Chapter 8

1.5K 127 20
                                    

"Magsorry ka na lang kaagad mamaya pagdating ni Kuya," ani Shaine na naupo sa tabi niya.

Kanina lang ay si Samuel ang lumapit sa kanya ang nagsabi na magsorry na lang daw siya sa kuya nito sa kung ano mang ginawa niya. Mabilis naman daw magpatawad ang kuya nito basta maipakita lang daw na taos-puso ang pagsosorry niya. Biniro pa siya ni Samuel na halikan na lang daw niya ang kuya nito para mapatawad kaagad siya. Tinawanan niya ang sinabi ng binata. Kung alam lang nito na ang mismong suggestion nito ang dahilan kaya biglang MIA ang kuya nito.

At ngayon, maging si Shaine ay nagsasabi rin sa kanya na magsorry na lang sa kuya nito. Hindi na siya magtataka kung mamaya, pati si Kuya Sandro at Ate Mildred ay iyon din ang sabihin sa kanya.

Hindi tuluyang ibinaba ni Aileen ang aklat na hawak, ibinaba lang niya iyon hanggang sa maging visible ang mata sa kaibigan. Tinaasan niya ito ng kilay. "Sinasabi mo diyan? Pang-abala ka. Climax na ako ng story, eh. "

Ngumiti si Shaine, "Wag kang magkunwari diyan na busy. Bago ako lumapit sa iyo ay limang minuto na kitang pinagmamasdan. Kanina mo pa nginunguya 'yang labi mo, at alam kong hindi ka talaga magbabasa dahil hindi mo pa inililipat ang page. At halatang-halatang hindi ka mapakali. Guilty ka? Ano ba kasing ginawa mo kanina?"

Tuluyang ibinaba ni Aileen ang aklat at nginitian ang kaibigan. "Hindi ako guilty. Nag-aalala ako. Kanina po umalis ang kuya mo pero hindi pa nauwi."

Kanina'y nagkamali silang lahat ng sapantaha dahil pagdating nila sa bahay ay wala daw roon ang binata. Kung saan ito nagpunta, hindi nila alam. Hindi na nga ito nag-agahan, hindi rin ito umuwi noong panaghalian. Alas-tres na ng hapon at hanggang ngayon ay hindi pa nauwi ang binata.

Gusto niyang makaharap ulit si Sherwin pero hindi para magsorry. Far from that, actually. Gusto niyang itama ang maling akala nito na ikinumpara niya ang halik nito sa iba.

At totoong nag-aalala siya kung saan nagpunta ang binata.

"Paano'y ginalit mo kanina. Ano ba kasing sinabi mo kay kuya?" nakakunot-noong tanong nito.

"Wala. Sabi ko lang na kakain na," nagkibit-balikat pa si Aileen bago muling itinaas ang aklat na hiniram niya kay Shaine at sinusubukan basahin mula pa kanina. At totoo ang obserbasyon nito na hindi naman talaga siya magbabasa. Nakatitig siya sa pahina pero ni isang letra ay walang narehistro sa isip niya.

Hinawakan ni Shaine ang aklat at pilit na ibinaba sa tapat ng kanyang mukha, at base sa tinging ibinigay nito ay hindi ito naniniwala, "Alam mo, hindi ko pa nakitang nagalit nang gano'n si Kuya. Ever. Kaya nagtataka ako kung anong sinabi o ginawa mo para maging gano'n ang reaksyon niya."

"Hayaan mo, mamaya tatanungin ko ang kuya mo kung bakit nagalit at kung ano ang ipinagmamarakulyo niya," nakangiting sagot pa rin ni Aileen.

Umiling lang si Shaine at tumayo, "Hay nako. Ngayon hindi na lang si Kuya Samuel ang magsasabi sa iyo, pati na rin ako. Kung hindi ka man nagbibiro at kung sakali ngang seryoso ka diyan sa ginagawa mo, malabo mo ngang mapasagot si Kuya Sherwin. Imbes na magkasundo kayo, mukang nagalit pa siya sa iyo."

Sinundan niya ng tingin ang kaibigan na iniwan na siya sa teresa. At imbes na magkunwaring nagbabasa ay ibinaba na niyang tuluyan ang aklat na hawak. Sumandal siya sa dingding at ipinikit ang mga mata.

Sa balintataw niya waring nagreplay ang kapangahasang ginawa. At sa kabila ng sinabi ni Shaine ay hindi niya napigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi, kasabay nang pag-iinit ng kanyang pisngi.

She think she did not go overboard with that kiss, and she's not sorry she did that. She will never, ever be sorry for kissing him. She's glad actually.

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon