Dedicated to JobelNolasco for writing on my message board. And thank you sa pag-appriciate ng stories ko. OMG. Thanks talaga.Anyway highway, masyadong masaya ang araw na 'to kaya bubwisitin ko si Xian. Lezzgo. Bangtan. :)
Chapter 2.1 : The Other Side
Xian's POV
"Xian, Xiaaaan, XIAAAAAN. BUMANGON KA NA!" ang istorbong bibe nandito nanaman.
"Ha? Asdfghkjl. 5 minutes." sabi ko sabay talukbong ng unan.
"Ah ganon? Eh kung sabihin ko kayang quarter to 7 na. Matutulog ka pa kaya? Hmm. Lagot ka lang naman sa daddy mo eh, yun lang nama--"
"DANIELLA! Bat ngayon mo lang ako ginising?! May appointment pa ako sa isang supplier sa kompanya. Aissh!" pag-aalburoto ko sa harap niya.
"Eww, can you make mumog or brush your teeth before talking to me? So eww. At anong hindi ginising ng maaga? Hindi ako yaya para paalalahanan ka, sayang ganda ko aba!" Tss. Kahit kailan, ang arte.
"Osya, maliligo na ko, tsaka anong ginagawa mo as condo ko ha?" ang aga-aga nandito.
"FYI. Pinapacheck ka ng mommy mo dito, like duh. Namimiss na daw nya ang bebe boy nya. Aww."
"Isa Daniella, hindi ako natutuwa." pag-babanta ko, kainis talaga si Mommy, pareho sila ni Daniella.
Tumalikod na ko dahil kailangan ko ng maligo at magbihis para hindi ako ma-late, sana hindi traffic. Matapos ang 10 minuto ay nakabihis na ko at handa ng pumasok kaso,
"Xian, sama ako sayo ha? Please?"
"Fine, let's go."
Habang nagda-drive ako papunta ng office, halos mabasag na ang ear drums ko sa kakakanta ni Daniella. Hay, sakit sa tenga. Sa wakas ay nakarating na din sa opisina.
"Good morning Sir Calvin. Good morning Ma'am" sabay sabay na bati habang nakayuko.
"Hi, good morning!" masiglang bati ni Daniella. Tss. Hindi ko ugaling bumati, lalo na sa mga tauhan, pagdating dito, iba ang ugali ko, kay Daniella lang ako madaldal at nagpapakita ng emosyon, bakit? Simple lang, kay Daniella lang ako komportable, sa pamilya ko? Wala akong pakialam sa kanila, lalo na sa tatay kong babaero pero paminsan-minsan dumadalaw ako sa bahay ng mama ko. At itong kumpaya na 'to? Sa tatay ko 'to, napilitan akong mag-trabaho dito. Only child eh, naisip ko rin na pag-nawala sya akin na ang kumpanya nya. Tss.
"Huy, nakikinig ka ba?"
"Hindi eh, nabingi ata ako sa kakakanta mo."
Nag-pout nanaman ang bibe. Tss. Kahit kailan.
"S-s-sir, minove na po ni Mr. Medina yung meeting nyo, sorry po, tinry ko pong p-pilitin pero sabi po sa Monday na lang daw po."
"Ok, what time? and where?"
"8am, at The Grand Hotel S-sir."
"Ok, and Janine? You're fired."
"Xian! What the hell?!" sabat naman ni Daniella.
"You may leave." lumabas ng luhaan ang secretary kong kaka-tanggal ko lang. Simpleng yun lang hindi pa magawa ng maayos.
"Daniella, alam mo na ang gagawin mo, hindi kita sinama dito para lang sa wala. Ihanap mo ko ng bagong secretary."
"Hmp. Fine. Alam mo, last na 'to Xian Calvin V. Samson. Manghihingi ako ng tulong sa daddy mo, Okay?"
"What?! Are you crazy? Isa pa, hindi na ako natutuwa ha." Sabay tingin ng matalim sa kanya.
"Well, FYI, my name is Daniella. And NO. This time sa daddy mo na manggagaling ang secretary mo at siya lang ang may karapatang magtanggal sa kaniya. And it's final,Calvin."
"Fck, fine. Tell him to send a good one. Damn." sabay tayo at nagpunta ako sa isang silid dito din sa opisina ko para magpalamig ng ulo.
Daniella's POV
"Ok tito, thanks po." pag-baba ko ng tawag ay napangisi ako. HAHA.
May plano kasi ako para magtino na si Xian. HAHA. Anyway, asan na ba ang lalaking yun? Teka nga.
"Xiaaan, yuhoo~~"
At nakita ko siya, naka-upo habang dire-diretsong iniinom ang alak mula sa kung saan. Tsk, hindi na nagbago, ang totoo kasi nyan, malaki ang galit niya sa tatay nya dahil nga babaero ito hindi naman siya tanga para hindi malaman yun, dahil noong bata siya gabi-gabi nagtatalo ang kanyang mga magulang hanggang sa nauwi na sa hiwalayan. Mag mula noon, naging cold, distant na siya sa ibang tao, siguro dahil sa alindog ko kaya ganito siya sakin. Chos lang. HAHA. Asan na nga ba ako? Ah kakausapin ko pala siya.
"Hoy, Xian, ayusin mo nga, nakausap ko na dadd-- err-- si tito, okay na, mayang after lunch pa darating yung bago mong secretary and ako na mago-orient sa kanya, ang akin lang is, sabi ni tito ako daw ang bahala mag-decide kung dapat ba siyang tanggalin or hindi pag gusto mo na siyang tanggalin. So ayan na ha, ako na, hindi daddy mo. Okay? So, kung ako sayo, tapusin mo na ang trabaho mo dahil, nasilip ko na may meeting ka with the Parkers."
"Alright, thanks Daniella, you're the best."
"I know right, anong oras na ba? Gosh, it's almost 10, go na. If di pa tapos yan by 12, papa-deliver na lang ako ng food, okay?"
"Okay, thanks." sabay kindat sakin, aba malaret. HAHA. Ay nalaglag si undies. Asa.
~~~~~~~~~~~~~~
So ' yan po yung Chapter 2.1
Vote.Comment.Suggest to friends. Thanks.
~iamMissReen
BINABASA MO ANG
The One That Got Away(ON-HOLD)
RomanceHalos lahat tayo takot sa salitang 'What if'. PAANO KUNG. Paano kung nasabi ko sayo 'yon may mangyayari ba? SANA. Sana naiparamdam ko sayo ang pagmamahal ko. Ganyan naman tayo eh. Marerealize lang ang halaga ng tao o kahit ano pa man pag wala na.