"Tagay..." Wika ko at itinaas pa ang kamay, hindi ko matatanggi na lasing na ako, pagewang-gewang na ang lakad ko, kung wala nga lang si Akio na naka-alalay sa akin baka gumapang nalang ako papunta sa kotse ko.
"Shuta, girl! Umayos ka ng lakad!" Saway ni Akio, mas humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang ko, ang kaliwang braso ko naman ay naka-akbay sa kanya. Napapa-tigil kami sandali sa pag-lakad dahil naaasagi ng paa ko ang paa ni Akio kaya natatalisod siya.
Ramdam ko ang malalim niyang paghinga dahil sa magkadikit ang aming katawan.
"Jan ka lang," sabi niya pagka-tapos akong iupo sa gather.
"Gago?! Iiwan mo 'ko?!" Pasigaw na sabi ko sa kanya. Nanlalabo ang mata na sinundan ko siya ng tingin, umalis na siya at iniwan nga ako rito sa gilid! Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Buti ay sa maliwanag niya ako iniwan. Dito nalang ako matutulog, masakit na talaga ang ulo ko, at umiikot na rin ang paningin ko.
Humiga ako di na alintana kung madudumihan ako, at kung baka may manrirape sa akin. Kasalanan ni Akio pag nabalita nalang na may isang babaeg ginahasa at pinatay sa parking ng club!
Ilang minuto nang pagkakahiga ko ay may usok na bumuga na nalanghap ako.
"Bobang Terry talaga!" Iminulat ko ang mata nang marinig ang boses ni Bakla, nakatigil ang kotse niya malapit sa akin, pabagsak na isinara niya ang pinto ng kotse at pumunta sa gawi ko.
"Bat ka humiga jan? Homeless kana ngayon te?!" Aniya, ramdam kong nakalutang ako habang may braso na nasa baywang at legs ko. Binubuhat na ako ni Akio ngayon, akala ko'y iiwan niya na talaga ako roon. Kinuha niya lang pala ang kotse niya.
"Ay shet! Sorry," pagpapaumanhin ni Bakla nang tumama ang ulo ko sa hamba ng pinto, hinimas niya pa 'yon ng ilang saglit bago ako ipinahiga sa backseat.
"PUCHA, hindi na ako iinom!" Pagka-gising ko ay sapo ko agad ang ulo ko, nilibot ko ang paningin ng mapansin na wala ako sa kwarto ko pero makita pa lang na kulay pink ang kurtina sa malaking bintana ay alam kong kay Akio ang kwarto na to, at natatandaan ko pa rin naman na siya ang huli kong kasama kagabi.
Tinignan ko kung may damit pa ako, agad na nadismaya ako nang makitang mayroon, mahina talaga ang Akio na 'yon. Hindi man lang naakit sa kagandahan ko?
Naghilamos ako bago lumabas ng kwarto, tumigil ako sandali para pagmasdan ang medyo kalakihang bahay. Nasa pangalawang palapag ako ngayon. Bumaba ako dahan-dahan lalo na nung madami akong naririnig na kutsara't plato na nagbabanggaan.
"Hala... goodmorning po!" Bati ko kaagad ng hindi lang si Akio ang naroon kundi pati ang Mama't Papa niya!
"Kaibigan ko ang chararat na iyan, lasing na lasing kaya dito ko pinatuloy, Ma, Pa," pagpapaliwanag ni Akio kahit na hindi pa naman siya tinatanong.
Tumawa ang papa ni Akio. "Akala ko nama"y lalaki ka na," aniya.
"Never, duh," sabi ni Bakla at sinenyasan akong lumapit sa kanila
"Sorry po sa abala, uuwi na po ako," sabi ko kahit ni isa ay wala ako, wala ang phone ko sa akin, wala ring pera, at yung tsinelas ko ay nandoon sa kwarto ni Akio!
"Umupo ka muna hija, magandang kumakain sa umaga dahil 'yon ang pinakamahalaga," marahan na sabi ng Mama ni Akio. Parang mabait naman ito kaya hindi ako kinabahan, atsaka bakit ako kakabahan? Kaibigan pa lang naman ang Pagpapakilala sa akin ni Bakla sa kanila. Sa future na lang siguro ako kakabahan kapag girlfriend na ang pagpapakilala sa akin ni Akio sa kanila.
"Salamat po," sambit ko.
Tinignan ko si Akio, bigla ako nitong inirapan ng magtama ang tingin namin. Naghila ako ng upuan sa tabi niya at doon umupo.
Tahimik lang kami sa hapag, ilang minuto lang ay nagpaalam na rin ang mama't papa niya dahil tapos na sila. Pagka-alis na pagka-alis nilang dalawa ay pinalo ko agad si Akio sa braso.
"Kagabi pala bakit mo ako hinila palayo kay Danton, kung hindi mo ako hinila edi sana nadiligan ako kagabi, nag-selos ka bakla no?" Asar ko sa kanya, sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya.
"Kapal ng mukha te! Gaga, madami na kasi nakama 'yon baka may HIV na 'yon, mahawa ka pa!" sabi ni Akio, parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. May paki siya sa akin!
"Tayo na lang kasi, papaligayahin kita, papasigawin kita sa kama," sabi ko at nag-taas baba ng kilay, agad na inabutan ko siya ng tubig ng nabilaukan siya.
"Nasa harap ka ng pagkain kung ano-anong lumalabas sa bibig mo, kumain ka na lang jan, Terry!" Parang tatay na suway nito sa akin.
"Yes po Tay," wika ko kaya naka-tanggap ako ng pitik sa ilong mula sa kanya.
Tumayo na si Akio kaya mabilis na sinubo ko ang natitirang pagkain sa plato ko at sumunod sa kanya.
"Peram damit, baks," sabi ko nang makarating kami sa kwarto niya, ang bakla na ito kasi hindi man lang ako pinalitan ng damit! Kung anong suot ko kagabi ay 'yon pa rin ngayon. Amoy ko pa nga ang usok ng sigarilyo sa damit ko.
"Bilib talaga ako sa kapal ng apog mo! Feeling close ka talaga no?!" Aniya, ay, hindi pa ba kami close para sa kanya?
"Natulog na ako sa kwarto mo, hindi oa rin tayo close?" Tanong ko. "At diba nga pumasok na yang--" Pinutol niya ang sinasabi ko ng may pink short at puting pambabae na damit siyang hinagis sa mukha ko, akala ko naman ay oversized na tshirt ang ibibigay biya sa akin tulad ng nababasa ko sa ibang novel, kakaiba talaga ang baklang ito!
"Bakit ka may ganito, baks?"
"Hilig ko mangolekta ng ganyan, feeling ko ay babaeng-babae ako kapag may ganyan sa closet ko," aniya at binuksan ang closet niya. Napanganga ako ng ang daming pambabae na damit at dress doon. Halos kalahati ng damitan niya ay puro pambabae.
Tumango ako, mukhang mahihirapan talaga ako na gawing lalaki ito, parang ang lalim-lalim ng pagiging bakla niya, pero naniniwala ako sa kasabihang 'walang imposible'.
"Hoy! My eyes!" Sigaw nito nang hinubad ko ang damit ko para ipalit ang pinahiram niya.
"Sus, dinilaan mo nga noon yung uton--"
"Oh my god, I can't!" Maarteng sigaw niya at pumasok siya sa CR. Humalakhak ako at hinubad na rin ang short para mapalitan.
Malakas na kinatok ko ang pinto sa CR, ngunit hindi niya ako pinag-buksan.
"Mamaya ay nag-babate ka na jan kasi nakita mo boobs ko ha!" Sabi ko at ngiting tagumpay nang buksan niya ang pinto.
Ngiting-ngiti ako habang inis na nakatingin siya sakin.
Tumingkayad ako at pa-ulit-ulit na dinampian ng halik ang labi niya. Hindi naman ito pumalag.
"Ang sakit mo sa ulo!" aniya.
"Sa taas o baba?"
"Terry!" Nagpaka-wala ako ng halakhak.
