Naalimpungatan ako sa ingay ng busina sa labas. Nag unat ako dahil sa pangangawit ng katawan ko. Medyo masakit na rin ang pwet ko dahil sa tagal kong nakaupo. Dahan dahan kong idinilat ang aking mata.
Manila
Omaygad! Nasa Maynila na nga kami. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang mga naglalakihang mga building. Tunay nga na malaki ang syudad na ito. Hindi tulad sa Baguio na memorize ko na ang bawat lugar. Kung saan ang tourist spot, kung saan magandang mag picture pero dito maliligaw talaga ako.
Natatanaw ko sa labas ang mga mamahaling sasakyan. Mayroon ding mga pedicab, jeep at bus. May nakikita din akong nagtitinda ng street foods tulad ng kwek kwek, fishballs at kikiam. May nakikita din akong mga batang namamalimos sa bawat sasakyan.
Ilang saglit pa ay pumasok na kami sa isang subdivision. Pumasok kami sa isang malaking gate at sumalubong sa amin ang dalawang security na may bitbit na mahabang baril na siyang nagbukas ng gate para sa amin.
Tumango ang driver sa kanila bago nag drive papunta sa loob.
"Geologo Residence," pagbabasa ko saka itinuon ang pansin kay manang.
Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking pintuan. Naunang bumaba si manang habang bumaba naman ang driver at pinagbuksan ako ng pinto.
Nauna nang naglakad si manang kaya sumunod ako. Pumasok kami sa loob ng malaking bahay at tinawag ni manang ang isang katulong na kasalukuyang maingat na nagpupunas ng vase.
"Pakikuha ang kanyang gamit." Utos ni manang.
"Opo, mayora." Tango niya bago kinuha ang gamit ko. Binigay ko sa kanya ang isang backpack at yung sling bag kong ginagamit ko dati sa paghahanap ng trabaho. Wala naman akong masyadong gamit kaya konti lang ang dinala ko.
Nagpatuloy kami sa pagpasok sa loob at namangha ako sa mga kagamitang nakita ko. Mint green ang kulay sa loob at may kaunting design na floral. Ang mga gamit naman ay kulay puti, magmula sa mga upuan at iba pang display sa bahay. May mga painting din na puro bulaklak ang iba naman ay hindi ko maintindihan. Parang puzzle dahil hindi mo makikita ng malinaw ang nakapaint dito.
Natuon ang pansin ko sa isang family picture. Dalawang matanda na hula ko ay nasa 80s ang edad. May dalawang mag asawa din at sa gitna naman ay may isang batang nakangiti.
"Sila ang Geologo Family." Nakangiti si manang na parang ang laki ng respeto niya sa mga ito.
Hindi ako nagsalita at hinintay ang susunod na sasabihin ni manang. "Sila ang isa sa pinakamayamang pamilya hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa." Namangha ako sa sinabi ni manang. Malaki pala ang kinalalagyan ng estado nila sa buhay. "Yan si Sir Eduardo" turo niya sa matandang lalaking prenteng nakaupo sa kulay gintong upuan.
"Yung babae naman sa tabi niya ay si ma'am Lilith," turo niya sa matandang babae. "Yan si Sir Hector, anak ni sir Eduardo at Ma'am Lilith at ang asawa niyang si ma'am Heide." Kahit medyo matanda na si sir Hector at ma'am Lilith ay mababakas pa rin ang kakisigan at kagandahan sa kanila.
Dumako ang paningin ko sa isang batang malawak ang ngiti. "Siya si sir Sloan, ang nag iisang anak ng mag asawang Geologo." Hindi ko maiwasang mainggit ng makita ko ang kanilang masayang pamilya. Yung inaasam kong masayang pamilya ay nakikita ko sa pamilyang ito.
"Nasaan po sila kung ganon?" Tanong ko sa kanya
Bumuntong hininga si manang bago sumagot. "Matagal ng namayapa si ma'am Lilith dahil sa malubhang sakit. Si sir Eduardo naman ay binawian ng buhay noong nakaraang taon dahil sa katandaan." Tumango ako at tinuro yung Hector at Heide.
"Eh sila po?" Tanong ko ulit sa kanya
"Si ma'am Heide ay namatay wala pang isang buwan pagkatapos mamatay ni Sir Eduardo." Malungkot akong napatingin sa litrato. Kahit gaano pala sila kasaya sa litratong ito, sa likod nito ay malungkot na pangyayari.
So..namatay si ma'am heide pero wala pang isang buwan sa pagkakamatay si sir Eduardo. Ewan ko pero may paniniwala sa amin na sukob ang nangyari pag ganoon. Hindi naman ako naniniwala sa mga pamahiing ganon, hindi ko lang maiwang isipin na dalawa sa kanilang pamilya ang namatay sa isang taon.
Gusto kong tanungin kung anong kinamatay ni ma'am Heide pero baka sabihin niyang masyado akong chismosa kaya mas mabuti pang itikom ko nalang ang bibig ko.
"Si sir Hector ay nasa ibang bansa para asikasuhin ang kompanya nila. Si sir Sloan ang naiwan dito para mamahala sa negosyo nila dito sa Pilipinas." Dagdag ni manang
"Eh, hindi po ba masyado pang bata si Sir Sloan para mamahala ng isang malaking kompanya?" Nagtatakang tanong ko kay Manang.
Nagulat ako ng biglang humagikgik si manang. Matandang 'to, kay tanda tanda na marunong pang magpacute. "Kung ang iniisip mo ay ganyan kabata si sir Sloan ay nagkakamali ka. Matagal na ang family picture nilang 'yan. Yan ang kahuli hulihan nilang litrato bago namaalam si ma'am Lilith. Masyado pang bata si sir Sloan jan, pero ibang iba na siya ngayon." Natahimik ako sa sinabi ni manang. Hindi ko maiwasang mapaisip pero ng maalala kong wala pala akong isip ay tinigilan ko na.
"Ang mabuti pa ay igagala kita sa iba pang parte ng mansyon pagkatapos ay ihhatid kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka." Tumango ako sa kanya
Naunang naglakad si manang kaya sumunod ako sa likod niya. Pinakita niya sa akin ang kusina at pinakilala ako sa mga tauhan doon at kay manang Glory na sasamahan ko daw tuwing umaga sa pamamalengke. Sunod naman naming pinuntahan ang garden. May malaking swimming pool doon, may mga bulaklak din na nakasabit sa dingding.
"Didiligan mo ang mga bulaklak at mag spray ka para hindi ito masira. Kapag umuuwi si Sir Hector ay dito siya unang dumidiretso dahil naalala niya si ma'am Heide sa mga bulaklak na ito." Tumango ako at ngumiti
Pinagmasdan ko ang lawak ng kanilang garden. Sobrang lawak ng bahay ngunit puro katulong lang ang makikita dito.
Iginiya ako ni manang sa laundry room. "Kung maglalaba ka naman ay pwede mong gamitin ang mga washing machine na ito." Turo niya sa tatlong naglalakihang washing machine at dalawang spinner sa harap nito. "Ako na ang bahala sa mga damit ni Sir Sloan kaya wala ka ng poproblemahin kundi ang mga damit mo nalang." Aniya
"Sige po manang."
Matapos niya akong iginala at ituro ang mga gagawin ko ay kumain na kami ng gabihan. Inihatid niya ako sa kwarto na tutuluyan ko.
Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa akin ang malawak na kwarto. Walang masyadong gamit maliban sa isang kama na sakto ang laki, isang side table at isang kabinet. Nakita ko ang mga gamit ko na nakalapag sa kama.
Inilibot ko ang tingin ko at tulad ng nakita ko sa labas ay kulay mint green din ito na may design floral. "Ito ang magiging kwarto mo." Pumasok siya sa loob at may kinuha sa side table. Kinuha niya ang remote at itinutok ito sa gamit na nakasabit sa ceiling kaya lumamig.
"Ayaw ni sir Hector na naiinitan ang mga nagsisilbi sa kanila kaya bawat room dito ay may aircon." Itinuro sa akin ni manang kung paano gamitin yung remote para sa aircon. Pagkatapos ay umupo ako sa kama at dinama ang lambot nito.
"Mabait po pala si sir Hector," wala sa sariling sambit ko.
Bibihira ka lng makakita ng amo na kahit mayaman ay bibilhan ng mga gamit ang katulong. Kung ibang amo lang ay baka electric fan lang ang ipapagamit sa mga katulong nila pero kakaiba si sir Hector. Halatang mahalaga sa kanya ang mga katulong niya.
"Naku, sobrang bait ni sir Hector. Ewan ko lang at naging kabaliktaran si sir Sloan." Nagtataka akong tumingin kay manang. Guilt is written on her face. Magtatanong sana ako pero tinamad na akong magsalita. Siguro sa susunod na ako magtatanong. "O siya, magpahinga ka na at maaga pa kayo ni Glory bukas." Sabi niya bago nilisan ang aking kwarto.
Humiga ako sa kama at tumingala sa kisame. Hindi ko maiwasang isipin ang mga kapatid ko. Kung kumain ka ba sila, ano kaya ang ginagawa nila? Aminado akong hindi ako sanay na kasama sila. Pero ano pa nga ba ang gagawin ko, sa hirap ng buhay kailangan kong mahiwalay sa kanila. Pero naniniwala ako na balang araw, muli kaming magkakasama ng mga kapatid ko.
Sa sobrang pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na ako. Hay, tomorrow is another day again. Another challenge,but I always believe that the vision of your tomorrow that you have today strenghtens you for the morrow.
YOU ARE READING
Lust Night
RomanceIn today's life, walang mangyayari kung tutunganga ka lang sa tabi. Hindi puro salita kundi dapat sabayan ng gawa. Nothing interesting about her life. Simple girl, poor family. At dahil kapos sa pang araw-araw ay hindi doble kundi tripleng kayod a...