Chapter 8

182 1 1
                                    

Daniel's POV:

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba inutusan ko ang kapatid ko na alamin amg mga nangyari sakanya sa loob ng nakalipas na dalawang taon?

Hindi ba dapat wala na akong pakialam sakanya?

Hindi ko na dapat siya iniintindi.

Hindi na dapat ako nag-aaksaya ng oras pa sakanya. Hindi siya karapat-dapat para sa oras ko.

Alam ko sa sarili kong naka-move-on na ako sakanya.

Hindi ko na siya mahal, dahil ang alam kong nararamdaman ko ngayon ay walang iba kundi galit.

Galit na galit ako sakanya.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa mga pang-iinsultong sinabi niya sa'kin.

Pero bakit mo ngang gustong alamin ang mga nangyari sa kanya?

Shit! Hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit!

Knock! Knock! Knock!

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may kumatok sa pinto ko.

"Pasok."

Si JC pala.

"Oh? Gabi na ah? May kailangan ka ba?" Tanong ko sakanya

May inihagis siyang brown envelope sa kama ko.

"Ayan na Kuya J. Nandyan yung mga information na nakuha ko tungkol kay Ate Kath. Ano bang balak mo?" JC

"Hindi ko alam." Sagot ko

"Shit naman Kuya. Anong hindi mo alam? Pinagod mo kong kumuha ng impormasyon tungkol sakanya tapos hindi mo alam kung anong gagawin mo?" Inis na sabi niya

"Eh sa hindi ko nga alam eh! Hindi ko alam okay?!" Pasigaw na sagot ko sakanya

"Nagpakapagod kasi ako para lang pala sa wala!" Siya

"Sige na babayaran na kita. Magkano ba?" Tanong ko

"Tangina na naman Kuya eh! Hindi yung bayad ang problema eh! Kahit kaninong buhay pa ang alamin mo, tutulungan kita ng libre! Hindi ko kailangan yang sinasabi mong bayad mo!" Galit na sabi ni JC

Teka. Bakit ba galit na galit to?

"Teka nga. Bakit ka ba nagagalit?" Tanong ko sakanya

"Natatakot kasi ako sa kung anumang binabalak mo. Alam kong galit ka kay Ate Kath, pero sana hindi mo maisip na paghigantihan siya." Nakatungong sabi niya

Nagulat ako sa sinabi niya.

Paghigantihan? Si Kath?

Galit ako pero hindi pumasok sa isip kong paghigantihan yung babaeng yun.

"Kung wala ka ng kailangan, lalabas na 'ko." JC

"Sige. Salamat."

Nang makalabas si JC, tsaka ko inumpisahang tignan ang envelope na naglalaman ng impormasyon tungkol sakanya.

Name: Kathryn Chandria M. Bernardo

Birthday: March 26, 1995.

Age: 19

Blah Blah Blah...

Enough of those personal info. I know that already.

Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga impormasyon na nakuha ni JC.

Enrolled siya sa isang kilalang university.

3rd year college and she's taking HRM.

Scholar?

Bakit kaya? Mayaman naman sila ah?

Baka naman matalino?

Marami akong nalaman tungkol sakanya.

Natigilan ako sa nabasa ko.

Iniwan sila ng Papa niya, a month after our breakup?

And Her mom died in a Car Accident last year?

What the fvck!

Kahit galit ako kay Kathryn, ay hindi naman kasama sa galit ko ang Mommy niya.

Si Tita Cristina.

++++++

Wooosh! Sobrang tagal hindi nag-update. Nagdalawang isip pa ako kung itutuloy ko ba to o hindi. Nahihirapan kasi ako, busy sa school.

So ayan na muna. :)

Salamat sa mga magbabasa :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet Revenge ( KathNiel FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon