Is this the only way to get out from this maze?Madalas ko itong itanong sa sarili sa tuwing dumadaan ang bagon ng tren sa harap ko. Nakatayo ako sa unahan ng pila pero lumagpas lang ang bagon dahil hindi ito magsasakay sa istasyon na ito.Mabilis ang paghalik ng hangin sa aking mukha kaya napapapikit ako sa tuwing dumadampi ito sa akin.
Hindi ko alam, pero ito lang ang naiisip kong solusyon sa lahat. Ang tuluyang makaalis sa istasyon na ito. Gusto kong umalis at hindi na bumalik pa, as if I'm having an out of town in a long week end without a notice of leave of absence to my boss. Pero ganoon naman talaga ang ginagawa ko sa tuwing magdadahilan akong may sakit ako. Mas nauuna pa ang pag-absent ko kaysa sa notice sa lead ko.
Iwasan ang pagtapak sa yellow lane para sa inyong kaligtasan.
Paulit-ulit sa intercom ang boses para bigyang babala ang mga pasahero. A warning telling us that there's life a head of us. If only I have one waiting for me.
When everything is cloudy, pakiramdam mo ay hindi ka na makakaalis pa sa sitwasyon na mayroon ka. May gusto kang gawin pero hindi mo alam kung paano. As if you lost the way and couldn't find the path back home.Gusto mong maging kapakipakinabang but it seems the world, no, the whole universe is conspiring to make your life become a totally mess.
Kahit anong gawin mong tama ay pilit na maninipulahin ito para maging mali. Your opinions, your actions, your thoughts and your life— everything. Until the only thing you can do is to mourn for every stars you've missed in the night sky.
Nanatili akong nakatulala sa mga sasakyan sa ibaba ng overpass matapos akong dalhin ng tren sa huli nitong istasyon. Mga taong nagmamadali sa paglakad para makahabol sa papaalis na bus, buzzer beater sa time-in o papauwi mula sa kanilang night shift.
May kaniya-kaniya silang dahilan kung bakit patuloy silang lumalaban sa walang kasiguraduhang siyudad.
This city is lively but dead. People who only live to survive from this shit of life. This is the real world. A wide arena for people who wants to survive.
Kahit na nabubunggo na ako ng mga tao, nanatili lang ako sa puwesto ko. Pakiramdam ko, isa akong kaluluwang ligaw na hindi mahanap ang katahimikan.
I wish my 17 years old me is not watching whatever version I became now. Paniguradong mabibigo siya. The passionate version of me died years ago because here I am now, lost, broke and messed up.
Saan ba ako papunta? Matapos kong tingnan ang relo sa aking kamay, saka lang ako muling naibalik sa reyalidad.Isang buntong ang pinakawalan ko saka muling humakbang palabas ng istasyon.
But one thing I am sure, I want to be gone.
![](https://img.wattpad.com/cover/198101906-288-k460739.jpg)
BINABASA MO ANG
Maybe, This Universe is not Ours
Roman pour AdolescentsMaybe in other universe, but not here.