Chapter 1

2.7K 114 17
                                    

"Good morning!" bati ni Aileen pagpasok sa kusina. Inabutan niya ang ina na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape. Si Nanay Linda naman, ang ever reliable kasambahay nila ay nasa harap ng kalan.

"Good morning, anak. Ang aga mo yata? Wala ka namang pasok. At wala ka ring schedule na gala."

Lumapit siya sa ina at naki inom na lang ng kape sa baso nito. Hindi naman niya hilig ang kape kaya okay na siya kahit ilang lagok lang. Sanay ito na tuwing walang pasok o wala siyang papasyalan ay tanghali siyang gumising.

Kung titingnan ang kanyang inang si Maggie ay hindi mahahalatang forty seven na ito. Mas mukha itong bata kaysa sa totoong edad kaya madalas na napagkakamalan silang magkapatid lang. Dahil na rin siguro walang sakit sa ulo na asawa kaya naalagaan nitong mabuti ang sarili. Kapag tinatanong naman niya'y wala na raw itong planong mag-asawa pa. Masaya na raw ito na sila lamang dalawa. Aantayin na lang daw nito ang apo sa kanya.

"Magjojoging po kami nina Shaine."

Bukod sa maaga siyang ipinagbuntis ng ina, isa pang madalas na dahilan kaya sila madalas napagkakamalang magkapatid ay dahil magkamukha sila.

Nakuha niya ang taas ng ina, 5'7" siya. Natural din na mabilis ang metabolism niya kaya kahit hindi regular na mag-exercise ay hindi niya problema ang excess fats. O marahil ay nakatulong ang pagiging outgoing niya. Hindi man siya pumunta sa gym, basta may pagkakataon ay nasa beach para magswimming, o kung hindi man ay nasa bundok at naghihiking. Her oval face was framed by soft curls. Matangos ang ilong niya, pero mas madalas na ang mapupuna sa kanya ay ang bilugang mata. Marami ang magagandagan doon. Madalas pa siyang natatanong kung gumagamit daw ba siya ng false lashes dahil natural na makapal at mahahaba ang pilik-mata niya.

Kung may namana man siya sa ama, iyon ay ang kulay ng mata niya. Brown ang kulay ng mata ng ina, ang sa kanya ay itim.

"Ikaw? Magjogging? Magkukuwentuhan lang naman talaga kayo," anito habang naiiling.

"Parang gan'on na nga po," natatawang pag-amin niya. Kagabi ay nakipagdate si Shaine kay Euan at ngayon nila ni Cheryl gigisahin ang kaibigan.

"Good morning, Nanay Linda!" Lumapit siya sa kalan para tingnan ang niluluto nito. Pumupuno sa kusina ang mabangong amoy noon.

"Hmmm, Lucban Longganisa!" Paborito niya iyon dahil hindi katulad ng ibang longganisa, ang gawa sa Lucban, Quezon ay hindi matamis. Lasang bawang, very savory.

"Maluluto na ito. Kakain ka na ba muna?"

Hindi na iba ang turing nilang mag-ina rito. Bahagi na si Nanay Linda ng pamilya nila. Matagal na rin namang naninilbihan ito sa kanila. Ito na halos ang nagpalaki sa kanya habang nagtatapos pa ng kolehiyo noon ang kanyang ina. Actually, hanggang sa maghigh school siya ay mas madalas pa niyang kasama si Nanay Linda kaysa sa ina. Bago siya magtapos ng high school ay saka lang talaga sila naging sobrang malapit na mag-ina.

"Mamaya na po, Nanay Linda. Ipagtabi mo po ako ng hindi pa luto. Mas masarap po iyang kainin ng bagong luto talaga."

"Alis na po ako, Momsies. See both you later," aniya. Alam na ng dalawang babae na para sa kanila ang pagpapaalam na iyon.

Pagdating niya sa bahay nina Cheryl ay nadatnan niya ang isa sa mga kapatid nito. At dahil identical twin ay hindi niya matukoy kung si Calvin o Carlos ba iyon. Nang makita siya nito sa tapat ng gate ay lumapit at binuksan kaagad iyon. "Pasok ka, Ate Aileen."

"Good morning. Ang ate mo?"

"Kasunod kong bumaba kanina," anito. At kasabay nang pagsagot nito ay paglabas naman ng susunduin sana niya.

"Tara let's," aniya na umabresyete na kaagad kay Cheryl.

"Aga mong mambulabog." Ani Cheryl. Naglalakad sila papunta kina Shaine.

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon