Chapter 3

598 19 1
                                        

MABILIS ang pagpapa-takbo ni Akio. Hindi ko pinapantayan ang bilis nang pagpatakbo dahil alam ko naman kung saan ang bar na pupuntahan niya dahil doon kami unang nagkita, atsaka ayaw ko pa mamatay, nag-oovertake pa kasi siya minsan, nadudumi siguro?

Ipinarada ko ang kotse ko sa tabi ng kanya. Hindi na ako muling nag-retouch dahil papawisan lang din naman ako sa loob. Lumabas na ako at inaantay na bumaba si Akio ng kotse niya pero isang minuto na akong naka-tayo rito ay hindi pa rin siya lumalabas. Heavy tinted ang bintana ng kotse niya kaya 'di ko makikita ang ginagawa niya sa loob unless kung ilalapit ko talaga ng todo ang mukha ko sa salamin ng kotse.

Sa inip ay 'yon ang ginawa ko at ang baklang maarte, nag-lalagay pa ng kolorete sa mukha! Nahiya naman ako!

Malakas na kinatok ko ang salamin, kaya napaatras ako ng bigla nitong binuksan ang pintuan. Muntik pa akong matumba khng hindi ako nakahawak dahil medyo malakas ang pagkakatulak niya. Masasapak ko na talaga ito.

Masama ang tingin ko ng nasa harap ko na siya. May blush-on siya sa pisngi, naka-mascara at naka-eye liner pa nga yata at pulang-pula ang labi nito.

"Bat di ka nag muk-up? Paano ka makakabingwit ng pogi nyan te?!" Wika ni bakla. Tinignan ko ang sarili sa salamin kanina bago bumaba at mukha pa namaj akong presentable, nang-aasar lang siguro ang baklita na ito dahil mas maganda ako sa kanya atsaka may matres ako siya wala.

"Hmm? Mag-lagay ba ako?" Tanong ko at tinitigan ang labi niya.

"Ofcourse--" Natigil si Akio nang madiin na nilapat ko ang labi ko sa kanya, ginawa ko 'yon para malagyan din ng pulang lipstick ang labi ko.

"Ugh!" Palag ni Akio nang pa-ulit ulit kong idinampi ko ang labi ko sa kanya.

Nag-habol hininga siya nang sa wakas ay pakawalan ko ang labi niya pero hindi naman nagulo ang lipstick nito.

"Stupid ka talaga! It's a kissproof lipstick!" Sambit ni Akio, at dumudura-dura pa. Ni hindi ko naman pinasok ang dila ko sa bibig niya, pasalamat siya! Dahil ang intensyon ko pang naman talaga ay para malagyan din ng kulay pula ang labi ko.

"Hindi nga? Try nga ulit natin para malaman kung totoong kissproof 'yang lipstick mo." Akmang ilalapit ko ang mukha ko sa kanya nang pigilan nito ang ulo ko gamit ang isang kamay ng walang kahihirap-hirap.

"Hindi pa tayo tumatagal dito pero hinahalay't inaakit mo na ako. Pakshet talaga girl!"

"Kaya hanapan mo ako ng pogi jan," tinuro ko ang bar. "Para hindi ikaw ang inaakit ko," dugtong ko pa.

"Oh yes! I'll do my fucking best! Let's go," aniya, bago pa man siya mauna maglakad ay hinila ko ang collar ng damit niya at hinalikan't kinagat-kagat ang labi niya.

"Kissproof nga," pag-kunpirma ko at iniwan siya dahil pinupunasan na naman niya ang kanyang labi.

Pag-pasok ko pa lang sa club ay sumalubong ka-agad sa akin ang maingay na tugtog, at usok. Tinanaw ko ang dance floor at kakaunti pa lang ang naroon. Halos lahat ng tao ay nasa kani-kanilang mga table pa, nagpapakalasing pa lamang.

"I'll introduce you to my poging friends na, follow me!" Medyo pasigaw na sabi niya kaya nagpa-kawala ako ng tawa.

Ilang saglit lang ay tumigil na kami sa table ng puro mga lalaki, inikot ko agad ang tingin sa mga lalaking na roon anim silang lahat, at puro pogi at hot!

Tumingkayad ako at bumulong kay Akio. "Yummy." Inirapan niya lang ako.

"Hi boys, meet Terry, napulot ko lang jan sa tabi," pagpapakilala niya sa akin kaya kinurot ko ang braso niya. Narinig kong nagtawanan ang mga lalaki.

"Ayusin mo!" Wika ko.

"Si Terry, naghahanap ng boyfriend, patulan niyo na, ako nilalandi like ew."

"Tatlo nalang ang single dito, baka tayo ang meant to be, Riri," sabi nung isa na medyo singkit. Nabigyan niya agad ng nickname ang pangalan ko ah? I like him na.

"Can I sit beside you?" Tanong ko kaya nag-kantyawan ang kaibigan ni Akio.

"Ofcourse!" Aniya at malaki ang ngiti. Umalis ang katabi niya kanina at lumipat sa tabi ni bakla.

"Pangalan mo?" Tanong ko.

"Danton Argente," aniya at kumindat. Bagay na bagay ang pangalan niya sa kanya, manly and sexy.

Ilang oras din muna bago kaming lahat malasing, alas dos na ng madaling araw pero ang mga tao sa club ay nagtatalunan, ang iba'y nagttwerk, umiinom habang sumasayaw mismong sa bote na umiinom at iba't iba pa.
Sa ilang oras na 'yon ay halos si Dan lang ang kausap ko, hinahayaan lang kami ng mga kaibigan niya pati ni bakla na mag-usap, kahit minsan ay halata sa mga mata nila ang pang-aasar.

"Wanna dance?" Tanong ni Danton. Tumango ako dahil ang kanta ay wild. Ganon ang gusto ko dahil nagkaka-gulo talaga sa dancefloor.

Nang makarating kami sa dancefloor ay walang segundo na pinatakas ako at nagtwerk agad sa gitna. Naagaw ko ang pansin ng ilan. Ang ibang babae ay tumabi rin sa akin at sinabayan akong iaalog-alog ang pang-upo.

"Hey, dance with me!" Tawag ko kay Danton at bahagya pang nilahad ang kamay. Inabot naman niya 'yon at sumabay sa pagtwerk ko. Medyo matigas pa nga ang katawan niya pero pepwede na.

Bahagyang lumapit si Dan sa akin habang patuloy kaming dalawa sa pag-twerk.

"Something is dangling," Napatigil ako sa pag-sayaw at napahagalpak nang tawa sa sinabi ni Dan. 

Nag-gets ko agad kung ano ang dumuduyan. His penis is dangling!

He's wearing a sweatpants and an oversized white shirt, kaya mararamdaman niya talaga na parang nagduduyan ang pagkalalaki niya!

Tumigil kami sa kaka-twerk, inatake ko agad ang labi ni Danton, mas diniin ko pa ang sarili ko sa kanya para maramdaman niya ang dibdib ko, ngayon ay naka-tingala't nakapikit ako naman ang inaatake ni Danton ng halik sa leeg. Nasa gitna ako nang kasarapan ng may pumutik sa noo ko. 

"Maharot ka talaga! Nakiki-lampungan ka na agad jan kakakilala niyo lang no!" sabi ni Akiyo at pinatigil si Danton para hilain ako palabas.

A Night With A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon