14

4 0 0
                                    

"C'mon sis magmumukmok ka na lang ba dito sa opisina mo?"
Kuya Chase said nang dumalaw siya sa akin

It's been almost a month simula nang umalis ako sa bahay nila Maddox

"Anong gusto mong gawin ko? Kailangan kong gawin to para maayos kong maiwanan ang kompanya ko"
Ngumiwi siya na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko

"Really? bakit parang hindi ganun ang nakikita ko? You're overworking yourself ! Dalawang linggo ka ng panay opisina at bahay lang bakit hindi ka mag-unwind let's go mamamasyal tayo!"

"Kuya Please wala akong gana para mamasyal"

"C'mon sis" aniya at hinila ako patayo mula sa swivel chair ko

I just groaned at hinayaan siyang gawin ang gusto niya

"Ang pangit mo na! " natatawang sabi niya at ginulo ang buhok ko kaya tumili lang ako sa inis at kinagat siya sa kamay ngunit hindi niya iyon ininda

Inalalayan niya ako hanggang makasakay kami sa kotse niya. He drove  to the nearest mall at nagyaya muna siyang kumain kami

"Eat more ang ang payat mo na! Huwag mong pinapagod ang sarili mo baka magkasakit ka! Sabi sa office niyo parati ka daw overtime kahit na naayos naman na ang mga kailangan mong ayusin bago ka umalis" 

Well totoo naman yun I keep myself busy dahil kung hindi ay iiyak na naman ako
Hindi ko kasi maiwasang mag-isip kay Cha lalo na sa kanya

"Opo kuya don't worry hindi na besides aalis na ako 3 days from now kaya syempre aayusin ko naman ang sarili ko kailangan maganda ako pag nakita ko sila Mommy noh!"

Natawa lang siya sa sinabi ko
Nasa Amsterdam sila Mommy kaya  napagpasyahan kong dalawin sila dun

I missed them. 3 months ko na din silang hindi nakikita.  Tapos na din ang US vacation nila at bumalik na sila ng Amsterdam dahil nandun ang grandparents namin

Matapos kumain ay sinamahan niya akong magshopping

I appreciate his efforts kaya naman ay niyakap ko siya alam ko kung gaano niya kaayaw maghintay dahil mainipin siya pero nagtiis siya para sa akin

"Thank you kuya pakihatid na lang ng mga pinamili natin sa bahay"  napasimangot siya sa sinabi ko

"Ano ka!"  nagpacute pa ako sa kanya at yumakap sa kanya

Hindi niya ako mahihindian alam ko

"Alright"  pagpapaubaya niya

"Thanks kuya"  hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na siya sa akin

Pinauna ko na siya dahil may pupuntahan pa ako

Napagala ang tingin ko sa park
Dito ako dinala ng mga paa ko madalas kami ni Cha dito
namimiss ko siya kaya pinuntahan ko ang mga lugar na pinupuntahan namin noon

Nangingiti kong pinagmasdan ang mga batang naglalaro
Their big smiles and giggles warmed my heart 
Namimiss ko ang anak ko gaya ng sinabi ni Jasmine ay pwede ko naman siyang dalawin ngunit hindi ko ginawa  ayokong magpakita pa sa kanya dahil magugulo lang ang isip niya isa pa nandiyan naman ang Mama niya  alam kong hindi siya papabayaan na malungkot nun

Matapos tumambay sa park ay nagpasya na akong umuwi
Nag-aabang ako ng taxi ng marinig ko ang isang sigaw

"Mommy! " napalingon ako sa  kabilang kalsada 
Cha? anong ginagawa niya dito? Nakahawak ito sa kamay ng yaya niya at nangingiting kumaway sa akin
Ngingiti rin sana ako pabalik nang matanto kong hindi dapat ako nakikipaglapit sa kanya

CharmedWhere stories live. Discover now