Chapter 8

176 12 1
                                    

Excited akong pumasok ngayon sa school. Grabe, napakasigla at sobrang saya ng umaga ko. Para bang lahat ng positive enegy ay nahigop ko mula sa ininom kong gatas kanina.

"ABCDEFG! hindi na single si Kenzie! Kyah~" Mahinang kanta ko ng may tili habang nagpipigil ng ngiti papasok ng school.

"Huy friend! Mukha kang tanga! Tanaw na tanaw ko yang weird mong mukha sa malayo!" Sinalubong ako ni Jia pagpasok ko sa room.

"Masyado lang talagang maganda ang araw ngayon Jia hihi!" hindi parin mawala ang ngiti ko hanggang sa makaupo sa aking silya.

Napakunot siya ng noo at umupo sa tabi.

"Sa pagkakaalam ko heartbroken ka? Anong nangyari sayo?" Usisa niya.

"Hulaan mo" nakangiti kong saad.

Nagningkit ang mga mata niya sa akin. At sinakop ng palad niya ang mukha.

"Hindi ikaw si Zie, nasaan ang heartbroken na si Zie?!" Exaggerated niyang wika.

"Her broken heart has been fixed. She's no longer a hearbroken girrrrrl!" Pakanta kong sagot.

"Wait a minute! Stop the kilig! Anong nangyare ha? Nauntog ka na naman? Ay jusko marya, timawa ka" napailing siya sa akin.

"Jia naman eh, hindi mo ba pakikinggan ang mga nangyari noong birthday niya?" Napanguso ako.

"Wag na ghorl, sure naman ako na nauntog ka na naman at hahabol-habulin mo na ulit and masungit at cold na si Raiko Mendez! Kesyo joke lang pala na kakalimutan mo na siya kasi hindi mo kaya or whatsoever! Hays marupok ka talaga!"

"Okay. Marupok na kung marunok eh anong magagawa ko? Mahal na mahal ko yung tao. Pero hindi yun gusto kong sabihin sayo hihi!"

"Eh ano?" Ngiwi niya.

Nag inhale at exhale ako bago ko sabihin. Siguradong mas-surprise siya.

"Kami na ni Raiko! Hihi!" Kinikilig kong bulong.

"WHAAAAT?!?!" Kunwari nagulat siya pero peke. "Wattpad, utot mo Kenzie, kung nasa wattpad ang story mo pwede pang mangyari yun. Psh ilusyonadang timawa" tinalikuran niya ako at nagbasa nalang sa bagong bili niyang wattpad book.

"Pero totoo nga! Bakit ayaw mong maniwala?" Napanguso ako.

"Duh? Nagtanong ka pa? Eh halos pang isang milyong beses mo ng sinabi sa akin yang ilusyon mo no! Ending? Ikaw parin si Tom na naghahabol kay Jerry" inirapan niya ako.

"Hindi ako nag i-ilusyon! Jia kami na talaga!"

"Whatever, walang forever pero ikaw forever dreamer" she roll her eyes.

"Totoo naman kasi eh!"

"Tama na Zie, minsan kasi mag kape ka sa umaga hindi puro gatas para magising ka naman sa panaginip mo"

"Hindi ka talaga naniniwala?" Nadismaya ako. Ganun ba talaga kahirap paniwalaan na boyfriend ko si Raiko?!

"Nagtanong ka pa? Oh magbasa ka nalang ng libro, jowain mo yung leading character! atleast dyan hindi ka habol ng habol!" Binagsak niya ang isang libro sa desk ko.

Mas napanguso ako at inirapan siya. Nang magsimula ang klase ay nakahalumbaba nalang ako sa mesa habang nakikinig sa klase habang si Jia ay palihim na nagbabasa ng libro sa ilalim ng desk niya, adik na talaga ang isang 'to.

"I heard there will be a Mr. and Ms. University. May naisip na ba kayo kung sino ang representative ng department niyo?" Tanong ng teacher namin.

"Wala pa po, nag meeting kaming mga class presidents ng bawat section at napagkasunduan namin na magkaroon muna ng screen between every sections sa department for the representative" sagot ng president namin.

Chasing The Hot And ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon