Pasok na sa FITTING ROOM

11.9K 154 44
                                    

Iska's POV
Pauwi na kami ng kaibigan kong si Eula galing sa eskwela ng marining ko sa mga lalaking naglalakad ang STYD o Shop till you drop na store ng mga damit sa mga SM. "Eula narinig mo ba yun? May branch na raw ang STYD sa SM North?" pabulong kong itinanong sa kanya.

"Oo narinig ko ang pinag-uusapan nila Iska, sabi nga nila kakaiba raw talaga ang store na yun. Isang oras lang nagbubukas at sa labas pa lang daw ay kikilabutan ka na."

"Wow exciting yung ganun. Tara punta tayo ngayon sa SM North. Tutal maaga pa naman."

Naglakad na kami ni Eula papunta sa sakayan ng jeep pa sm north. At agad din kaming nakasakay ng jeep. Habang nasa jeep kami ay may mga nagkukwentuhan din tungkol sa STYD at sa tingin ko pupunta rin sila sa store na yun.

"Bessy anong oras na ba?" tanong nung babae na nasa harap ko.

"Quater to eight na bessy," sagot ng kasama niyang babae.

Nagtaka ako bakit tinatanong ng isang babae kung anong oras na. May time limit pala ang STYD? Doon ko nalaman na alas-nuwebe pala ng gabi nagbubukas ang store na yun at nagsasara ng alas-diyes ng gabi. Tama nga si Eula, isang oras lang nagbubukas ang store ng STYD. Excited na ako makita ang store ng STYD at malaman kung totoo ngang kakaiba ang store na yun. Sabagay yung oras pa lang ng pagbubukas ay nakakapagtaka na mga damit pa kaya na tinitinda nila.

Kalahating oras din ang tinagal ng biyahe namin dahil sa trapik dapat pala naglakad na lang kami tutal sa munyos lang naman kami galing. Ilang kembot lang sm north na.

"Eula nandito na tayo. Anong floor ba ulit yung store ng STYD?" sa sobrang excited ko ay tinanong ko na agad kay Eula kung anong floor ang store kahit hindi pa kami nakakapasok ng mall. "Sa 3rd floor, Iska." Sagot ni Eula sa aking tanong kaya hinila ko na agad siya papasok ng mall para makita ko na agad ang kakaibang store ng STYD.

"Teka Iska, Huwag ka naman masyadong nagmamadali."

Nagreklamo na ang kaibigan kong si Eula. "Ano ka ba Eula. Minsan lang 'to alam mo namang busy tayo palagi sa school dba?, wala namang pasok bukas kaya wag ka ng magreklamo. Hehehe." Sabi ko sa kanya.

"Mag-elevator ba tayo o mag-escalator?" tanong niya sa akin.

"Mag hagdan tayo para mabilis," pagbibiro ko sa kaibigan ko.

Nag-escalator na lang kami ni eula hanggang makarating kami ng 3rd floor ng mall. At tumambad sa amin ang napakahabang pila ng mga tao. Grabe ganito ba sila ka excite sa STYD Store? Ano ba merong dun? Bakit ang daming tao.

"Iska ayan nandito na tayo, masaya ka na ba?" hinihingal si Eula ng mga sandaling iyon, Ikaw ba naman hilain habang tumatakbo hindi ka hingalin.

"Oo Eula masaya na ako. Teka selfie muna tayo," kinuha ko ang cellphone ko sa mamamahalin kong bag na binili ko pa sa divisoria. Para makapagselfie at maipost sa mga social networking sites.

"Eula tingin ka naman sa camera, say "Waaaaaaa"."

"Waaaaaaa," Ayan ang ganda ng kuha natin. Kuhang-kuha din ang mga taong nakapila. Teka i-upload ko na agad ito sa instagram. Excited ako eh, kaya inopen ko na agad ang instagram application para maiupload na ang selfie selfie namin ni Eula.

"Sa wakas nakarating na rin kami dito sa mall. Grabe ang haba ng pila.
#STYDStore ‪#‎Haggardness‬ ‪#‎SelfieQueen‬ ‪#‎SMNorth‬ ‪#‎Clothes‬ ‪#‎NoFilter‬" heto ang caption ko sa picture na inupload ko sa instagram with a lot of hashtags. At kinonek ko rin sa facebook at twitter ang post ko sa instagram.

"Ang dami namang hashtag niyan iska," grabe nagtaka pa siya sa akin? Eh kulang na nga lang puro hashtag ilagay ko sa bawat post ko. "Ganyan talaga Eula para updated ang mga followers ko. Mahihilig kasi sila sa mga ganito, they like mystery. Woooo. Hahahaha!" sagot ko sa kanya at saka ko na pinindot ang share button sa ig application, at success uploading ang lumabas. Ibig sabihin ay na share ko na ang selfie namin at naipost na.

FITTING ROOM (COMPLETE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon