CHAPTER3

22 2 0
                                    

#LoveAgain

February 13,2017

Its been 1year ng pumasok kami nila aljenn sa RP,hindi na kami masyadong active dun kasi madami nading gawain,lalo pa at araw ng mga puso bukas lahat ng student required na umattend sa pagdiriwang bukas.

"Sino kayang magbibigay sakin ng bulaklak bukas"sambit ni sam
"Nako babae ka,wag kana umasa"sagot naman ni aljenn
"Ewan ko sayo bitter ka talaga"sambit naman ni sam

Nasanay na kami sa mga basagan,lalo na kung seryosong usapan di maiiwasan ang tawanan..

"Tara na nga"sambit ni maeann

Paalis na kami ng canteen ng humarang si raphael,yung crush kong SSG pres,

"Pwede ba kitang makausap selene?"tanong nito saakin

Nagulat ako sa sinabi niya,kaya pumayag nalang ako nauna na sila sam sa classroom habang ako eto kasama si raphael..

"Bakit,anong paguusapan natin?"tanong ko
"Kasi selene diba may Role Play Account kayo?"tanong nito

Tumaas yung kilay ko sa sinabi niya,pano niya nalaman yun?tsaka ano naman kung meron kaming RPA..

"Bakit?"tanong ko sakanya

Sasagot na sana siya ng bilang nag ring yung bell,ibig sabihin dapat lahat ng student nasa kanya-kanya ng classroom..

"A-ah eh wala cge una nako"sambit nito tsaka umalis..

Ang weird niya talaga,bahala siya tsaka pano nga ba niya nalaman na may rpa ako?tsss..

Matapos ang aming klase,umuwi agad ako dahil andami ko pang gagawin at tutulungan ko pa si nanay sa bahay,

"Oh,anak bat ngayon ka lang?"tanong ni nanay
"Kasi po bumili pako ng mga gamit para sa gagawin ko,pasensya napo nay"sambit ko kay nanay
"Cge na magbihis kana at maghahapunan muna tayo para magawa mo iyang gawain mo"sambit saakin ni nanay

Agad akong umakyat sa aking kwarto at nagbihis pagkatapos naming maghapunan ni nanay nauna na siyang matulog habang ako gumagawa ng mga gawain ko..

"9:30"sambit ko sa aking sarili

Inopen ko ang aking rpa at may isang message ang bumungad sa akin,pero mas lalo akong nagtaka ng tawagin niya akong selene...

From:Zaccheus Narcyz
[Selene!]

Nireplayan ko ito..

To:Zaccheus Narcyz
[Sino ka?bat moko kilala?]

Tanong ko rito,pero hindi na ito nag reply kaya nag log out nako..

10:45 na pero hindi padin ako nakakatulog kakaisip kung pano nalaman nung lalaking yun ang pangalan ko..Malaking palaisipan dahil apat lang kami nila sam,aljenn at maeann ang pumasok sa rpw maliban na lamang..

"Maliban na lamang kung taga Presaremo din siya"sambit ko sa aking sarili

Buti na lamang at nakatulog ako,maaga akong pumasok sa paaralan para ikwento kena aljenn ang nangyari kagabi..

"Girl posibleng taga presaremo din yun pero posible ding hindi"sambit ni maeann

Nagkatitigan kaming tatlo nila aljenn,

"Kung taga Presaremo National HighSchool din yun,edi mabuti madali nating siyang mahahanap kasi madali lang suyurin tong campus,kapag hindi mahihirapan tayo baka naman kasi may stalker ka selene"sambit ni sam

Napatingin ako kay sam,kahapon yung kay raphael posible kayang siya?hindi hindi tinanong niya lang ako eh kaya impossible.

"Wala akong stalker,tsaka yaan niyo na pag nag chat uli itatanong ko kung taga presaremo din siya"sambit ko

Hindi na sila nagsalita,sana hindi taga presaremo yun..

"Tara na"sambit ni sam
"Hala?anong oras na pala,una nako guys ha baka hinahanap nako ni nanay"sambit ko sakanila

Dali-dali akong umuwi sa aming bahay,dahil nga 6:00pm na baka mapagalitan ako ni nanay sa madalas kong paguwi ng gabi..

"Selene!bat ngayon ka lang?"tanong saakin ni nanay
"Pasensya napo nay"sambit ko habang nakayuko
"Cge na anak umakyat ka na,bukas uuwi ang kuya mo"sambit ni nanay

Si kuya uuwi?bukas?lagot ako nito,cguradong pagagalitan ako nun kapag umuwi ulit ako ng 6pm hays.

"Cge po nanay,aayusin ko po yung kabilang kwarto bukas"sagot ko sa aking ina

Nagbihis ako at dali daling bumababa para manuod ng paborito kong korean novela..

"Anak mauuna nako ha,wag kang magpupuyat"sambit ni nanay
"Opo nay,tatapusin ko lang po itong palabas"sagot ko

Mahilig ako sa mga korean novela,fan din ako ng mga sikat na grupo kagaya ng EXO at iba pa.Halos 11pm nako matapos kakanuod,

Patulog na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko..

"Kayerena Aishera has one conversation"
Kaya naman inopen ko ang Rp account ko nakita ko na nag message nanaman yung zaccheus na yun tss..

From:Zaccheus Narcyz
[Taga presaremo din ako,parati kitang nakikita]

Reply nito sakin,OMG?taga presaremo din siya?stalker?baka tama si sam may stalker ako..

To:Zaccheus Narcyz
[Huy gago magpakilala ka sakin!Kapag ikaw nahuli ko tigok ka sakin]

Reply ko rito,cguro naman matatakot yun sakin at sasabihin na kung sino siya sa likod ni Zaccheus.

From:Zacchues Narcyz
[Aamin ako pero hindi pa ngayon,pasensya na selene di ko pa kayang umamin]

Pagkabasa ko sa reply nito biglang tumibok ng mabilis yung puso ko..Aamin?pinagsasabi nito.

To:Zaccheus  Narcyz
[Huy!anong pinagsasabi mo?]

Tanong ko rito,subalit ACTIVE 1MINUTE ago na siya,kaya natulog na lang din ako.Bwesit ano bang pinagsasabi niya?Anong aamin?gago ba siya tss...

Ng dumating ang umga,nagising ako ng mga 6am dahil nga sa uuwi si kuya kailangan kong linisin ang kanyang kwarto,matagal tagal na din nung nakita ko si kuya kasi nga asa abroad siya at kami lamang ni nanay ang natira sa pilipinas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Henlo everything,this chapter is dedicated to:
Mary Jane Pateno
Maui Ambrocio
Narcyz Brotherhood
Sa section B family at sa Section A family,sa Power4 maraming salamat sa inyo mga galss..
Also thank you kay ate Alyloony na inaccept ang aking FR sa FB,isa ako sa mga swerteng tao salamat ate❣

Chapter4 is waving,sana naienjoy niyo yung story😊.

Ang Buhay ng Isang Role PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon