PROLOGUE
HAlOS MAPUNIT ANG MUKHA ni Jude dahil sa laki ng ngiti niya sa mga labi. Nagmamaneho siya ngayon papunta sa paborito niyang restaurant na pagmamay-ari ni Phoenix, ang HOT BABE. Ang badoy ng pangalan kasing badoy ng may-ari. Well, kahit pangit ang name, aminado siya na masarap magluto si Phoenix. Chef si Phoenix, nagpapanggap na chef.
Pupunta s'ya doon dahil naghihintay ngayon ang kanyang girlfriend. Yes, totoong nobya, hindi fling at hindi fuckbuddy. Mahirap paniwalaan na ang isang katulad niyang playboy ay tatamaan ng pana ni kupido. Kahit siya mismo sa sarili niya ay hindi siya makapaniwala na magmamahal siya.
Wala sa isip niya na magkaroon ng steady girlfriend ngunit nang nakilala niya si Daisy ay biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay. Binago siya nito at pinaramdam sa kanya ang pagmamahal na hindi niya naranasan kahit sa mga magulang niyang inabandona siya. Kay Daisy lang, wala ng iba.
Nagsimula 'yon sa isang pustaan nilang magkakaibigan. Si William ang nagsimula, at nasa restaurant sila noon ni Phoenix kasama si Darius at Maru. Kung sinong pang-sampung babae na dadaan sa harap ng restaurant ay dapat niyang ligawan. Babae 'man o lalaki. Alam kasi ng mga ito na hindi siya nanliligaw, siya mismo ang nililigawan.
Kapag sinagot siya ng babae ay agad niya itong ire-reject. Ngunit nang makilala niya ng lubusan si Daisy ay hindi niya magawang saktan ito. Minahal niya ito ng totoo at umamin siya sa pustaan nilang apat.
Noong una ay nagalit ito sa kanya ngunit pinatawad din siya dahil sa effort niya. Gumawa siya ng paraan para mapatawad siya nito.
"Wait for me, baby. I'm coming," nakangiti niyang wika saka pinaharurot ang sasakyan.
Baka mainip ito sa paghihintay sa kanya at hindi na siya makapaghintay. He's going to propose to her. Nasa bulsa niya ang singsing na binili niya kanina nang napag-isipan niyang pakasalan ito.
Gusto niyang pakasalan ang dalaga at bumuo nang masayang pamilya. Hindi na siya makapaghintay na makasama ito hanggang sa pagtanda niya. Muli niyang sinilip ang bouquet ng bulaklak na nasa front seat.
Pagkatapos niyang magpropose kay Daisy and if she would say yes --she will definitely say yes. He will not take no for an answer. He will talk to Prime and take his punishment. Handa na siya sa parausang matatanggap niya galing kay Prime. Handa na siyang malatigo sa likod katulad ng nangyari kay Aleck noong isang linggo.
Para sa kanya, maliit lang ang parusang 'yon para sa pagmamahal niya kay Daisy. She's more important to him more than his life. Fuck his fame, money and power. Sapat na si Daisy sa buhay niya. He gladly forget everything without regrets.
He parked his car and agad lumabas ng kotse pagkarating niya sa restaurant. Malalaki ang hakbang niya papunta sa restaurant at pumasok sa loob. Agad hinanap ng mata niya ang babaeng kanyang mahal.
Napangiti siya nang makita niya ito sa sulok habang umiinom ng tubig. Tila malalim ang iniisip nito na hindi nito napansin ang pagdating niya.
"Hey, babe." Bahagyang nagulat ito nang halikan niya ito sa pisngi. Lumayo ang mukha nito at humarap sa kanya.
Umupo siya sa tabi nito at ang isang kamay niya ay kanyang nilagay sa sandalan ng upuan nito. "You're spacing out. What's the problem?" Pag-aalalang tanong niya nang napansin niyang namumutla ang mukha nito. Nilagay niya ang palad niya sa noo upang malaman kung may sakit ba ito. "Are you sick?"
She shook her head. "Masama lang ang pakiramdam ko."
"Gusto mong ihatid na lang kita sa inyo. Dapat hindi ka na lang nagpakita sa'kin kung masama ang pakiramdam mo." Medyo napataas ang boses niya na kinagulat nito.
BINABASA MO ANG
SPG 5: SWEET FATE
General FictionWarning: SPG | R18 | MATURED CONTENT SYNOPSIS Nagsimula sa pustaan, biruan at tudyuan ng barkada na hindi niya inaasahang mamahalin niya ito. Sa pustaan ng barkada na nauwi sa pagmamahal. He doesn't believe in love but when it comes to her, he's w...