Chapter 3

1.5K 114 22
                                    

"KUNG NAG-AASAWA KA NA KASI, anak. Para hindi ka na kung saan-saan napunta para lang makialaga ng sanggol," anang ina niya habang naghahapunan sila. Nagpaalam siya sa ina na sasama kina Shaine para bisitahin ang pamangkin nito.

Natural na mahilig sa bata si Aileen. Kaya nga sa tuwing may long holiday at hindi sila uuwi sa Batangas, na madalas mangyari, ay nasama na lang siya kina Nanay Linda kapag nauwi ito sa probinsiya. Kung ano-anong pasalubong lagi ang dala niya. Sabagay, halos lahat naman ng apo nito ay inaanak niya. At yung hindi niya inaanak talaga ay nakikininang na rin sa kanya. At wala naman iyong kaso sa kanya. Aileen likes being around loud, happy family. Gano'n yata talaga, kung alin yung wala, yun ang hinahanap.

"Hahanap muna ako ng magiging ama ng anak ko, 'My."

"Sagutin mo na kasi yung anak ni Lilibeth. May stable na trabaho na 'yon." Tukoy nito sa anak ng kapartner nito sa Accounting Firm.

Pinaikot niya ang mga mata, "Lawyer. Yeah, pass."

Napatawa ang ina niya, "Paano'y hindi ka mananalo sa pakikipag-argumento doon kaya ayaw mo."

Nilunok muna niya ang kinakain bago muling sumagot sa ina, "He's boring, 'My."

Umangat ang kilay ng ina niya, "At ang Sherwin na iyon ay hindi?" Nanlaki ang mga mata niya. Pero bago ba niya mapasubalian ang sinabi ng ina ang dinugtungan na kaagad nito ang sinabi kanina. "I should know. Anak kita. Alam kong may hidden agenda ka bukod sa pagbisita doon sa pamangkin ni Shaine."

Napatawa siya at hindi na kinontra ang ina, "Crush ko lang 'yon, 'My. Hindi ibig sabihin pipikutin ko na talaga siya. I just want to get to know him more. At para malaman ko na rin kung worth it bang i-crush yung mamang iyon."

"Crush lang ba talaga?"

"Crush nga lang, 'My. Pero kung sakali bang more than crush, tututol ka?"

Ngumiti ang ina niya pero may lungkot na nakiraan sa mga mata, "Of course not, anak. Kung sino ang piliin mo, susuportahan ko."

Gustong batukan ni Aileen ang sarili. Hindi kaagad niya naisip ang implication ng tanong na iyon, "Mahaharvest rin po ako ng gulay, Mommy. Di ba alam mo namang matagal ko nang gustong sumama kina Shaine? At saka para ka namang bago nang bago sa akin. Alam mo namang lagalag ang anak mo."

Lumamlam ang mga mata ng ina niya. Love and guilt, iyon ang nagtutulak sa ina niya para suportahan siya sa pagiging lagalag niya. "I'm sorry, anak."

"Mommy," ginagap niya ang kamay nito. "I'm okay now. Really. Force of habbit na lang ang pamamasyal ko kung saan-saan ngayon."

Ngunit sa kabila ng assurance niya ay namasa pa rin ang mga mata ng mommy niya. "Kasasabi ko lang na anak kita. I know the real reason, baby. And so I'm sorry. Kung kaya ko lang kontrolin ang lahat, ginawa ko na, anak."

"Don't be. Walang dahilan para magsorry ka, 'My. Ginawa mo na ang lahat nang kaya mong gawin. You're a wonderful mom and dad to me," lumapit siya sa ina at niyapos ito. Yumapos din ang ina sa kanya, rinig niya nang suminghot ito. At maging siya ay namasa ang mata.

While it's easy to pretend infront of other people, it's so hard to pretend to be happy when she is infront of her mommy. Wala talaga siyang maililihim dito.

"O, lumabas lang ako saglit may drama na?"

Pasibleng nagpunas ng luha si Aileen sa mga mata, "Si mommy kasi. Masyadong natakot nung malamang may gusto akong pikuting binata," ani Aileen nang lungunin si Nanay Linda na bagong pasok sa kusina.

************

"KAIN NANG KAIN, wag kang mahiya," ani Tita Celia na ililagay pa sa harap niya ang ulam.

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon