5

4 0 0
                                    

Mabilis kong inilapag si Cha sa passenger seat 

"Wait here baby I'm just going to talk to him okay?" paalam ko at  tumango naman ito kaagad

Iniwan kong nakabukas lang ang pinto samantalang hinila ko si Mr. Garcia sa di kalayuan habang nakatanaw sa anak ko

"What the hell are you trying to say to my daughter! Hindi ka  pa pwedeng magpakilala sa kanya!" Di mapigilang magtaas ako ng boses damn this man padalos-dalos ang ginagawa ni hindi man lang magawang magtanong!

"Ano pa eh di sasabihin na ako ang tito niya! bakit niyo ba ako parating pinipigilan! Hindi niyo maitatago sa kanya ito! I'm going to tell her that I'm his uncle and her real mother is waiting for her!" matigas na saad niya at umambang aalis ngunit pinigilan ko siya sa magkabilang braso

No! ako lang ang ina niya!

"No! Mr. Garcia please!" mahigpit kong hinawakan ang magkabilang braso niya at tumingin sa kanya sinubukan niyang makawala ngunit mas lalo kong hinigpitan ang hawak niya

"Huwag muna nagmamakaawa ako! Hindi niya pa alam ang totoo! Masasaktan ang bata kapag sinabi mo ang totoo sa kanya at ayokong mangyari yun! Pakiusap hayaan mong ako ang magsabi at ipaintindi sa kanya ang lahat pero huwag muna ngayon"

"What? Bakit hindi niyo pa sabihin? hindi niyo ba alam na lalo siyang masaksaktan kapag mas lalo niyong pinatagal ito?"
Napatingin ako sa anak ko na nagtatakang nakatingin sa amin

" Sa tingin mo ba hindi ko naisip yun? Tingnan mo nga? ang bata-bata niya pa! Tingin mo maiintindihan niya agad ang lahat? hindi! at isipin mo nga ang bata niya pa para maranasan ang ganto!"

bumitaw na ako sa pagkakahawak sa braso niya 

"I know maiiintindihan niya ito. She's a smart kid at kung kakausapin mo siya ng maayos ay alam kong makikinig siya bakit ba pilit niyo kasing itinatago siya sa'kin! I just want to be with my niece! Naghihintay din ang ina niya sa kanya! Hindi niyo rin ba naisip na ang tagal namin siyang hinahanap? Matagal din kaming nangulila sa kanya Alam kong napamahal ka na sa kanya at natatakot ka na mawala siya sa'yo pero isipin mo rin ang nararamdaman ng tunay niyang ina na hindi alam kung makakasama pa ba siya o hindi na"

May punto siya
Napayuko ako natatakot lang ako. Hindi ko kailanman naisip na may naghahanap pa sa kanya. Kaya ko nga siya inampon dahil wala ng tao ang nag-claim sa kanya
Sa tagal naming magkasama hindi ko na inisip na kukunin siya sa akin

Oh my God My baby! umiwas ako ng tingin sa anak ko pinahid ang luhang nagsisimula ng tumulo sa pisngi ko

Nagiging unfair ba talaga ako? Magagalit ba siya sa'kin kapag sinabi kong hindi ako ang tunay niyang ina at hinahanap na siya  ng tunay niyang nanay

Kinalma ko ang sarili ko at pinunasan ang natitirang bakas ng luha bago tumunghay sa kanya
seryoso lang siyang nakatingin sa akin at ni hindi ko mabasa kung ano ang reaksyon niya

"F-Fine I'll tell her the truth sumama ka  sa bahay " saad ko at tumalikod na sa kanya

Nakakailang hakbang pa lang ako ay hinila niya ako at mahigpit na niyakap

"Thank you Charm!" na puno ng galak ngunit hindi ko magawang maging masaya para sa kanya

Nagpresinta siya na ang magmaneho at hinayaan ko siya nasa katabing upuan ako habang kalong ko si Cha silang dalawa ang masayang  nag-uusap hinayaan ko na lang

Animong matagal na silang nagkasama dahil parang close na close sila  ako  naman ay nanahimik lang 

Napapitlag ako nang magring ang phone ko maging siya ay napatingin sa akin
Sinagot ko ito nang makita kong isa sa mga pinsan  ko ang tumawag

CharmedWhere stories live. Discover now