IGINALAW-GALAW ni Pearl ang kanyang ulo kasabay ng beat ng rock song na inaawit ng pinakaguwapong band vocalist na nakita niya sa buong buhay niya. Standing and singing above the crowd was Jedric Rodriguez, ang vocalist at guitarist ng bandang Grime. Isa ito sa mga nagtanghal sa school fair program ng St. Catherine University.
Ang Grime ay isang rock band na sikat sa SCU at music bars. Ang apat na miyembro niyon ay sa SCU lahat nag-aaral, mostly in their fourth or fifth year in college. Sa tuwing nagkakaroon ng events tulad ng music programs o school fair programs ay tumutugtog ang bandang iyon. Maraming tagahanga ang bandang iyon sa unibersidad.
Isa siya sa mga tagahanga ng Grime. Walang mag-aakala na magugustuhan niya ang ganoong klase ng musika dahil kilala siya sa eskuwelahan bilang isang magaling na piyanista ng classical music. Ang totoo, hindi naman talaga siya fan ng rock music noon. Nagustuhan lamang niya ang ganoong tipo ng musika nang makita niya si Jedric na tumutugtog ng gitara at marinig na kumakanta sa banda nito sa unang pagkakataon. While he was singing and strumming his guitar, she fell in love with him. Simula noon ay nagustuhan na niya ang rock music. Lalo na kung ito ang tumutugtog at kumakanta.
He was tall, fit and devilishly handsome. He looked rough and masculine and had that raspy, sexy voice that made girls swoon over him all the more. She found his scruffy hairstyle and stubbles sexy. Hindi ganoon kalinis ang imahe nito sa SCU. Because he was a rock star, he was known crude, reckless and rebellious. Hindi iyon nakaapekto sa damdamin niya para rito. Kahit na magkaibang-magkaiba sila ay hindi iyon hadlang upang hindi niya mahalin ang isang tulad nito.
She lived in a world of sophistication and uprightness. She belonged to a well-off and reputable family. Her father was a senator and her mother was a well-known elite and ex-supermodel. Kaya naman halos lahat sa SCU ay nakakakilala sa kanya dahil kapwa public-figure ang mga magulang niya. She was brought up as a fine young lady, a woman with a positive outlook and a sunny disposition in life.
She was eighteen. She was a believer and a dreamer. She was romantic. Kaya naman nang unang tumibok ang puso niya para sa isang lalaki ay gusto niyang mahalin rin siya nito. Si Jedric ang kauna-unahang lalaking nakapasok sa kanyang puso. Wala siyang pakialam kahit hindi maganda ang imahe nito. Wala siyang pakialam kahit magkaibang-magkaiba sila. Ito lang ang lalaking mahal niya at gustong makasama.
Kaya naman kahit hindi bagay sa kanya ay pumupunta siya sa mga gig nito sa music bars upang panoorin lamang ito. Lindsey accompanied her every time she wanted to see Jedric singing with his band. Kahit nabibingi ito at naririndi sa rock music ay walang magawa ito kundi ang samahan siya dahil ito lamang ang nag-iisa niyang best friend na nakakaintindi sa kanya.
Tulad ng mga oras na iyon. Nasa school ground sila ni Lindsey at nakikinig sa musika ng Grime. Ipinagpalit niya ang panonood ng hilig niyang musical play para lamang makita si Jedric na tumutugtog at kumakanta.
"Come on, Pearl. Pumunta na tayo sa musical play. Baka maabutan pa natin."
Saka lang niya binalingan ito at nginitian ito. "I'm enjoying here, Lindsey. Sige na. Kung gusto mong manood ng play. You can go."
"I'm going to leave you here alone?"
"Yes. I'll see you later."
Lumabi ito. "Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong obsessed ka na sa Jedric na 'yan."
She laughed softly. "I'm just in love."
"Crazily in love, that is. Itutuloy mo ba talaga ang balak mo mamaya?"
She nodded smiling. She had come up with a decision. Sa araw na iyon ay isasagawa na niya ang kanyang plano. Nang marinig iyon ni Lindsey noong isang araw ay napahumindig ito.
BINABASA MO ANG
PEARL, The Sweetheart (St. Catherine University Series Book 8) [COMPLETED]
Romance*UNEDITED* *WATTPAD VERSION* Despite Jedric's infamous image at SCU, Pearl was still in love with him. Pero hindi nito gustong tugunan ang damdamin niya. Para dito, siya ang tipo ng babaeng hindi nito gugustuhing maging girlfriend. She was too sweet...