Ikalima

1.1K 41 12
                                    

Ikalima: "I love you too."


Ilang araw na ang nakalipas bago ang nangyari. I didn't receive any call or text from Leo. Hindi ko nga alam kung nakaalis na siya ng Pilipinas o hindi. Hanggang ngayon hinihiling ko pa rin na sana maibalik ko yung oras na 'yon para mabawi ko lahat ng sinabi ko sa kanya.

Ganun kasi talaga kapag umaasa ka sa isang tao. Kahit alam mong ito ang kalalabasan, aamin ka pa rin. Kasi when you love someone, you'll take the risk kahit gaano kahirap.

"Anak, kapag gusto mo kumain may breakfast sa lamesa ha." pilit kong nginitian si Mama bilang sagot. Hinahayaan niya ako kung may mga oras na ayaw kong kumain, hinahayaan niya ako kapag may oras na gusto kong uminom. Alam niya kasi ang pakiramdam ng nasasaktan. Pero syempre, saka siya tututol sa'kin kapag sobra na and I know my limits. Sabi niya kasi, "Hinayaan kitang mahulog sa maling tao e, hahayaan din kitang gawin yung mga gusto mo para lang makalimot."


She's the best mom, ever. Palagi niya lang akong sinusuportahan, sobrang swerte ko dahil siya ang nanay ko. Sobra.


Wala akong ginawa maghapon kundi tingnan ang mga pictures namin ni Leo sa phone ko. Habang ginagawa ko ito, hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Wala e, nanghihinayang ako. Dahil lang sa tatlong salita, napawi ang libo-libong pinagsamahan..


Miss na miss ko na kasi talaga ang mokong na 'yun. Sobra akong naninibago na wala ng guma-gago sa'kin at nagtetext sa'kin kada umaga.


Wala na akong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Alam ko namang mawawala rin 'to e. Alam ko namang makakalimutan ko rin yung nararamdaman ko kay Leo. Maaring hindi ngayon, pero sa tamang panahon.


"I miss you, Leo." bulong ko.


I miss how we used to be.


*ting!*


I grabbed my phone when I heard someone texted me.


1 message from Leo


1 message from Leo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong sumakay sa roller coaster ng dalawang beses. Para makasigurado, tiningnan ko kung anong oras at date ng text na 'to at nang makita kong ngayon lang ito ay agad akong napatayo sa saya.


Agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumakbo sa kwarto ni Mama. "Ma, look!" gulat na gulat si Mama dahil ngayon lang ako sumigla ng ganito. Simula kasi nang bumalik kami galing outing tanging pagkukulong lang sa kwarto ko ang ginagawa ko."Leo, texted me!"


"Oh, maguusap daw kayo. Bakit di ka pa mag-ayos?"


"Should I?"


"Yes, Anak. Ano ka ba naman!"


Losing You Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon