CHAPTER 9
NAGSUSUMIGAW SI DAISY nang magising siya. Niyakap niya si Jude nang makita niya itong nakaupo sa tabi niya. Mangiyak-ngiyak siya nang maalala niya ang dalawang lalaking gusto siyang pagsamantalahan.
"Sshh.. stop crying. I'm here. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo," alo sa kanya ng binata habang yakap niya ito.
Unti-unting kumalma siya. Ngunit nasa ala-ala pa rin niya ang nangyari sa kanya kagabi.
"They raped me. He raped me." Nang maalala niya kung paano pinagsawaan ng lalaking iyon ang dibdib at katawan niya.
"Sshh... Wala na. Tapos na 'yon."
"But--"
Bumitaw ng yakap sa kanya si Jude. Pinakatitigan siya. Hinahaplos nito ang kanyang buhok. "Hindi nila nagawa ang--" hindi nito natapos ang sasabihin. Umigting ang panga nito at biglang dumilim ang mukha. Kinabig siya nito ng yakap. "Thank, god. Dumating agad ako. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sa'yo."
Nawalan siya ng malay nang dumating si Jude. Pagkatapos ay wala na siyang maalala. Hindi na niya alam kung ano ang nangyari.
"Nasaan na sila ngayon?" Tanong niya. "Nahuli ba sila ng mga pulis?"
"They're dead."
Nagulat siya. Kunot-noo siyang humarap sa binata. "Paanong patay na sila?" Saglit siyang natigilan. Pumasok sa alaala niya na may hawak na baril si Jude nang dumating ito kagabi. "Did you killed them?"
"Kundi ko sila pinatay. Ako ang papatayin nila."
"Pero labag sa batas ang ginawa mo. Pwede ka namang tumawag ng pulis."
"Pinatay ko sila para iligtas ka. At kung hindi ko sila pinatay, magsusumbong sila kung sino 'man ang nag-utos sa kanila."
May point ang sinabi ni Jude. Pero hindi mawala sa isip niya na nadungisan ang kamay nito dahil sa pagligtas sa kanya. Ang hindi niya maintindihan ay tila balewala lamang sa binata ang pagpatay. Tila hindi ito nakonsensya na pumatay ng tao.
"You should go to sleep. You have to rest." Inalayan siya nitong mahiga. "I'm here. Babantayan kita."
Tumango siya. Ginala niya ang paningin sa silid. Nakabalik na pala sila sa Isla. Bumalik ang atensyon niya kay Jude nang hawakan nito ang pasa niya sa pisngi. Namumula 'yon dahil sa pagkakasampal sa kanya n'ong lalaki. May sugat din ang kanyang leeg dahil sa pagkakasakal sa kanya, at maging sa ibang parte ng katawan niya.
Ingat na ingat itong humahaplos sa bawat parte ng sugat na mayroon siya. Hindi nawawala ang dilim ng mukha nito.
"Hindi ko sila mapapatawad," umiigting ang panga na wika nito. "Hindi ko nga kayang saktan ka tapos sila, ang dali lang na saktan ka. Magbabayad siya."
"Sino ba sila?" Naalala niya na tinawag siyang long lost princess. "Anong kailangan nila sa'kin? Bakit tinawag nila akong prinsesa?"
"Hindi na importante 'yon. Ang mahalaga ngayon ay ligtas ka na." Banayad itong humalik sa noo niya. "You should sleep now."
Hindi na siya nagprotesta nang dalawin siya ng antok.
Magtatanghaling tapat nang magising siya. Napangiwi siya nang sinubukan niyang bumangon. Ramdam niya pa rin ang kirot sa buo niyang katawan, na parang nabugbog siya ng sobra. Muli siyang bumangon at umalis sa kama habang iniinda ang sakit ng katawan.
Nakakaramdam siya ng gutom. Kagabi pa siya hindi kumakain. Natanaw niya ang binata mula sa glass wall ng pinto. Nagsusurfing ito. Board walk ang suot habang walang pang-itaas. Sinasabayan nito ang bawat alon na dumadating.
BINABASA MO ANG
SPG 5: SWEET FATE
General FictionWarning: SPG | R18 | MATURED CONTENT SYNOPSIS Nagsimula sa pustaan, biruan at tudyuan ng barkada na hindi niya inaasahang mamahalin niya ito. Sa pustaan ng barkada na nauwi sa pagmamahal. He doesn't believe in love but when it comes to her, he's w...