Akio Alejaga. Iyan ang pangalan ng baklang naka-talik ko.
"Salamat," sabi ko at nag-abot nang ilang libo sa kausap ko. Nag-taas ng kilay ito at tinawanan pa 'ko.
"Hindi ako tumatanggap ng pera. Halik lang," sabi ni Levi Manjares, my friend slash fling, magaling ito humanap ng impormasyon sa isang tao, basta't pakitaan mo lang siya ng larawan ng pinapahanap mo at ilang oras lang ay boila tatawagan ka na niya para ibigay ang impormasyon kung sino man ang hinahanap mo.
Umirap ako bago lumapit sa kanya at hinalikan siya.
"Bye," Pag-papaalam nito ng wala man lang ako sinabi ng maputol ang aming halik at basta na lang umalis.
Nang maka-pasok ako sa kotse ay binuksan ko muna ang makina ng sasakyan bago ilabas ang mga papel na naglalaman tungkol kay Akio. Ang hot ng pangalan, pucha.
Pangalan: Akio Alejaga
Edad: 25 yrs old
IG: Akiyoyo
FB: Kio Alejaga
Twitter: Akiyaaa
Naging boyfriend: 5
Naging girlfriend: 0May sariling cafe 'Espresso Yourself' at marami na itong branch na kalat sa Pilipinas.
------
tinignan ko ang mga location ng cafe niya at matamis na napangiti ako nang malapit lang ang main branch sa tinutuluyan ko, tiyak ko na naroon siya. Sa ibaba ay may numero ng bakla hindi ko na binasa pa ang iba at agad na tinipa sa cellphone ang number ng bakla. Nang matapos ay ngiting-ngiti na binalik ko ang cellphone sa bag at nagmaneho.
I'm cum--coming, Akio.
Nang makarating ay agad na natanaw ko ang bakla mula sa glass wall ng cafe. Nasa counter si Akio, nasa tabi siya ng mukhang tini-train pa lang na empleyado dahil iba pa ang uniform niya sa iba. Seryosong nakatingin ito sa pinag-pipindot ng babae sa monitor, napa-tawa ako nang makitang may hair clip na kulay gold itong nasa buhok.
Nag-lagay ako ng kaunting kolorete sa mukha bago bumaba.
"Hi babe!" Bati ko at dire-diretso na pumunta sa tabi ni Akio. Hinagkan ko pa ito sa pisngi. Naka-tingin na ang mga customer sa gawi namin. Mga chismosa!
"Yuck!" Sabi ni Akio at pinunasan pa ang pisngi niya kung saan ko siya hinagkan.
Napansin niya na nasa amin na ang atensyon ng mga tao sa loob ng cafe pati ang mga empleyado nya na kumukuha ng order ay napa-tigil at nanonood sa amin.
Kinuha nya ang pulsuhan ko at hinatak sa likod, ito yata ang stock room nila dahil amoy na amoy ang kape rito, may mga baso rin na may tatak na 'Espresso Yourself'
"Ikaw yung dumakma sa perlas ko diba?!" Tili ni bakla. Perlas? Ang alam ko sa babae ang perlas at hindi sa beki na katulad niya.
"Yup," sabi ko, popping the 'p'. "Terry Acosta," pagpapa-kilala ko at muling mabilis na hinaplos ang pagka-lalaki niya.
Lumayo ito at umaktong parang niyayakap ang sarili niya. "Oh shoot! Nakakaloka ka talaga!"
"Come on, babe. I won't bite," wika ko at sinenyas na lumapit siya sa akin.
"Huh! Akala mo hahayaan kita na gawin akong lalaki? Hoy babae! Kahit nakaka-ano ang ungol mo. No! No! No! Hindi na tatayo ang buddy ko sayo!" Aniya, ngayon ay nasa sulok na siya ng stock room, malayo ang agwat namin sa isa't isa. Para bang takot na takot siya sa akin.
"Talaga, babe?" Sambit ko at dahan-dahan na lumapit siya.
"Huwag ka ngang lumapit, ang manyak mong chararat ka!" Sigaw na naman nito sa akin. Hindi ko sinunod ang sinabi niya, patuloy lang akong lumapit sa kanya.
Nang nasa harap niya na ako ay kinuha ko ang gold na clip niya at pinasok sa bulsa ko.
"Hindi ka lang manyak, magnanakaw ka rin, give it back to me!" Sabi ni Akio at ipinasok ang kamay sa bulsa ko.
Nararamdaman ko ang kamay niya na gumalaw sa hita ko kahit na mayroong tela na pagitan pero meron pa rin akong kiliti na nadarama.
"Ahh..." Ungol ko para malaman kung totoo ba na wala akong epekto sa kanya. Tumawa ako nang inilabas niya ang kamay niya sa bulsa.
"Sayo na 'yan, teh!" Sambit ni Akio, bakas na ang inis sa mukha nito, ang sarap-sarap niyang asarin kahit kasi galit ito ay hindi nakakabawas ng pagka-pogi niya.
Akmang aalis na ito pero hinila ko ang damit niya. "Naiimbyerna na talaga ako. Ano bang kailangan mo?"
"I want you," direktang sabi ko.
"Teh! Madaming pogi jan na hindi bakla, pwedeng wag ako? Nakaka-diri seryoso. Gusto mo ba sabay tayong mag-hanap sa bar?" Offer niya. Walang pag-aalinlangan na tumango ako, hindi ko gustong humanap ng iba. Pumayag ako para makasama siya, itutuloy ko ang operation na gawin siyang lalaki.
"Good. Mamaya lang ay pwede na tayong umalis, umupo ka muna roon." Lumabas na siya sa stock room, agad na sumunod naman ako.
Halos hindi pa nag-iinit ang pang-upo ko ay lumapit na siya sa akin. "Gora na te." Aya niya sa akin. Tumayo ako at inangkla ang braso ko sa kanya.
Tinulak niya ako bahagya pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Feeling close, girl?" Pag-bara nito sa akin."Close tayo, Akio. Nagdikit na nga pagka-lalaki mo at perlas ko." Sabi ko at bigla niya akong kinurot sa aking tagilirin. Pino ang pagkaka-kurot niya sa akin. It hurts!
"Ang harot-harot mo! Atsaka pwede ba don't call me Akio."
"Mmkay... babe," sabi ko pero muli akong nakatanggap ng kurot sa tagiliran. Damn this sadist gay!
"Call me Kia, kinakalibutan ako kapag tinatawag akong Akio, it's too manly, ugh!" Pag-iinarte ni Bakla.
Nang makarating kami sa parking lot ay tumigil kami sa isang itim na kotse. Dumiretso siya sa tapat ng pinto sa driver's seat. Hindi ko pa rin tinatanggal ang pagka-angkla ng braso namin kaya sinubukan niya ng tanggalin yon.
"Hindi mo man lang ako ihahatid sa kotse ko?" Tanong ko na hindi maka-paniwala.
"What, bitch?" Napapansin ko na ma-attitude ang bekla na ito
"I'm not gentlegay, so, go get your car and let's meet there." aniya. Nagpapa-padyak na pumunta ako sa kotse ko. Patience Terry! Aamo rin ang baklita na 'yan.
