SA JUNGLE Joe nagpadala si Cassie. Isa iyong family amusement park sa Subic. As usual ay masayang-masaya na naman ito. May kiddie rides, indoor at outdoor playgrounds, mini-zoo doon at halos lahat iyon ay sinakyan at pinuntahan nito.
Nagyaya rin ito sa paintball course kung saan nagbarilan silang tatlo ng paintball. Magkakampi silang dalawa nito at si Jedric ang kalaban nila. Tadtad ng paintball ang bawat isa. Hindi siya makapaniwalang nag-enjoy siyang kabarilan ng paintball si Jedric. Nakikisabay siya sa pagtawa nito at ni Cassie. Lalo na nang pagtulungan nila si Jedric na tadtarin ng paintball. Halata namang nagpadehado lamang ito. When he played dead from multiple paintball shots, hindi lamang si Cassie ang tumawa nang tumawa, maging siya rin.
Matapos makapaglinis ng mga sarili ay kumain sila sa isang open-wall restaurant doon. "I super enjoyed this day! And I'm so happy that Mommy is starting to enjoy, too."
Ngumiti siya at hinagod ang buhok nito.
"Thank you, Mommy." Nagpatuloy ito sa pagkain ngunit gaya ng inaasahan ay hindi maaaring hindi magsasalita ito at babangka sa usapan. "I realized I'd been asking a lot about your dates. I forgot to ask how you two met and fell in love with each other."
Bumagal ang pagnguya niya. Naalarma kasi siya. Ayaw niyang malaman ni Cassie ang tungkol sa katangahan niya noon sa pag-ibig. Bago pa siya makagawa ng paraan para makalimutan nito ang tanong ay sumagot na si Jedric.
"Well, your mom was the one who started it all. Siya ang nanligaw sa akin," nakangising wika nito.
Saglit siyang napapikit at pagkatapos ay pinandilatan si Jedric na mukhang ikinaaliw lang ang reaksiyon niya.
"What?" gulilat na tanong nito. "'Di ba dapat ang boys ang nanliligaw sa girls? Boys are the one who have to make the first move."
"How did you know about that? At bakit parang ang dami mo nang alam tungkol sa love?" tanong niya rito.
"From the Television."
"Do not watch any TV shows aside from cartoons from now on."
"How did it happen? Bakit ikaw ang nanligaw kay Daddy? Ah! Kaya pala ganoon ang lyrics ng song na ginawa ni Daddy for you." Nang hindi siya sumagot at nagkunwari na lamang busy sa pagkain ay bumaling si Cassie sa ama. "Daddy, how did you fall in love with Mommy?"
"The truth is... crush ko na talaga si Mommy mo noon pa. Hindi ko lang siya maligawan, because she's out of my league. And as we get together, I fell in love with her."
That was one of the reasons why she did not want to narrate the story. Siguradong may dagdag nang kasinungalingan para hindi magtaka o ma-disappoint ang bata.
"What made you fall in love with Mom?" muling tanong ng makulit na bata.
"Well... Maybe because of her sweet smile or her delicious cookies... or the way she playfully tickled her hands own from my stubbles, the way she hugged me very tight, the way she always told me she loved me, the way she always showed how she cares, the way she'd been a friend... She told me she would make me fall in love with her and she won. I fell in love with her so fast and hard."
Parang gustong mamasa ng mga mata niya sa sinabi nito. Kung sana ay totoo lamang ang mga sinabi nito... Kung sana ay totoong minahal siya nito. Bakit ba kailangan niyang manghinayang na para bang may nararamdaman pa rin siya para rito hanggang ngayon? Bakit ba sa tuwing may sinasabi ito upang palabasin sa bata na minahal siya nito ay may bahagi sa dibdib niya ang naghahangad na sana ay totoo ang mga iyon? Hindi ba dapat ay balewala na lamang sa kanya ang mga naririnig?
DINALA ni Jedric sina Pearl at Cassie sa horse riding club na pag-aari ng MGC. Noong una ay natakot si Cassie na sumakay sa pony ngunit nang lumaon ay nasanay na ito at niyayakap na ang kabayo. Siya man ay nag-aral rin na mangabayo. Jedric was her teacher. Mabilis naman siyang natuto at nag-enjoy. Mas pinroblema pa niya kung paano bababa mula sa mataas na kabayo.
BINABASA MO ANG
PEARL, The Sweetheart (St. Catherine University Series Book 8) [COMPLETED]
Romance*UNEDITED* *WATTPAD VERSION* Despite Jedric's infamous image at SCU, Pearl was still in love with him. Pero hindi nito gustong tugunan ang damdamin niya. Para dito, siya ang tipo ng babaeng hindi nito gugustuhing maging girlfriend. She was too sweet...