two

15 3 0
                                    

lunch break na nang bumalik ako kaya malakas na batok ang naabutan ko kay jinsoul.

“aRAY! why do you have to be so harsh?” inirapan ko s'ya at hinimas himas 'yong batok ko.

“bA'T NGAYON KA LANG HA? BA'T KA NAGCUTTING?!” napahawak ako sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw n'ya. minsan talaga ang sarap nitong itapon, sobrang ingay.

“calm down, geez. nagpahangin lang ako.”

“nagpahangin? nAGPAHANGIN KA FOR TWO HOURS?” napaface palm na lang ako. ano pa bang magagawa ko? oa naman kasi talaga 'tong babaeng 'to.

“ugh, whatever. alis na nga d'yan, gusto ko ng umupo.” mahina ko s'yang tinulak at umupo sa upuan ko. hindi naman s'ya nagpatinag at humalukipkip sa harap ko.

“iniiwasan mo ba si hyunjin?” tumaas ang kilay nito. napairap naman ako at nag cross arms.

“at anong dahilan para gawin ko 'yon?” tinaasan ko rin s'ya ng kilay. naningkit 'yong mga mata n'ya at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago s'ya natawa.

“alam mo, kung nagaalala ka. good news sis, bukas pa ang pasok n'ya.” sambit n'ya. umiling iling pa s'ya at tinap and balikat ko.

“i'm not affected.” walang emosyong tinignan ko s'ya. mas lalo naman s'yang natawa bago nginisian ako.

“hindi nga ba?” nagtaas baba 'yong kilay n'ya. muli akong napairap at pinitik 'yong noo n'ya.

“hEY! what was that for?” she pouted.

“shut up, blondie. umupo ka na nga.” sumandal na lang ako. sinamaan n'ya naman ako ng tingin at nag cross arms rin.

“sabihin mo lang kasi na affected ka pa rin sa kan'ya.” ngumisi s'ya kaya sinamaan ko naman s'ya ng tingin.

“i'm not, so shut up.” natawa s'ya at nagkibit balikat na lang. “okay, sabi mo e.”

---

“heejin, can i talk to you for a minute?” uwian na nang biglang sumulpot sa harapan ko si haseul unnie.

“hm? okay.” kinuha ko na 'yong bag ko bago sumunod sa kan'ya.

“what do you want to talk about?” tanong ko nang makarating kami sa office n'ya.

“kilala mo naman si hyunjin diba?” natigilan ako nang marinig ang pangalan n'ya.

“uh, yes? anong meron sa kan'ya?” nagtatakang tanong ko. ba't ba puro s'ya naririnig ko ngayon?

“you see, bago pa lang s'ya dito at hindi pa s'ya sanay sa mga gawain dito. kaya naisip ko, since magkakilala kayo baka matulungan mo s'ya sa mga kailangan n'ya.” napakunot ang noo ko.

“you mean, kailangan lagi kaming magkasama?” tumango s'ya dahilan para mapanganga ako. KAMI, LAGING MAGKASAMA?

“seryoso ka ba d'yan?” kinagat ko 'yong labi ko. natawa naman s'ya at kinurot ang pisngi ko.

“yep, i'm serious.” she winked.

“wala na bang iba? si jinsoul, magkaibigan sila!” i tried my best na magbago ang isip n'ya. as much as possible, ayoko na muling madamay sa kan'ya.

“sige, kapag hindi ka pumayag, hindi ko itutuloy 'yong pinangako kong scholarship sa'yo do'n sa america” ngumisi s'ya.

“wHAT?!” muli akong mapanganga. “yOU CAN'T DO THAT! YOU PROMISED ME!” ngumuso ako, tumawa naman s'ya at napailing iling.

“then pumili ka, hindi ka papayag na samahan si hyunjin at icancel 'yong scholarship, o magaagree ka at tuloy pa rin 'yong scholarship mo.” napanguso na lang ako bago ginulo gulo 'yong buhok ko.

“aRGH, FINE! PAPAYAG NA 'KO!” napangiti s'ya pagkatapos ay tumawa.

napadabog na lang ako at walang nagawa kundi lumabas. narinig ko pa 'yong tawa n'ya kaya walang emosyong naglakad ako pauwi.

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

chills ⌇ 2jinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon