CHAPTER 3

6.3K 199 36
                                    

CHAPTER 3

NAPADAING SI Jude nang kumirot muli ang kanyang sugat. Balak kasi niyang sumandal sa headboard ng kama.

"Huwag ka munang kumilos," wika ni Calden. "Kahit hindi malalim ang sugat mo, ay baka ma-infection 'yan." Humarap ito kina William, Maru at Darius na nakaupo sa couch. "Kaninong idea 'to?" Tanong ni Calden sa tatlo.

"Si William," sagot ni Darius.

"Bakit ako sinisisi mo?" Si William na nagrereklamo. "Kasabwat ka din sa pagholdap kay Daisy."

"At bakit n'yo naman siya hinoldap? Wala na ba kayong mga pera para mangkidnap ng babae?" Tanong ni Calden.

"Idea kasi ito ni William," giit ni Darius.

"Ako na naman ang sinisi mo!" Si William na agad sumabat. "Alam mo naman 'yung tungkol sa bet di'ba?"

Tumango si Calden. "Bakit n'yo naman napag-isipan na magpustaan?"

"Gusto ko lang malatigo ni Prime si Esquivar," nakangising wika ni William.

"Fuck you!" Mura agad ni Jude. "Tatawanan talaga kita kapag nalaman kong inlabo ka." He smirked. "Matagal ka na nga palang inlabo sa lesbian mong bestfriend."

"Pasalama't ka talaga may sugat ka ngayon," naasar na wika ni William. "Darius, saksakin mo nga ulit 'yang gagong 'yan. Sa kabila naman para pantay."

"Ikaw kaya ang saksakin ko."

"Sige!" Tumayo si William. "Saksakin mo! Saksakin mo!" Paghahamon nito kay Jude.

"Enough!" Pagpigil ni Calden. "Gusto kong malaman kung kaninong idea 'to?"

"Kay William nga," giit na naman ni Darius. "May napanood kasi si William na drama. Para lumambot ang puso ni Daisy kay Jude ay kailangang magpakasuper hero si Jude. Nagpanggap kaming holdaper para si Jude ang magliligtas Kay Daisy--"

"Pero wala sa plano ang saksakin mo ako," asik niya kay Darius.

Si William nga ang pasimuno. May idea daw ito upang mapasagot niya si Daisy. Sila 'yong tatlong holdaper na kumuha ng bag ng dalaga, at siya naman ang magiging hero para lumambot ang puso ni Daisy sa kanya.

Nagulat nga siya nang sinaksak siya ni Darius dahil wala 'yon sa plano. "Siguro may galit ka sa'kin, noh? Aminin mo na para ngayon pa lang ay magpatayan na tayo?"

"Si Maru naman ang nagsabi sa'kin na saksakin ka. Binulong niya 'yon sa'kin para maging katotohanan daw."

"Pati ako dinamay mo," angal ni Maru. "Bakit mo naman kasi sinunod?"

"Huwag na nga tayong magsisihan dito," sabat ni William.

"Asus, nagsalita ang pasimuno," anang ni Darius.

"Kanina ka pa." Halatang nabibwisit na si William kay Darius. "Hindi lang ako ang may kasalanan dito, ikaw din!"

"Mag-aaway lang ba kayo dahil diyan?" Tanong ni Calden.

Bumukas ang pinto at pumasok si Raizer. "Hindi ka na nasanay diyan sa tatlo," wika nito.

"Raizer, my man!" Tuwang-tuwang wika ng tatlo saka nilapitan ito.

"Kamusta ka na? Magkwento ka naman?" Tanong ni William habang nakaakbay dito. "Anong balita sa'tin? Ilang estudyante na ang nadali mo? Magbigay ka naman? Bigyan mo si Darius, matagal ng tigang 'yan!"

"Ako na naman ang nakita mo, Lamarez!" Ani Darius. "Huwag mong pansinin 'yan. Nababaliw na kasi dahil hindi siya crush ng crush niya."

"Puta, Darius," anang ni Maru. "Napanood mo ang movie na 'yon? Pinanood ko din 'yon."

SPG 5: SWEET FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon