Chapter 1: Bestfriends

43 0 0
  • Dedicated kay All of my AWESOME readers
                                    

UGH. Hindi ko pala nasave yung draft nito kaya nag-ulit ako. Kaya ayun medyo naiba per ganun pa din kasi natandaan ko yung ibang scenes.

HAHAHAHAHA.

VOTE.COMMENT. SUGGEST TO FRIENDS.

Thank you. Salamat. Kamsahamnida. Domo arigatuo gozaimasu. Xie xie. Gracias.

Chapter 1: Bestfriends

Xian's POV

"Oh my. Totoo ba 'to? Ang isang Xian Calvin V. Samson ay walang kalandian ngayon? Himala ba 'to? Hahahahaha." Tsk. Ito talaga ang disadvantage ng pagkakaroon ng bestfriend na babae eh, isang napakalaking nagger at isa pa, they are annoying.

"Alam mo Daniella, kaya kong makipaglandian sa mga chikababes dyan, kusa kasi silang lumalapit eh. Alam mo na, iba talaga 'pag gwapo. Hindi katulad ng isa dyan mukhan bibe, laging naka-pout." Hah, take that. Bayaan mo sya sanay naman na sakin 'yan eh. Ganyan ang lambingan moments namin.

"Whatever. Anyway, gotta go. Shopping with friends. See you latur babe." aba malandi talaga. Sabay lakad papunta sa labas ng kwarto ko.

"HOY DANIELLA BEATRIZE C. FOURNIER!!! Wag kang lalandi landi dyan sa tabi tabi. Wala ng magliligtas sayo. Di ako pinanganak para lai kang iligtas. Sayang ang kagwapuhan ko aba!"

"Oho, bawas landi. Got it. Diretso na ko condo mamaya ha. Text na lang kita, and don't skip meals ok? Bye babe." Sabay labas ng condo ko. Bastos talaga.  Anyway, lakas maka-mayaman ng surname nya noh? Iba talaga 'pag half French and half fries yan eh! HAHA. Joke. Half French lang. Natatawa na lang ako kung paano kami nagkakilala. Isang napaka-cliché na pangyayari. 

*flashback*

Dala ng pagka-bagot ko sa bahay, napagpasyahan ko na pumunta sa restobar ng barkada ko, tutal libre naman ako dun eh. Pagdating ko, sakto may papasok na babae, makinis, maganda, hot, sexy at maputi. Napasabi na lang ako sa  sarili ko ng "Darn, jackpot!" Sakto namang pagpasok ko, banda nila Venice at Nathan yung tumutugtog. Akalain mo yun, buo pa  yun banda nila. Tutal at nandito na din, panahon na para magpasikat.

"Good Evening ladies and gentlemen, tonight our highschool friend here, Xian Calvin will be join us for our next 2 songs, so enjoy." Paga-announce ni Venice. Pasaway talaga. So natapos ang dalawang kanta pero pucha, hindi man lang nag-react, pero tumingin mga isang beses nga lang. So, plan B, lapitan at landiin, kaso nga lang, bago pa ako makalapit, may aso este asung-- este lalaki na naunang lumapit sa kanya, nakita ko naman na mukha na siyang nababastos at dun na ako nagpasikat, binugbog ko lang naman at ayun K.O yung lalaki. Di man lang nagkaroon ng pagkakataon para dapuan ng kamao niya ang gwapo kong mukha. Saka ako lumapit sa kanya, sabay sabing,

"Miss, ayos ka lang ba?" sabi ko sabay upo sa tabi niya.

"Oo, salamat ha?" naka-ngiti niyang sagot, mukha siyang anghel.

"Anong salamat? May bayad yun noh! Mahal TF ko. Ok na yung 5,000. Pero dahil hindi naman nagkaroon ng chance na madampian ng kamao niya ang mukha ko, pwede bang number mo na lang ang kapait? Ano, ayos ba?" Pasimple kong banat sa kanya.

"Excuse me? Are you flirting with me?" taas kilay niyang sabi sakin. Hmm, mataray ang isang 'to ha. Bibigay din yan sa kagwapuhan ko.

"Perhaps no, perhaps yes.Oh,sorry for being rude, I'm Xian, and you are?" 

"Daniella, Daniella Fournier."

*end of flashback*

Ayun, paflirt flirt hanggang sa nagkakilala kami ng mabuti, maganda sya pero ni isang pagkakataon, hindi ako nagkagusto sa kanya, ganun din naman sya. Siguro nung una, pero dahil yun sa kasexyhan, kagandahan at kakinisan ng balat nya, ayun lang wala ng iba, at isa pa hindi na ko naniniwala sa pag-ibig na yan simula mag-hiwalay ang mga magulang ko, 25 years na silang magkasama pero tignan mo, naghiwalay pa sila. Huminto na rin ako sa paniniwala na may tunay na pag-ibig, simula 'yon nung iwan ako ng isang babae na iningatan ko at minahal ko ng buong-buo pero niloko ako.

Wala na, naging bato na ang puso ko pagkatapos ng lahat ng nasaksihan at naramdaman kong patunay na walang tunay at totoong pag-ibig. Ang tunay, tapat at totoong pagmamahal lang ay ang pag-ibig ng Diyos. Kahit ganito ako ay, may takot pa rin ako sa Diyos. 

Ang drama ko na. Sht, nakakabading. Makapunta na nga lang kala Than at Nice. Hindi na ko nagpahatid sa driver tutal marunong ako magdrive. Ayoko na dun sa Ford kong sasakyan. Nandun ang memories ng babaeng manloloko. Dito na lang ako sa Ferrari. Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa condo ni Nathan, bahala na.

~~~~

So eto na sya. About sa mag-bestfriends muna. And clues sa past ni HAHAHAHA. In-extreact ko pa yan ha mula sa naalala ko. HAHAHA.

Comments and Suggestions? If may typos, paki sabi po sakin. Thank you. Give this story a chance. Thank you. God bless.

~iamMissReen

The One That Got Away(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon