Coincidence Happens

9.1K 152 54
                                    

Eula's POV
Naghiwalay na kami ni Iska pagkalabas namin ng mall. Dahil sa pasay uuwi si Iska at ako naman ay sa monumento lang. Iba ang way niya pauwi at iba rin ang sa akin. Kaya hindi kami pwede magsabay.

"Ingat ka Eula," pagpapaalam sa akin ni iska. Pero kaway lang ang isinagot ko sa kanya. Tulala pa rin kasi ako hanggang ngayon. Hindi ko makalimutan ang matang nakasilip sa loob ng Fitting Room. Sigurado ako na may tao sa salamin at may naninilip sa likod nito. Pero hindi ko nagawang hawakan para nakasigurado. Ibang klase talaga ang STYD Store, yung ambiance niya at mga tinda nila ay talagang kakaiba. Yun siguro ang nagustuhan ng mga parokyano nila. Pero ang hindi nila alam may kakaiba sa Fitting Room.

"Hi Miss, sasakay po ba kayo?" tanong sa akin ng taxi driver.

"Hindi po."

"Bakit po kayo nakatayo sa taxi bay? Kung hindi po kayo sasakay," medyo mayabang na sabi ng driver pero tama nga naman siya bakit ako nakatayo sa pilahan ng mga taong sasakay ng taxi.

"Pasensiya na po kayo manong." Humingi ako ng pasensiya sa taxi driver at agad din akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep sa terminal ng mall. Alas onse-bente na pero ang haba pa rin ng pila. Kaya nagtanong ako sa babaeng nasa harapan ko kung bakit ang haba ng pila pa-monumento.

"Ahm, excuse me po." Sabay kalabit sa babae. "Kanina pa po ba mahaba ang pila?" tanong ko.

"Oo kalahating oras na nga kami ng kaibigan ko dito," sagot ng babae sa harap ko. Ay ganun katagal? Grabe naman kalahating oras na silang nakapila? Hindi na naman rush hour huh? Pero inferness sa mga suot nila para silang mga cosplayer sa suot nila. Siguro galing photoshoot.

"Ah sige. Salamat po." Nakangiting sabi ko sa babaeng pinagtanungan ko.

Dahil sa naiinip na ako at mabagal ang usad ng pila ay umalis na lang ako at naghanap ng ibang masasakyan pauwi dahil gabi na rin at late na, baka mapagalitan pa ako ng parents ko. Kaya nagtaxi na lang ako pauwi.

Pumara ako ng taxi "Saan po kayo ma'am?" tanong ng taxi driver.

Sumakay na agad ako ng taxi kahit hindi pa ako nakakasagot sa tanong ng driver. At pagkaupo ko sinabi ko na kung saan ako patungo. "Sa monumento lang po ako manong."

Agad na pinaandar ng driver ang kanyang taxi. At hindi naman kalayuan ang sm north sa monumento dahil dalawang lrt stations lang naman ang lalagpasan nito at monumento na. "Manong dito na po ako," pagpapara ko sa driver.

"Heto po ang resibo ma'am," iniabot sa akin ng taxi driver ang resibo ng metro sa kanyang taxi at nagbayad na ako. "Salamat po manong, sa inyo na po ang sukli." Nakangiting sabi ko sa driver. Dahil ligtas naman akong nakauwi at hindi niya pinaikot-ikot ang taxi kaya binigyan ko siya ng tip.

Nakakatatlong hakbang pa lang ako ay agad akong sinalubong ni mama. Nakasimangot ito at mukhang irita. Syempre anong oras na nga naman ako nakauwi. Sigurado nag-aalala na sila sa akin. Lalo pa at college students ako.

"San ka ba galing anak? Bakit ka ginabi ng uwi? Dba alas-siyete ang tapos ng klase niyo? Anong oras na ah. Baka gumimik ka pa?" ang daming bulyaw ni mama.

Dahil sa honest akong anak ay sinabi ko kay mama kung saan talaga ako nagpunta at kung ano ang ginawa ko. "Nagpunta lang po kami ni Iska sa mall. May bagong bukas po kasi na store sa 3rd floor eh." Sagot ko sa maraming tanong ni mama.

"Oh siya sige, umuwi na tayo. Kanina pa nag-aalala ang papa mo sayo." Tumango na lang ako sa sinabi ni mama at naglakad na kami pauwi ng bahay. Konting lakad lang muna sa monumento circle ay bahay na namin kaya sa kanto na lang ako bumaba.

Nakarating na kami ng bahay ni mama at agad na bumungad sa akin ang nakakatakot na mukha ni papa. Parang kakain ng tao, hehehe. Pero mabait si papa never pa niya ako napagbuhatan ng kamay dahil alam naman niya na hindi ako gagawa ng hindi nila magugustuhan. Mahal na mahal kaya nila ako hehehe.

FITTING ROOM (COMPLETE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon