Chapter 5

192 12 5
                                    

Para akong lalagnatin dahil sa paghalik sa akin ni Raiko. Para bang napunta ako sa alapaap ng mga sandaling iyon. Buong gabi ay hindi ako makatulog, pagulong-gulong ako sa aking kama habang tumitili ng mahina.

"Waaaaahhh—aray!" Napangiwi ako dahil nahulog ako sa kama. Ngunit muli na naman akong napangiti at binalewala ang sakit dahil kay Raiko.

"Sign na kaya yun? Nagugustuhan na kaya talaga ako ni Raiko? Kyahh.." Kilig na kilig kong bulongsa sarili ko.

Dahil sa madaling araw na ako tinablan ng antok, muntik pa akong ma-late sa school. Naabutan ko naman ang unang subject namin sa awa ng Dios, pero hanggang ngayon ay lutang parin ako dahil iniisip ko si Raiko, saan na kaya siya lumipat? Mabuti pa ay tanungin ko siya mamaya.

"Jia.. may alam ka bang malapit na apartment dito?"bulong ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Lumipat si Raiko ng tirahan malapit dito sa school, gusto kong malaman kung saan"

"Bakit naman siya lilipad ng ibang tirahan?"

Napakibit-balikat ako. "Hindi ko din alam, tinanong ko siya kung bakit pero ayaw niyang sabihin"

"Isa lang ang ibig sabihin niyan..." Kinabahan naman ako sa mga tingin ni Jia. "Ayaw ka na niyang makita"

"Hindi yan totoo no!" Inirapan ko siya at ngumiti ako na parang tanga. Bakit naman ayaw niya akong makita? Hinalikan niya nga ako kahapon diba? Hihi!

"Hoy, anong ngiti yan? Mukha kang aso"

"Aso ka diyan?! Echosera" inirapan ko nalang siya. Wala namang palang maitutulong si Jia, tatanungin ko nalang si Raiko mamaya.

==

Nang tumunog ang bell para sa lunch ay pinuntahan ko agad si Raiko sa kanilang department. Pero ilang minuto kong paghihintay ay hindi ko siya nakita, tinignan ko ang aking wrist watch, 30 minutes na ang nakakalipas pero hindi ko parin siya nakikita. Isang oras lang ang lunch namin, may 30 minutes pa ako kaya mag hihintay pa ako ng konti.

After another 20 minutes ay wala na talaga akong Raiko na nakita. Tinignan ko naman ang bawat mukha ng mga studyanteng lumalabas sa sa pinto pero wala si Raiko. Nilamon ng lungkot ang sistema ko, nasaan kaya siya? Bakit hindi siya lumabas para maglunch?

Matamlay ako bumalik sa klase, hindi ako nakapaglunch kaya gutom na gutom ako sa gitna ng klase. Nang mag uwian ay hinintay ko ulit si Raiko sa tapat ng department nila, hindi ako magsasawang hintay sa kaniya hangga't hindi ko siya nakikita! Kumakain ako ng burger habang naghihintay pero.. wala parin akong Raiko na nakita.

Raiko? Saan ka ba talaga nagpunta? Matapos mong nakawin ang first kiss ko, maglalaho ka ng parang bula?

====

Isang linggo na ang lumipas at hindi ko parin nakikita si Raiko, sobrang lungkot ko at pakiramdam ko ay nawawala ang kalahating bahagi ng buhay ko, oa na kung oa pero diba ganun naman talaga? Isang araw nga lang na hindi mo makita o makausap ang crush mo ay nakakawalang gana na, ano pa kaya ang isang linggo?

"Raiko.. Miss na miss na kita" bulong ko sa sarili.

Nakatayo ako sa harap ng kanila g building at naghihintay parin na makita siya, isang linggo ko na siyang inaabangan pero nakakapagtakang ni anino niya ay hindi ko makita. Nasaan ba siya? Pumapasok pa ba siya?

"Bossing!" Binati ako ni Sev na halos araw-araw akong sinasalubong dito, mechanical engineering siya kaya dito rin ang department niya.

"Hi" wala sa mood kong bati.

"Oh malungkot ka na naman? Hindi mo na naman nakita si Raiko?"

Bumuntong hininga nalang ako at naupo sa gilid dahil nangangalay na ako.

Chasing The Hot And ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon