cutie pang nalalaman
to : unknown number
x- send ka boi , walang bakery mga magulang ko kaya wala kaming cutie pie na sinasabi mo tsaka pwede ba burahin mo na number ko sa phone mo , hindi ako intresado sa'yo
At pagkatapos kong isend ang message na 'yon pinower off button ko na ang cellphone ko para hindi na 'ko makabasa ng mga corny na messages na galing sakanya
Yari talaga 'to bukas sa'kin si Leia Franzin A. Tolentino kung kani-kanino binibigay number ko
Hindi porket beshy ko s'ya ibubugaw na n'ya ko kung kani - kanino dapat nakikita ko muna kung sino para alam ko kung g ba ako hmmmpk.
Sinet ko na ang alarm clock ko para bukas pero alam ko namang mas nagigising ako sa bibig ng mama kong mas maingay pa sa alarm clock dito sa tabi ko
Agad akong napukaw ng kagandahan ng buwan
Minsan napapaisip ako sa concept ng sunrise at sunset eh
Bakit kapag pasikat pa lang yung araw parang ang sarap sa pakiramdam , ang saya parang punong - puno ako ng hope sa buhay ko , parang walang problema parang kahit pasan ko na ang buong mundo pero kapag nakakita ako ng sunrise parang pakiramdam ko wala 'kong problema sa buhay
Parang walang mabigat basta ang gaan - gaan lang , parang isang cellphone na sinaksak sa charger tapos agad - agad na nafull charge.
Pero bakit kapag palubog na yung araw ibang vibe yung nararamdaman ko , alam mo 'yon parang bigla ka na lang malulungkot ng hindi mo malaman kung anong dahilan , bigla na lang akong nag ooverthink sa mga bagay na hindi naman dapat isipin.
Parang kahit gaano man kaganda yung obrang makikita ko sa paglubog ng araw parang may pakiramdam sa'kin na gusto ko na lang ibalik ang umaga parang ayaw kong matapos ang araw
Pagdating naman ng gabi at nakita ko na ang buwan , ito yung nagbibigay sa'kin ng pampakalma sa aking nararamdaman.
Parang ito yung nagpapa alala sa'kin na balang araw magbabago ang takbo ng buhay ko at nasa kamay ko ito
Ay ewan bakit ba ngayong gabi ako nag isip ng mga ganyan nadamay pa ang sunrise , sunset at ang buwan.
Unti - unti kong ipinikit ang aking mga mata at nagdasal sa maykapal
Lord , alam ko pong alam mo kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon , at alam ko rin po na alam mo kung anong the best para sa'kin , alam ko pong hindi mo ako bibiguin sa mga planong ipinlano mo sa akin at sa buhay namin ng mama ko kaya Lord itinataas ko po sainyo lahat , kayo na po ang bahala ipinagkakatiwala ko po sainyo ang buhay ko , mga pangarap ko at mga kaganapang mangyayari sa buhay ko. Handa rin po akong harapin lahat ng challenges na ibibigay mo , basta Lord yung medyo slight lang po na mahirap ah? 'Yung alam n'yo pong keri booom booom ko. Ayy , joke lang po Lord basta po I love you and you love me we are happy family sorry Lord napakanta lang po ako ng kanta sa barney pero Lord totoo po 'yan love po kita kaya po ikaw na po ang bahala sa lahat ha? Goodnight , Lord.
Amen.
————————————————————
<3
YOU ARE READING
Sunrise and Sunsets
Teen FictionAng pinaka masakit na pamamaalam ay hindi pa sinasabi pero unti-unti mo ng nararamdaman.