Chapter 5(Bonding)

168 3 0
                                    

Simula noong unang convo namin ni kuya prince mas naging close kami. Palagi na kaming magkatext, magkachat sa Fb, at kung sa church naman ay palagi kaming magkasama.

Ewan ko ba! Bakit siya na lang palagi ang gusto kong makasama. Siguro nasanay lang talaga ako sa presence niya.

"Faith, sama ka samin! Jogging tayo bukas! Sa plasa." Sabi sakin ni kuya prince habang naglalaro siya ng kanyang cellphone.

"Sige ba kuya! What time ba?" Agad ko na man siyang hinarap. Nakatalikod kasi kami sa isa't isa dahil kapwa busy sa kalalaro ng cellphones namin.

"5:30AM. Oh ano? Game?" Humarap na din siya sakin at pansamantalang iniwan yung nilalaro niya.

"Ummm. Kasi di ako masyadong gumigising ng ganoong kaEarly. Hehe". Uy! Totoo naman yun noh! Di ako sanay gumising ng maaga kaya naman palagi akong late -_-

Pero di naman nag-iba ang mukha niya ng sinabi ko yun. Ngumiti pa nga siya at nagsalita, "Okay lang yun! Ako nalang ang gigising sayo!"

Woah? Gigisingin? Ano yun? Pupunta sa bahay tapos bubulabugin ako? "Huh? Paano?"

Umirap siya at nagsmile ulit, "Floodtexts or Call".

Ay ganun pala yun. Bakit di ko naisip na may cellphone pala? Bobo ko!

EARLY MORNING. 5:00AM

Beeeep!* Beeeeep !* Beeep!*

Wag kayo! Message alert ko po yan. Hahaha

Ay ano ba yan? Ang aga namang text yan! Sino ba yan? Distorbo sa tulog ko.

Beeeeeeep!* Beeeeep!* beeeeeep!*

Ayan na naman! Nubeyen! Punyeta ang aga-aga!

Tinakluban ko nalang ng unan yung tenga ko kasi di ako makaconcentrate sa pagtulog dahil sa early texter na yun.

Kriiiiiiiing!!!! Kringgggggg! Kriiiiiiingggggggg!!!!!!

Ahm. Call ringtone ko po yan. Haha

Ano va! Di talaga ako nito titigilan! Kinuha ko yung cellphone ko at sinagot yung bwesit na caller

"Hello?! Ano bang problema mo? Ang aga-aga at nambwebwesit ka! Sino ka ba?" Sabi ko sa kanya. Medyo malakas yung boses ko kasi naman sino naman ang di maiinis na ang ganda ng tulog ko tapos mauudlot lang!

"Ay Sorry. Nadisturbo ko ba ang tulog mo? Si kuya prince mo ito. Sorry talaga ha" parang lungkot niyang sinabi. Nabigla yata sa sinabi ko

Wattapels!? Si kuya prince pala! Tiningnan ko ang name ng caller sa cp ko at poof! Si kuya prince nga!

"Ay kuya ikaw pala! Sorry nasigawan kita! Di ko kasi nakita ang name mo sa screen kaya yun! Sorry talaga!" Pagsosorry ko sa kanya. Hiyang hiya naman tuloy ako sa naging attitude ko.

At yun sumama nako! Hehe

Sa plasa nakita ko si kuya prince

Siya lang ata mag-isa

"Kuya saan iba nating kasama? Tanong ko sa kanya

"Sabi nila malelate daw sila"

Sabi ni kuya prince

Naman oh! Kaming dalawa lang ang magjojog? Baka turingan pang magsyota kami nitong si kuya prince.

"Okay lang ba sayo kung tayo lang muna magjojog?"

Anak ng teteng naman oh

"Sige kuya!" Sabi ko

At nagStart na kaming magjog ^_^

My Possessive BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon