Saturday morning nung pumunta ako sa bahay ng Best friend kong si Mykelline P dahil gagawa kami ng last project namin.
4thyear highschool na kami at 1month na lang Graduation na namin. Yeeepi!
Pero Nanay ang tawag ko sa kanya kasi naman kung maka-asikaso siya sa akin para siyang nanay ko. Hihi!
Kumatok muna ako. Syempre kahiya naman kung hindi ano ba?
"Nay Myke! Dito na ako! Open the door na!" Yan kung tumawag ako sa kanya. Parang walang hiya. Bestfriend kaya ayun parang wala lang. Haha
Bumukas ang pinto. At pinapasok na niya ako sa kanyang mansyon. Di joke lang. Malaki din naman kasi ang bahay ni nay myke pero di kasing laki ng mansyon.
"O, anak? Aga pa ah. Anong meron?" Eto talagang si nay myke makakalimutin.
"Nay, gagawa tayo ng project! Naku kw talaga makakalimutin. Ang bata- bata mo pa nga may alzheimer kana" Sabi ko sa kanya. May paSermon effect pa yung tono.
Nagpupunas pa siya ng kamay at nanghihilamos ng kanyang mukha ng binatukan niya ako sa ulo.
"Anong alzheimers ka dyan? Baka gusto mong mauna magkaroon? Nakalimutan ko lang kasi kakagising ko lang" sabi niya at nagpout lips pa
"wala naman nay. Nvm nlg yun. Ayoko pang maging lola. Haha"
At nag-umpisa na kami sa paggawa ng project.
After nung matapos yung project. Naglunch na kami at NagVideoke sa bahay nila. Yan kasi ang past time namin. Hehe
Kakatapos ko lang kumanta ng may sinabi si nay myke sakin.
"Nak may nakita ako sa palad mo."
Sabi niya habang hinahawakan niya yung palad ko.
Bahagyang nagWonder ako kung ano yun. Si nay myke kasi may lahi silang psychic. Kaya nakakabasa siya ng kapalaran.
"Ano yun nay?" Sabi ko
Humarap siya saken at eye to eye contact kami.
"After ng Graduation, by the month of april makikilala mo ang lalaking nakatakda sayo. Yung ideal guy mo. Sa may simbahan kayo magmimeet." Seryosong sabi niya sakin
"What the Ef? Talaga nay? Exactly when? Where?". Aba at excited pako.
"Di ko alam kung kailan o saan. Basta yan. Goodluck anak"
Omeegeeed as in? Kakabreak ko lang kasi nun. Mga 8 months na kong single. Peste kasi yung lalaking yun binereak yung heart ko. Pero nvm! Past is past. Erase na yun. Iisipin ko na lang yung future ko. Achuchu!
Iniisip ko talaga kung sino yun. At kailan kung saan exactly. Haaay! Excited nako :3
BINABASA MO ANG
My Possessive Boyfriend
Romans2nd story ko na po ito pero this time ito ang pinakaSpecial sa akin. yeah. true to life story din po ito. pero iibahin ko lang ng konti yung mga characters. hehe My possessive boyfriend. Kasi naman ang super protective niya saken. Dahil mahal na mah...