Chapter 7

262 6 1
                                    

Kath's POV :

Time Check.

2:26 am.

Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong tulala kakaisip kay Daniel, ni hindi ko namalayan na umaga na pala.

Hindi ko pa rin naaabsorb ng husto yung mga nangyari.

Nagkita na ulit kami. I mean nakita niya na ulit ako.

Tulad ng inaasahan ko, galit pa din siya sakin.

Kitang-kita ko sa mga mata niya yung galit habang sinasabi niya sa Emcee na sana wag ng bumalik yung taong nanakit sakanya.

Aaminin ko ..

Nasaktan ako. Sobra. Pero kasalanan ko naman diba? Itinaboy ko siya. Ininsulto.

Naisip ko.

Masaya kaya kami ngayon kung hindi ko siya hiniwalayan ?

Mararating niya kaya lahat ng naabot niya ngayon kung hindi ko siya itinaboy?

Naaalala ko noon kapag nag-uusap kami tungkol sa mga pangarap namin.

Pangarap na binuo naming ng magkasama.

FLASHBACK ***

"Baby ko." ako

"Hmmm..?" Tinignan ako ng nakangiti ni Daniel.

Nandito kami ngayon sa Park malapit sa simbahan. Kakatapos lang naming magsimba.

"Kantahan mo naman ako .."

Ngumiti lang ulit siya at nagsimulang kumanta.

"Sige na nga .. "

"Go ! Now na." Ako

"Ehem ! Ehem !

Kung tayo ay matanda na ..

Sana'y di tayo magbago ..

Kailan ma'y , nasan ma'y ,

Ito ang pangarap ko ..

Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin .. Oohh ..

Hanggang pagtanda natin ..

Nagtatanong lang sayo ..

Ako pa kaya'y ibigin mo?

Kung maputi na ang buhok ko .. "

Niyakap ko lang siya.

Kinikilig ako .. ^///////////////^

"Pagdating ng araw ..

Ang 'yong buhok ay puputi narin ..

Sabay tayong .. mangangarap ng nakaraan satin .. "

Di ko talaga mapigilan ang hindi kiligin ..

Mukha namang napansin niya ..

"Hey .. Bakit ka tumigil ? Tuloy mo. " Ako

"Ayoko na. Kinikilig ka na eh." Pangasar niya sakin ..

Ngumiti na lang ako. Di ko na itinanggi. Totoo naman kasi. ^///////////^

"Alam mo baby gusto kong maging isang sikat na singer. Diba ikaw rin ? Abutin natin ng sabay." Malapad ang ngiting sabi ko sakanya.

"Ayoko ng ganyan ganyan. Gusto lang ng simpleng buhay. Tsaka alam mo namang ikaw lang ang pangarap ko eh." Nangingiting sabi niya sakin

Sh-t ! Kinikilig ako :>

"Eh. Seryoso naman kasiiiiii." Ako

"Seryoso naman ako ah! Ikaw lang ang pangarap ko." Sabi niya habang kinukurot niya ang pisngi ko.

Nagdeath glare ako sakanya.

"Pero seryoso baby, gusto ko talagang maging singer. Gustong-gusto ko. Pero mabigyan lang kita ng magandang buhay ayos na. Manatili ka lang sa buhay ko habang buhay .. para ko naring naabot ang pangarap ko." Nakangiting pahayag niya.

Wala akong masabi. Basta ang alam ko, sobrang mahal ko tong lalaking kausap ko ngayon.

" I love you DJ."

" I love you, too." DJ

Niyakap niya ako, gumanti ako ng yakap sakanya.

End of flashback

Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako.

I don't have any regrets. Alam kong tama ang naging desisyon kong makipaghiwalay sakanya. Ayaw ko siyang idamay sa problema ko.

Ginawa ko yun kasi mahal ko siya.

Mahal na mahal ko siya.

+++++++++++++++

OK ba? Yan lang nakayanan ko ih. :)

COMMENT and VOTE nalang po :)

Sweet Revenge ( KathNiel FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon