Pinas

31 5 1
                                    

"Ladies and Gentlemen! Now, we are approaching Philippines where the local time is 09:00.  At this stage you should be in your seat with your seatbelt firmly, fastened.  Personal television screens, footrests and seat tables must be stowed away and all hand luggage stored either in the overhead lockers or under the seat in front.  Please ensure all electronic devices including laptop computers and computer games are turned off. Thank you for choosing our Airline. Enjoy your stay!" I don't know what to feel. Natatawa na lang ako. Saan ako pupulutin pagtungtong ko sa lupa ng Pinas? Ni wala nga akong bahay, walang kakilala. Kailangan ko pang asikasuhin ang pera kong dala in exchange to peso. Kailangan ko ring pakalmahin ang sarili ko.

Pagkatapos ko sa Transfer Desk ay nagtuloy-tuloy na akong naglakad ng nakayuko palabas ng Arrival Lobby. What should I feel? Para akong tanga dito. Saan na ako pupunta?

"Avah Amelia Hamor!" Napalingon ako nang marinig ko ang buo kong pangalan. Nakita ko ang isang babae na todo kaway. My forehead creased looking at her. Sino siya? "Waaaaah sis! I knew it!" Nagtititili pa siya kaya naman pinagtitinginan na siya ng iba pang mga nasa greeting area. "Sabi ko na nga ba ikaw 'yan. Dito! Dito!" Nagmamadali siyang pumunta sa gate na lalabasan ko mula dito sa lobby. "Grabe! Ang laki ng pinagbago mo!" Hindi pa rin maalis ang pagkakakunot ng noo ko. Hinampas niya ang braso ko. "Ano ka ba?! Hindi mo na ako maalala? Gosh! It's me! Your one and only gorgeous, hot and sexy cousin." Tinuro-turo niya pa ang sarili. "Ano ba naman Avah! It's me, Clauret! Ano ba yan! Lagi tayo noong magka-video call tapos makakalimutan mo lang ako." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Wala akong matandaan. Nagtuloy-tuloy nalang akong naglakad.

"I'm sorry. Baka nagkakamali ka lang." Sa wakas ay nahanap ko rin ang boses ko. Hinarang niya ang sarili sa harap ko saka namewang.

"Name mo?" Tanong niya habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Avah." Simpleng sagot ko saka nagsimula na ulit maglakad.

"See? I. Am. Right." At ipinakita niya pa ang placard na may pangalan ko. "At ako ang pinakamaganda mong pinsan na si Clauret. Duh!" May pagkumpas-kumpas pa siya. "Where are you going ba?" Napalingon ako sa kanya na ngumunguya ng kung ano. A gum I guess? Brat. "Wala na tayong ibang kamag-anak na mapupuntahan. We have no one else aside of ourselves.  'Yun ang alam ko." Napakunot-noo muli ako sa sinabi niya. "Come with me. Ikukwento ko sayo lahat." May dinukot ito sa bulsa saka inabot sa akin. Nagtataka naman akong napatingin doon. "There. That's my postal ID. You hold it, okay? Feeling ko tuloy ki-kidnap-in kita sa mga tingin mong yan. Naiimbyerna na ako sayo ah."

"Hindi kita kilala." Sagot ko nalang ulit.

"Gusto ko man ipakita ang mukha ko, kaso hindi pwede. Baka pagkaguluhan tayo." Napakunot-noo ulit ako. Bakit nga pala balot na balot siya? Kulang nalang ay magmask siya eh. "Sikat akong artista." Napataas ang kilay ko. "Tara na nga!" Hinila niya na ako at nagpatangay naman ako.

"So, ayun nga. The embassy called me informing me about you. Na-shock nga ako na uuwi ka. Tita told me years ago na ayaw mo daw dito sa Pinas. So, you, coming here is so questionable." Patuloy pa rin ito sa kinakain habang nagkakamay at nakataas pa ang paa sa inuupua nito.

Yes, she looked really like a star. She looked like a model or an actress, like what she said. Pero her actuations are telling the total opposite. Hanggang sa mga oras na 'to ay inaalala ko pa rin if she really is my cousin. Kung talaga bang ka-video call ko siya dati? Sumasakit na ang ulo ko sa kakaalala pero wala talaga. O baka nga wala ako ditong pinsan at wala akong ka-video call noon. Ganoon na ba kabigat yung mga naranasan ko to forget my past? I don't know. I don't really know.

"What are you thinking ba?" Nakataas ang kilay nito habang gulo-gulo ang hitsura na nakatingin sa'kin. "Kain na kasi. You aren't used of eating rice? Should I order you Japanese foods?" Inilingan ko siya sa offer niya. "Then what? Ayaw mo ba dito? My condo is big enough for me, so you stay here. That's my order." What? I'm a dog now? The last time I check, I was an entertainer and ends up being a prostitute. "I'm earning big so you don't need to think about the bills." Tinitigan ko lang siya. "What? You're not a mute so can you please talk? Feeling ko mauubusan ako ng laway sayo."

"Pa'no ka--" Hindi ko na natuloy ang itatanong ko sana nang magsalita siya ulit. I think yun yung forte niya, ang dumaldal ng dumaldal tapos magrereklamo kasi hindi ako nagsasalita.

"You want me to know how I end up as an actress?" She giggled. "Ganito kasi yun." Humarap siya sa'kin. "Pangarap ko kasi talaga maging artista. Laki akong bahay-ampunan, not until such time that tita contacted that orphanage claiming me again. Iniwan niya daw kasi ako doon sanggol pa lang ako, umalis kasi siya para mag-Japan. That time daw kasi wala daw siyang maipapakain sa akin. Magkapatid daw ang mga magulang natin. And unfortunately, my mom died after giving birth to me. I was sixteen then when I totally got out of that orphanage. Pinapadalhan ako ni tita ng allowance. Kaso ayaw ko noon mag-aral, kaya yung perang pinapadala niya pinapamasahe ko sa paga-audition. Imagine my life sleeping outside some studios na hindi man lang marunong tumingin ng totoong talent? Gosh! And then one talent scout approach me. Wala eh, beauty and brain na nga, talented pa. And here I am." Mahabang kwento niya. Kitang-kita ko ang pagmamalaki niya para sa sarili. Tinignan niya ako. "Pero sayo wala na akong balita."

"You know, I don't trust you." Diretsa kong turan sa kanya.

"Yeah right. Kaya nga andito ka sa harap ko." Napahiya ako sa sinabi niya. Kaso wala ako ngayong mapuntahan. Wala akong matutuluyan. Mabilis maubos ang pera at hindi ako mayaman para magwaldas nalang. "Here!" Iniabot niya sa akin ang tablet. "Search my name. Ayaw mo kasing maniwala na artista ako eh." Tumayo siya sa harap ko habang nakapamewang. "You want to do some extras? Akong bahala sayo. I have my big name on screens. Kaya kitang ipasok. What do you think?" Nagtaas-baba pa ang kilay nito.

"I think, I need some rest." Suhestyon ko sa kanya. She's giving me that 'oh' look again.

"You eat first. Huwag mo akong aartehan dyan, mas maarte ako." Napatango nalang ako sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NIGHT SERIES 1: that HOT NIGHT in JapanWhere stories live. Discover now