6

7 0 0
                                    

Todo lagay ako ng ulam sa pinggan ni Cha
I'm sure namiss niya ang kumain ng gulay paborito niya kase ang kalabasa at malunggay kaya nagluto ako nito na ginataan meron ding sweet & sour fish at chicken pochero

Magana naman siyang kumain at  ginayatan ko pa siya ng isda para hindi siya matinik

"Why don't you eat? marami pa naman siyang pagkain sa plato niya" 
Napadako ang tingin ko kay Maddox na kumakain sa tabi ni Cha pinagigitnaan namin siyang dalawa nakakunot-noo siyang nakatingin sa plato ko

Tumango na lang ako at nagsimula ng sumubo at panaka-nakang sinulyapan ang anak ko na maganang kumakain inabutan ko siya ng tubig

"Thank you Mom you eat na I can manage na po ang sarap ng luto mo!"  tinawanan ko siya at tumuloy na sa pagsubo

"Bola ka anak oh siya kain pa" at nilagyan ko siya ng konti pang kanin at ulam

"How about chicken pochero? "ani ni Maddox at sumandok ng pochero at ilalagay na sana sa plato ni Cha
mabilis kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya
Napatingin siya sa kamay ko kaya naiilang kong tinanggal ang kamay ko

"I'm sorry she's allergic to chicken" ani ko at tipid na tumango habang nagpatuloy na siya sa pagkain

"So you cooked this?"  Agad naman akong tumango  sana nagustuhan niya

"It's delicious pwede ka na mag-asawa"  he said in a monotonous remark na di ko masabi kung seryoso ba siya o nagbibiro lamang

Napatikhim ako sa sinabi niya buti na lang at nalulon ko na ang nginunguya ko kanina kung hindi nabulunan na ako sa sinabi niya

"Salamat" bumalik na ako sa pagkain at nang matapos ay hinintay ko si Cha na matapos  ganun din siya na may ngiti sa labi na nakamasid kay Cha 

"Mommy! Tito! I'm done!" pinunasan ko na siya sa pisngi dahil  medyo makalat pa siyang kumain

Matapos kumain ng tanghalian ay dinala ko si Maddox sa garden
maganda ang view dun at malilim dahil sa mga puno

Dinalhan ko siya ng laptop at flashdrives pati narin mga albums

Napag-isip-isip ko kanina  na wala pa siyang kahit anong alam tungkol sa pamangkin  niya kaya naman kahit papano gusto kong may  malaman pa rin siya sa pamamagitan ng mga larawan at videos

"That's the compilation of my videos of her kasali na rin nung birthdays niya" ani ko at tinuro ang nakahilerang flashdrives sa tabi ng laptop

Nilapag ko patong-patong na albums sa table niya

"It's her pictures mula nung baby siya feel free to look at it kakausapin ko lang siya" 
ani ko at tumalikod na ngunit tinawag niya ako at lumapit siya sa akin kaya humarap ako sa kanya

He has this sympathetic look  on his face  malayo sa  kaninang walang reaksyon at galit  niyang mukha
Hinawakan niya ang kamay ko gusto ko sanang bumitaw dahil kanina pa ako kinakabahan sa gagawin ko

"I know mahirap para sa'yo ang gagawin mo but Thank you " mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko  tumango na lang ako  at bumitaw sa kamay niya

Mahigpit kong niyakap ang anak ko at nagsimulang humugot ng malalim na hininga bago nagsimulang magsalita

"May sasabihin sa'yo nak si Mommy Listen very well okay?"  tumango siya  pinakawalan ko ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap upang matingnan ang mukha niya

Oh God help me!

"You see that man outside he's Tito Jasper he's your uncle"
Nakuha ko ang atensyon niya.

CharmedWhere stories live. Discover now