Ikaapat

1.1K 40 13
                                    

Ikaapat: "I love you."

I look pretty naman pala sa tuwing nag-aayos ako. Hindi ko alam kung galit ba sa'kin si Mama kasi hindi ako nagpa-ayos sa mga make up artist sa baba. Sobrang plakado kasi mag-make up ng mga 'yun tapos lusaw naman mamaya dahil sa init. Mas okay yung ganitong tamang blush on at liptint lang. I don't do eyebrows dahil hindi ko talaga matutunan kung paano 'yun.

Na-trauma na 'ko dahil last time na pumasok ako sa school na may kilay, nagmukhang may linta ako sa ibabaw ng mata ko.


Agad akong tumayo nang may kumatok sa pintuan ko. Binuksan ko na yung pinto, siguro si Leo na 'to. Sabi niya kasi sa'kin kahapon sabay daw kaming pupunta sa baba.

Sa tuwing naaalala ko si Leo, naaalala ko rin ang nangyari kahapon. Hindi pa rin talaga ako maka get over! Kung hihiling man ako, sana magbago pa ang isip niya. Kung hindi naman, sana matanggap ko kaagad.

"Tapos ka na ba-" natigilan ito nang makita niya ang mukha ko. "Bakit di ka nagpa-make up sa baba?" tanong nito sa'kin.

"Ayoko nga, masyadong makapal." sagot ko.

Ayaw niya rin naman ng makapal na make up kaya alam kong hindi na niya ako pipilitin. Leo likes natural kaya bakit pa 'ko lalayo?

"Sabagay, Let's go?" binuka niya ang braso niya bilang senyas na doon ko ilagay ang kamay ko. Ilalagay ko na sana ang kamay ko nang bigla niyang bawiin ang braso niya. "Seryoso ka ba, Cali?" natigilan ako. Napakamot siya nang makita niya ang dollshoes na suot ko.

It looks good naman ah?


"Bumalik ka ron, wear heels." sabi ni Leo.

"Are you serious? NO." sabi ko at mariin kong sinabi yung padulo.

"Hindi tayo bababa hangga't hindi ka nag-he heels." sabi ni Leo bago ito sumandal sa aking pintuan at humalukipkip sa harap ko.

"Are you serious, Leo?" inis kong sabi.

"Are you serious, Cali? Babae ka ngayon kaya sige na. At saka, kasal naman ni Tita ngayon." inis akong umiling sa kanya bago ako umirap, "Oh sige, ganito nalang. Kung hindi ka magheheels, magpapalit ako ng damit."

Nilakihan ko siya ng mata bago ko siya mariing irapan, "Kahit kailan talaga, Leonardo!" sigaw ko bago ako galit na bumalik sa kwarto.

"I'm waiting, Calixta.."

Sabagay, Leo has a point. Kasal naman ni Tita ngayon, kaya magiging babae muna ako ngayon. At saka, baka mas magalit sa'kin si Mama, hindi na nga ako nagpa-make up tapos di pa ako magheheels. Ugh, ang hirap maging babae.

I showed him my heels at walang ganang umikot para makita niya ng maayos, "Okay na po ba, Boss?"

"Yan! Let's go, Calixta."

"Stop calling me Calixta, Leonardo."

"Ito na nga, ito na nga." bahagya akong napatawa dahil sa arte naming dalawa, he hates his real name and he knows that I hate my real name too.
Pero hindi ko maitatago na napaka ganda ng pangalan niya, para siyang galing sa lumang panahon.

Losing You Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon