-Ringing-
"Hello Iska! Asan ka na friend? Late ka na, Nandito na si Prof. Mukhang may exam tayo. Hello Iska?.".
"May nangyari kasi Eula."
"Anong nangyari? Hello Iska! Hello??."
[Eula! Ano ba yan, Sino ba yan? Nagkakaklase tayo!]
"Sir pasensiya na po. May nangyari raw po kasi kay Iska. Lalabas na po muna ako para malaman kung anong nangyari sa kaibigan ko. Pasensiya na po Sir."
[Okay you may go outside and talk to her.]
"Hello, Iska andiyan ka pa ba? Anong nangyari sayo? Hello Iska!? Iska!!."
- &^%#$ Please check the number and dial again.-
-Call Ended-
Eula's POV
Monday na!! Excited na akong pumasok. Maaga akong nag-ayos at naligo para maunahan si Iska sa school. Kasi lagi na lang siya ang naghihintay sa akin sa labas ng gate. Ngayon ako naman ang maghihintay sa kanya."Ma, Pa, Alis na po ako. *halik sa pisngi*."
"Sige anak mag-iingat ka sa pagtawid ah."
"Opo Papa."
Pagkatapos ko magpaalam kay mama at papa ay lumabas na ako agad ng bahay. Nagmamadali ako para ako mauna kay Iska. Wala naman kaming usapan na paunahan at lalong walang usapan ng pustahan. Gusto ko lang makabawi. Ganun lang, Syempre kaibigan ko siya.
Patawid na ako ng kalsada sa monumento circle ng muntik na akong mahagip ng sasakyan. Tinatamad kasi ako umakyat ng footbridge.
"Hoy! Kung gusto mong magpakamatay, Mag bigti ka! Hindi yung mandadamay ka pa!" Ang yabang naman ng driver na yun. Mabunggo sana siya.
*Booooogoooom!*
Napahawak ako bigla sa dalawang pisngi ko at napatulala. Hindi maaari. "OMG, Anong sinabi ko. Anong nangyari. Bakit nabunggo ang sasakyang muntik ng makabunggo sa akin. Holy Crap!" Dahil sa nangyari ay nagpasya na lang akong magtaxi papasok ng school.
"Taxii.. Taxiii..." Walang humihintong taxi sa harap ko kahit anong kaway ko. Wala naman silang mga sakay. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras, Alas sais-imedya na. Oh My! Baka nauna na si Iska sa akin. Maghihintay na naman siya. Walong taxi na ang pinara ko pero ni isa walang huminto. Napakamot na lang ako sa ulo. "Ano ba naman 'to! Ang malas naman ng monday!". Naiinis na ako, Bakit ganito ang nangyayari. Dati rati isang para ko lang ng taxi may humihinto agad. Ngayon lang nangyari ito sa akin. Kaya nagpasya na akong maglakad sa footbridge. Habang naglalakad ako sa footbridge ay may lalaking hinahabol at sa likod nito ay may pulis.
"Tumabi kayo! Tumabi kayo! Sasaksakin ko kayo kapag hindi kayo tumabi!" Sigaw ng snatcher na lalaki. Sa takot ko ay tumabi ako sa gilid at pinuwesto ang paa ko para matalisod ang magnanakaw.
"Araaayy!." Biglang napatingin sa akin ang magnanakaw at may sinabi ito pero hindi ko naintindihan. Buti na lang at hindi ako nito sinaktan. At tumakbo na lang ito palayo sa pulis na humahabol sa kanya.
"Miss okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?," Tanong sa akin ng mamang pulis. "Opo, Ayos lang po ako. Doon po tumakbo yung magnanakaw." Tinuro ko kung saan tumakbo at magnanakaw at tumakbo na rin ang pulis papunta sa direksyong tinuro ko.
Habang naglalakad ako sa footbridge at pababa na ako ng hagdan. "Miss, May dugo ka sa binti." Nagulat ako sa sinabi ng babaeng nagsalita. Pagtingin ko sa binti ko. "Sh*t! Saan galing ito?." Naisip ko na baka nahagip ako ng kutsilyo ng magnanakaw ng matalisod ko ito. Ang malas naman! "Salamat." Sabi ko sa babae.
BINABASA MO ANG
FITTING ROOM (COMPLETE STORY)
Misterio / SuspensoMAHILIG KA BANG MAG-SELFIE AT MAG-SHOPPING? PASUKIN NA ANG KAKAIBANG CLOTHES STORE! #FittingRoom #STYDStore