ST1:Ang Binata Sa Aking Panaginip

17 4 0
                                    

Her POV
   Mag isa akong naglalakad dito sa madilim na  lugar na hindi ko alam kung saang lupalop ito ng mundo at wala man lang kaliwa-liwanag...

   Ang totoo nyan kanina pa ako palakad-lakad dito pero parang hindi rin lang ako nakakalayo sa kinatatayuan ko kanina..

   Pagod na pagod na ako at kanina ko pa nais mamahinga ngunit hindi naman pwede kasi baka mas lalong hindi ako maka alis sa lugar na ito...

   Patuloy lang ako sa paglalakad ng matisod si tatangang-tangang si ako at hayun napasubsob tuloy ako.

   Hayssss kung sinu-swerte ka nga naman..tsk!tsk!

   Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng paglakas ng hangin..

   Bigla naman akong kinilabutan kaya bahagya akong napapikit at dalawang beses na umiling..

   Pagkadilat na pagkadilat ng aking mga mata ay bumungad sakin ang isang kamay na nababalot ng liwanag..

   Napatingala naman ako upang tignan kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na nasa harapan ko ng...

   "ANO BA LYSITHEAAAA!TANGHALI NA!BUMANGON KANA DIYAN" at dun na natatapos ang aking f'cking na panaginip..

   Si nanay nga pala yung sumigaw at gumising sa akin kanina..

   Panaginip lang pala yun kala ko kung ano na...

   Ang totoo nyan palaging ganun nalang napapanaginipan ko..hindi ko ba alam kung bakit..

   Tumayo na ako mula sa higaan ko at laking taka ko ng may makita akong isang kapiraso ng puting tela sa may kama ko...

   Kinuha ko ito at unang pumasok sa isipan ko yung tao sa panaginip ko..hindi ko lang mawari kung babae ba ito o lalake..di ko pa nakikita mukha nito kaya di ko talaga alam..

   Pero kung yung kamay ang pagbabasehan, parang lalake..maugat kasiiii hihi..

   Nabalik ako sa realidad ng biglang humangin ng malakas at napatingin ako sa bintana ko..

   Sumasabay sa ihip ng hangin yung kurtina ng biglang humulma ito ng isang bulto ng tao...

   Napaupo ako sa gulat ng biglang gumalaw yung bulto ng tao sa may kurtina..

   "W-wag kang la-lalap-pit! D-dyan ka lang" nanginginig na sambit ko ng muling humakbang papalapit sakin yung bulto ng tao...

    Matangkad ito at malapad ang mga balikat..

   "Callistha" isang malalim na boses ang pumuno sa buong kwarto ko..boses na nanggaling sa lalakeng nasa kurtina..

   "Si-sino si Ca-callistha?" Utal na tanong ko..

   Hinawi niya yung kurtina pero hindi kita yung mukha..

   Aabutin na niya sana ako ng biglang may pumitik sa noo ko...

   Dun na lamang ako nabalik sa realidad at nakita si nanay na nakapamewang sa harapan ko...

   "Ano bang nangyayari sayo Lysithea? Kanina pa kita tinatawag para mag umagahan pero nandyan ka parin at nakatunganga" alalang tanong ni nanay na nginitian ko na lamang...

   "May hinahanap lang po kasi ako nay..inaalala ko lang kung san ko huling inilagay hehe" sambit ko naman at bahagyang napakamot sa may batok ko...bat ba may kuto nga kase ako dun HAHA..

   "Ikaw talagang bata ka..pagkabata-bata mo pa makakalimutin kana..Mag ayos kana muna ng higaan mo at bumaba kana.." wika ni nanay at tumango na lamang ako...

Short StoriesWhere stories live. Discover now