ONZE

5 1 0
                                    

LEVI DOS SANTOS

I'm still here at the top deck of my yacht, sipping beer from its bottle and facing the endless sea. The yacht is now far from the pier. I droved it away after those caretakers clean my yacht. Bago ko ilayo ang yate ay nagreport muna ako kay Herald. Pero hindi ko sinabing nasa akin ang babaeng pinapahanap niya. Ikinuwento ko lang na nagpunta ako sa mansion ng mga Audibert at nakitang nakabalik na nga ang tagapagmana.

I was savoring the perfect calmness in front of me when someone tapped my back. Umupo siya sa tabi ko at inabutan ng isang bote ng beer mula sa bucket.

"How's the operation with your confidential patient? How is she?" I asked. Yes, confidential. Walang dapat makaalam na nasa akin siya. Nanganganib na din ang buhay niya. Hinahanap siya ng mga Dos Santos upang gawing asset to their plan on taking down the Audiberts.

"She's safe now. Matinding paghihirap ang naranasan niya. Who can torture a beautiful woman like that? Gunshot on the left shoulder, broken bones on the right knee, broken rib, blood loss, cuts and bruises. Are they even human? Balak ba nilang pumatay ng isang chikababes?" naiiling iling niyang sabi.

Hindi pa rin talaga siya nagbabago.

"Kaya ba isa't kalahating araw mo siyang inoperahan sa loob kasi madami siyang natamong sugat o kasi maganda siya?" tanong ko at nginitian siya ng nakakaloko.

"Both!" he exclaimed and we both laugh. "Teka nga muna, bro. Sa'n mo nakuha si babes at bakit ganun yung kondisyon niya?" Napatulala naman akong muli sa harapan kung nasaan ang kalmadong dagat.

"She was an impostor of the Audibert's daughter. We, the Dos Santoses, abducted the heiress just a week ago. Pero parang walang balak kunin ng mga Audibert ang panganay nilang anak kaya napagpasiyahan kong puntahan ang mansyon at nakita kong may gumaganap nga bilang Shersty sa mansyon ng mga Audibert." napatango tango naman siya habang nakahawak sa kanyang baba ng marinig iyon.

"So, who is she? Her real name?" he asked. I just shrugged my shoulders."That will be my first question to her when she woke up. Kelan ba siya magigising?" tanong ko na mukhang naiinip.

"That, my friend, is a good question. She's under coma. I saw blood clots in her head." napabuntong hininga na lang ako at napatango.

I need to keep the security of this yacht in its maximum. And no one must know that I am keeping the impostor. If the Audiberts know that she's still alive and someone is keeping her, both of them must end dead. It's like you violated a rule created by them. But if the Dos Santos knew she still exist, she must be, somewhat, lucky. The Mafia will offer her to be its asset and if she agreed, she needs to help them on taking down their opponent. Hence, if she turn down that offer she will be a dead meat. I just sighed.

Naalala ko ang huling nangyari sa kanya. Nang inihulog na siya ng reaper sa dagat ay dapat iiwan ko na siya. First of all, I don't have the intention to save her but there's something inside me that urge me to do so. And that's what I did. I felt a voice ringing inside my head. It was like her life is precious, dont let her die at this moment.


Kimagabihan, bumaba ako sa top deck at tinungo ang cabin ng babae. Pansamantalang umuwi muna si Doc David at nagsabing babalik na lang bukas para puntahan ang confidential patient. Nakabenda ang kanyang tuhod at itaas na parte ng katawan. Nalagyan na rin ng ointment ang mga pasa at sugat niya at may nakatusok na IV sa kaliwang kamay niya. Kalunos-lunos ang inabot niya sa kamay ng mga Audibert.

Pero, ano kaya ang dahilan niya para gawin iyon? May intensyon din kaya siya na pabagsakin ang Audiberts? O may grupo rin na nag utos sa kanya na gawin iyon. Siguro hihintayin ko na lang siyang magising at itanong sa kaniya ang lahat.

Buong magdamag ay nakaupo lamang ako sa upuan sa tabi ng kama ng babae. Buong oras na gising ako ay pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa tuluyan na akong ihele ng kadiliman.

Nagising ako ng makarinig ako ng kaluskos. Agad agad akong lumabas ng cabin at isinara ito. I make sure that the cabin where she is located is locked. I also have my pistol with me while walking and searching the place without creating any sound. Nakarinig ako ng yabag sa parteng kusina ng yate. I entered the kitchen like I was sneaking at a house I want to rob. I pointed my gun to someone sipping wine on its wineglass Ibinaba ko ang baril at nakahinga ng maluwag ng maging pamilyar sa akin bulto ng katawan nito. Nakatalikod siya sa akin habang umiinom.

"Hindi ka man lang nagsabi na papunta ka na pala." I stated. Surprise was seen on his face. Then I laughed on that. "Hey! Ginulat mo 'ko!" sigaw niya na lalong nagpatawa sa akin. Kumuha ako ng tubig sa ref at isinalin ang laman nito sa baso habang unti unti kong pinipigilan ang aking pagtawa. Pero sa tuwing titingnan niya ako ay lalo akong natatawa.

I sipped on the glass. Humupa na ang pagtawa ko at naging seryoso ng tanungin niya ako, "Isusuko mo ba siya sa mga Dos Santos?"

Napatigil ako sa tanong niya."H-hindi ko alam." nakayuko kong tugon. "Kung ako sayo, itago mo na lang siya. Delikado ang buhay ni babes. Sayang naman kung mawawala siya, diba? Mababawasan ang mga magaganda." tugon niya at kumindat pa.

"Actually, I don't know. Hindi pa ako nakakapag plano. Siguro pag nagising na siya ay saka ko na iisipin kung anong gagawin ko." napatango naman siya sa sinabi ko.

I sipped the glass of water and gulped."As for now, I'll assure she's safe with me."

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
sorry sa short update hehez
(✿ ♡‿♡)

Forgotten IdentityWhere stories live. Discover now