Chapter 10: Unknown Boy

13 0 0
                                    

KATE

Andito ako ngayon sa bintana ng residence namin habang nakatingin sa mga sasakyan at taong dumadaan sa baba hindi naman kase kagandahan tong residence namin simple lang. Puro kahoy pa nga ang gamit para magawa ito may iilan din naman na concrete pero mas matimbang yung kahoy, 3 storey house ang residence may mga kwarto din kami syempre bale apat na student sa isang kwarto dahil maluwag naman ito at may mga double deck na kama kaya nagkakasiya masaya din kasi mas lalo kaming nagiging strong para na talaga kaming isang pamilya dito sa residence namin kasi nga buong section kami na nakatira dito kung tutuusin ay masasabi mo talagang magulo kasi nga iba't ibang tao ang kasama namin dito i mean like iba ibang personality ang nagsama sama sa iisang bubong nung una nga lagi akong naiirita sa mga to e pero di din nagtagal ay nasanay na ko iisa lang naman kasi ang mga puso namin personalities lang ang pinagkaiba.

"Sa tingin mo magugustuhan kaya ni kristina dito?" sambit ko habang naktingin sa labas ng bintana

"Oo naman bakit naman hindi? E may kasama siyang poging kagaya ko" sagot naman ng lalakeng mukang libag

"Tumigil ka nga! Baka kamo ikaw maging dahilan kung bakit aalis siya"  sagot ko pabalik

Inirapan lang ako nito at diretsong pumunta sa kwarto nila jovert.

-

-

-
Ngayon ay nandito ako sa labas at naglalakad papuntang maroti para bumili ng mga kailangan isama mo na din na inutusan ako ni ivy bumili ng mga needs para sa pag welcome kay kristina mamaya and lahat kami naeexcite.

"Hmmnn" namiss ko talaga tong hangin sa labas minsan nalang kase ako makalabas ng ganito dahil nga sa halos busy ako sa training ewan ko ba kay Sir. Marvin at tinetraining ako ng tinetraining hanggang ngayon.

Ang sarap ng hangin gustong gusto ko talagang lumalabas kasi nga masaya makakita ng mga tao na nakangiti lagi yung walang mga problema at isa pa ang sarap din tingnan ng Crystal na dagat madadaanan mo din kasi eto pagdadaan ka sa market.

Patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa bakery para bumili ng flour namataan ko din naman ang nga taga ibang section na nagiikot ikot yung iba'y may mga kasamang babae yung iba naman pagewang gewang pa yung lakad halatang galing sa inuman nginingitian naman ako ng mga to pag nakikita ako syempre isa akong anak ni Aphrodite natural lang na lagi akong napapansin.

"Sarap talaga maging anak ni Aphrodi-"

"Ouch" sambit ng lalakeng nasa harapan ko ngayon malayo kase ang tingin ko kaya't hindi ko napansin na may nabangga na pala ako

"Ohhw!! im sorry" sabi ko sa lalakeng matipuno ang pangangatawan na kulay kayumangi ang balat, matangos ang ilong at mahaba ang pilik mata well hindi na masama pero yung clothing nya hmm di ko type

"Oh! K-kate??!" tanong nito hindi naman talaga ko nakikipagusap sa iba e kaso may kasalanan ako kaya need ko sumagot

"Yes, why?" sagot ko dito di naman na ko nagtaka kung bakit niya ko kilala kase duhh kilala naman talaga ako.

"Do you know me? Do you still remember me? Omg! All this time i though-" naputol ang dapat niyang sasabihin nang pumagitna si jecil sa pagitan namin at tinitigan ako ng masama.

"Whatt??" saad ko dito

"You two aren't dating right??" tanong nito na parang may pang iinsulto pang kasama

"oh my god jecil! How could i even date him? Hindi ko nga siya kilala" sambit ko sabay ngiti ng bahagya napansin ko naman na biglang nalungkot ang lalake ewan ko kung bakit dahil ba sa sinabi ko??

MAGIKOS NOUS CHARIS ACADEMIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon