His POV
Labis akong nagagalak ngayon sapagkat dalawang taon na magmula ng makaligtas ang nakababata kong kapatid na babae mula sa heart failure..
Kasalukuyan na akong naglalakad pababa sa hagdan upang batiin at bigyan ng isang mahigpit na yakap ang aking kapatid ng makita ko sila ni mama na umiiyak sa harap ng altar kung saan ay naroon ang aking larawan...
Nag-uunahang nagsibagsakan ang mga luha ko ng maalala kong ako pala ang naging dahilan kung bakit nailigtas ang nakababata kong kapatid mula sa bingit ng kanyang kamatayan dalawang taon na rin ang nakakalipas...
Gayun paman ay nagagalak parin akong makitang humihinga at matiwasay ng namumuhay ang ina at kapatid ko...
At sa huling sandali ayy ibinigay ko ang pinakamainit na yakap para sa aking ina at kapatid habang ibinubulong ang mga katagang "Paalam" hanggang sa unti-unti na akong kinuha ng liwanag...
YOU ARE READING
Short Stories
Short Story♡These stories are just the work of my imagination ... You can also get an idea here so you can make your own story one day..♡