ST2: Ang Lakasa Ni Lola

5 4 0
                                    

Her POV
Nandito kami ngayon sa bahay ni lola Celestina..

Kararating lang namin dito kahapon at dito daw muna kami mananatili ng buong bakasyon...

Haysss siguradong dito na ako tataba..wala pa naman masyadong mapuntahan dito dahil kaunti lamang ang mga nakikitang bahay dito at puro mga bukirin lamang ang makikita..In short buhay probinsya na muna kami..

Kasalukuyan akong nagmu muni-muni dito sa may hardin nila lola Celestina..

Walang magawa sa loob ehhh..kuhanin ba naman ni mama yung mga gadget namin ni kuya..

Tas wala naman akong makausap rito kasi umalis si mama..tas si kuya naman ayaw akong samahan para mamasyal sa labas..kesyo mainit daw tsk! Arte niya masyado, daig pa babae..

Waaaaaah! Miss ko na yung mga tsokolate namin sa bahaaaaay.. Miss ko na rin manakop ng newsfeed ng ibaaa..

Mababaliw na yata ako rito mygash!

Natigilan naman ako sa pagmumuni ng may marinig akong kaluskos..

Napatingin naman ako sa likuran ko ng may marinig na naman akong kaluskos..

"Sino nandiyan? Kuya wag mo akong bibiruin ng ganyan masasapak talaga kita" tanong at pagbabanta ko pero walang sumagot..

Kasabay ng paglakas ng ihip ng hangin ang paglakas ng tunog ng kaluskos na aking naririnig na tila ba'y papalapit ito ng papalapit sa akin..

Napaatras naman ako dahil sa takot at nagsitayuan narin ang mga balahibo ko..

"S-sino ka-kasi na-nandyan HA?!" Pasigaw na tanong ko..

'Meow' nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang isa lang pala itong napakakyut na itim na pusa..

Binuhat ko ito at hinaplis haplos..

Bumalik naman ako sa kinauupuan ko kanina habang tinititigan ang maamong mukha ng pusa habang mahimbing na itong natutulog..

Napansin ko naman yung nasa leeg niya..so may nagmamay ari pala sa kanya..

Zhi ang pangalang nakasulat sa may collar nung pusa..

Minulat naman ni Zhi yung mga mata niya at napatingin sa akin..

Napatitig naman ako sa mga mata nito na tila ba'y may nais itong sabihin..

Tumalon sa baba si Zhi at pumasok sa loob..

Sinundan ko naman ito hanggang sa makarating kami sa ikalawang palapag at pumasok sa loob ng kwaryo ni lola Celestina..

Nung last na pumasok kami dito ni kuya, grabe yung galit ni lola..

"Ning! Zhi balik ka dito!" bulong ngunit halos pasigaw na sambit ko ng magtuloy-tuloy ito sa pagpasok...

Wala na akong magawa kaya sinundan ko nalamang ito sa loob..

Nagtaka naman ako ng tumigil ito sa harapan ng lakasa ni lola..

Tinititigan niya lamang ito...

Biglaan namang bumigat yung aura dito sa kwarto ni lola kaya naman ay dali dali ko ng binuhat si Zhi at lalabas na sana ako ng kwarto ni lola ng makarinig ako ng ingay mula sa lakasa ni lola...

Hindi ko man naisin na lapitan pa ito ngunit kusang gumalaw ang mga paa ko at dinala ako nito sa harap ng laksa...

Nanginginig pa ang mga kamay ko at hahawakan na sana ito...

Short StoriesWhere stories live. Discover now