Chapter 14

66 4 0
                                    


"Bossing naman, pang pitong ice cream na 'yan. Sasakit ang lalamunan mo" paalala ni Sev sa'kin.

"Asus! Hayaan mo siyang mag stress eating! Hindi siya inuwian ni Raiko kagabi kaya yan nagkakaganyan" wika ni Jia.

Totoo yun, sa unang pagkakataon ay hindi umuwi si Raiko. Galing siya sa trabaho pero hindi ko alam kung saan siya tumuloy. Tinawagan niya ako kaninang madaling araw at sabi niya na hindi muna siya makakauwi. Hindi ko alam kung anong problema niya, basta hindi ako mapakali.

Saan ba siya tumuloy kagabi? Saan siya natulog? Bakit hindi siya umuwi?! Ang dami kong tanong at natutuliro na ako!

"Saan naman kaya siya pumunta? Bakit hindi niya manlang sinabi sa'kin?" Malungkot kong saad.

"Sus naman Zie! Isang gabi lang naman nawala yung tao! Tsaka tinawagan kana nga kanina diba?! Dismissal na kanina pa. Walang lalabas na Raiko d'yan!" Sermon ni Jia.

Tinignan ko si Sev na malungkot din nag tingin sa'kin.

"Hindi ko rin siya nakita kanina" wika ni Sev.

"Si Lizzy ba nakita mo?" Tanong ko ngunit umiling si Sev.

Napasimangot ako. Wala rin si Lizzy, kung ganon ay magkasama sila!

"Siguradong magkasama sila"

"Wag ka ngang nega! Magkatrabaho nga sila diba? Malay mo may pinaplano lang si Raiko kaya ayaw magpakita sayo! Look on the brighter side kasi!"

Bumuntong hininga ako at napatingin sa sahig. Alam naman ni Raiko na praning ako kapag hindi siya nakikita, bakit ba kasi hindi niya ako inuwian kagabi?

"Sige uuwi na ako, salamat Sev, Jia. Sorry sa abala" malungkot kong wika.

Kanina pa namin uwian pero nagpasama ako sa kanila na hintayin si Raiko, sa huli ay wala naman kaming napala.

Pagdating ko sa bahay, wala akong Raiko na naabutan. Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa at kasabay nun ang pagluha ng aking mata. Bakit ganito? Hindi lang ako inuwian, iiyak agad? Masyado akong emotional, masyado ko narin siyang namimiss.

Tinawagan ko ang telepono ni Raiko, pero hindi niya sinasagot kaya si mama nalang ang tinawagan ko. Hindi ko alam kung anong pinagkaka busy-han niya, pero hindi ko maiwasang magtampo at magalit dahil pumapasok sa utak ko na si Lizzy ang kasama niya.

"Hello?"

"Hello Ma? Nag text po ba si Raiko kung nasaan siya ngayon?"

"Hindi anak. 'Di ba magkasama kayo?"

"Uhm.. Hindi pa po siya nakakauwi, sige Ma, salamat" bumagsak ang balikat ko ng ibaba ang tawag.

Natulog na naman ako ng mag isa kinagabihan, although hindi naman talaga ako makatulog kakaisip at sa pagbabakasakali na umuwi siya. Masakit ang ulo ko ng magising ako kinabukasan, hindi ko alam kung natulog ba ako or feeling ko lang pero isa lang ang malinaw ngayon, bangag ako.

*

"Hindi parin siya umuuwi?"

Sisinghot-singhot akong tumungo kay Jia. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, limang araw na siyang wala. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Wala siyang paramdam, hindi na siya nagtext o tumawag manlang.

Ano bang problema namin? Maayos naman ang huli naming pag uusap diba? Bakit nagkakaganito siya?

"Hindi rin pumapasok si Lizzy. Pareho sila, yun ang balita ko sa section nila" ani Sev.

Mas lalo akong naiyak, hindi ko na alam ang gagawin. May halong pag aalala, tampo at galit ang nararamdaman ko. Sinubukan ko na siyang puntahan sa trabaho niya pero absent daw, so saan siya nagpupunta?

Chasing The Hot And ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon