Chapter 6

3.8K 131 7
                                    

Six years later...

PINAGMASDAN ni Pearl ang batang babaeng nakangiti sa kanya, partikular ang purple gown na suot nito. Lahat ng anggulo ay tiningnan niya. Umikot pa siya rito. Tumangu-tango siya sabay pisil sa mga pisngi nito.

"That looks good on you and it fits you just right," komento niya.

Lumuwang ang ngiti ng batang babae.

"So now, why don't you strike a pose?"

P-um-ose nga ito ng iba't-ibang klase. She laughed. Bibang-biba talaga ang batang ito. Pati ang designer ng suot nitong gown ay tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ang pagpo-pose nito. Nauwi na sa sayaw ang pagpo-pose nito with matching singing pa. Napuno ng halakhakan ang boutique.

"How old is she again?" tanong ng designer sa kanya.

"She's turning five next month," tugon niya.

"Bibang-biba. At napaka-cute pa. Nakakatuwang bata. You and your husband must be really happy to have a daughter like her."

Nabawasan ang ngiti niya sa sinabi nito. Tumunog ang kanyang cellphone. Bumalik ang kanyang ngiti nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Hello, Roldan."

"Pearl, where are you?"

"I'm here at Vicky Genares' shop with Cassie. She's fitting gown for her birthday and she's really having fun." Tiningnan niya si Cassie na patuloy sa pagsasayaw. Aliw na aliw rito ang designer at ang alalay ng huli.

"Really? Gusto mo bang sunduin ko kayo riyan? Let's eat snack together. I'm free right now."

"All right. Papauwiin ko na lang ang driver ko."

Maya-maya pa ay dumating na si Roldan. "Hi, baby girl," bati nito kay Cassie.

"Hello po!" nakangiting bati ng bata rito.

Kinarga nito si Cassie. "Oh, you're getting heavier and heavier each day."

"Of course, my mom feeds me well and I drink milk because Mom says I will grow up every day if I drink milk everyday. Right, Mom?"

She smiled and pinched her cheek. "Right, baby."

"Oh, your daughter is very madaldal," komento ng designer habang nakatingin kay Roldan.

"No, Miss. Tito Roldan is not my father," wika ni Cassie. "I don't have a father anymore. He died when I was still in my mother's tummy." Bahagyang nalungkot ang mukha nito.

"Oh, poor one," anang designer.

Nakadama siya ng guilt nang marinig ang sinabi ni Cassie. Nagsinungaling siya rito. Hindi totoong namatay ang ama nito nang ipinagbubuntis niya ito. Iyon lamang ang sinabi niya dahil ayaw niyang dumating ang panahon na hilingin nito na makilala ang ama nito. Ang ama nitong hindi biro ang sakit sa dibdib na ibinigay sa kanya. Walang kasing tindi ang kasalanan sa kanya ng lalaking iyon at hinding-hindi niya mapapatawad ito kahit kailan.

Jedric Rodriguez was a monster. Kaya walang karapatan ito na kilalanin ni Cassie.

Nang araw na ipagtapat nito ang ginawa nitong panloloko sa kanya ay hindi na sila nagkita pa kahit kailan. Two months later, nadiskubre niyang buntis siya. Hindi iyon madaling tanggapin dahil bukod sa kinamumuhian niya ang ama niyon ay napakabata pa niya. She was just nineteen to get pregnant, and to get pregnant without a husband!

Nang malaman ng kanyang mga magulang ang kalagayan niya ay tinadtad siya ng masasakit na sakita at panunumbat ng mga ito. Nasampal siya ng kanyang ama sa sobrang galit. Ang kanyang ina ay naging masyadong emosyonal na kinailangan pa nitong magpa-psychiatrist dahil sa emotional stress. Nasira raw ang kanyang kinabukasan nang dahil sa pag-ibig sa isang maling lalaki. Tinanggap niya ang galit ng mga magulang dahil kasalanan niya ang nangyari sa kanya.

PEARL, The Sweetheart (St. Catherine University Series Book 8) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon