Gigantic Impact

25 0 0
                                    

Alam mo 'yung kwentong 'The Despicable Guy'? Well, kung hindi mo pa alam, I bet, you should read it. For now, let me tell you how that story hit me. :)

Nasa IT1 lecture class kami nu'n nang sabihin sa'kin ng seatmate, at the same time, coursemate ko, na may ipapasa sya sa akin e-book, 'The Despicable Guy' daw ang title. Hindi ako masyadong nakaramdam ng excitement nu'n. I just said, "Sige. Bukas na bluetooth ko." I thought, it was just a simple story.

Then one time, nakita ong nagbabasa 'yung roommate ko sa laptop nya. I asked her, "Ate, ano yang binabasa mo?". Sabi nya 'The Despicable Guy' daw. E di sabi ko naman, "May e-book ako nyan." Pero nawala na rin si isip ko. Siguro, may isang buwang natulog sa file manager ng phone ko 'yung e-book na yun. Until isang araw, na-bored ako. Sem break na kasi at taong bahay lang ako. Kaya napag-tripan kong kalungkatin ang file mager. At nakita ko ang Books 1 at 2 ng TDG. Then, I started reading it.

Na-feel ko talaga, una pa lang. Una, naka-relate ako sa setting at sa set-up dahil nasa eLBi din naman ako. At first, tumitigil pa ako e, kapag inuutusan o kaya may kailangang gawin o kaya kapag tinatamad na talaga. Pero dumating sa point na nakita ko sa orasan kong 12:30 AM na pala at nasabi ko sa sarili kong, "30 minutes more!". In other words, 'di ko na siya matigilan. Hanggang sa paglalakad ko papuntang palengke, nagbabasa pa rin ako. As in. Pinagtatawanan ako ng bunsong kapatid ko dahil ngumingiti daw ako mag-isa. But still, I don't care.

Natapos ko na ang book1. At syempre, diretso book 2 agad. Nung masaktan si Jersey du'n, hindi ko alam kung bakit feeling ko, nasaktan din ako. Ang korni mang pakinggan pero totoo. Sa book2, nagulat na lang ako nang mapansin kong umiiyak na ako habang nagbabasa. Oo, iyakin akong tao. Pero, isa na yun sa pinakamalalang iyak ko. Akalain mong naghinala pa ang mga magulang ko na may bagsak akong subjects kaya umiiyak ako. Hahaha. Nakakatawa man, pero 'yun talaga ang nangyari. At nang akala ko, tapos na, sabi ko, "Ba't parang bitin?" Ay nako! Nalintikan na. Putol pala 'yung e-book na pinasa sa akin ng friend ko. At hindi ko na pinatagal ng 24 hours, I immediately downloaded the full version. 

For a week, umikot ang mundo ko sa kwentong 'yun. Sabi ko nga, parang sumapi na sa akin si Jersey. Kasi naman, nararamdaman ko na yung nararamdaman nya. Sobra. Tapos feeling ko, kilala ko na personally yung characters. Kilala, as in friends ko na sila. Honestly, natatawa ao sa sarili ko sa mga panahong 'yun. Pero gan'un talaga e. Gan'un talaga kalakas ang impact sa akin ng TDG. Walang kahit anong libro o online story ang nakapagpaiyak sa akin ng gan'un, nakapagpatawa, nakapag-alis ng boredom.

Ang dami din ipina-realize sa akin ng kwentong 'yun. Cheesy ba? E totoo naman e. Like kapag hawak mo na, don't let it go. Pa'no kung hindi na bumalik? Mabuti ang KevJe, nakuha pa ulit ang isa't isa e pa'no kung sa case ko, hindi na? 'Yung mga ganun bang thought, Hahaha. It also taught me the importance of learning how to wait. Lahat pala ng bagay, posible basta marunong kang maghintay. 'Di ba nga, GOOD THINGS COME TO THOSE WHO WAIT. :) Basta, ang dami pa. At corny mang pakinggan, masasabi ko na BINAGO TALAGA NG 'THE DESPICABLE GUY' ANG PANANAW KO SA LOVE AT LIFE.

Gan'un kalakas ang impact sa kin nung story. Almost a month na since nung mabasa ko 'yun pero hanggang ngayon, naaalala o pa rin bawat happening. Lalo na kapag napapadpad ako sa mga lugar na nabanggit din du'n. Kaya nga kapag may nagtatanong sa akin kung anong magandang basahin sa Wattpad, unang una kong isasagot at 'The Despicable Guy' by shirlengtearjerkey. :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gigantic ImpactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon