DEMIAN's POV
"Anong lugar to? Bakit may mga ulap? At bakit may apoy?"
Tanong ko sa aking sarili habang minamasdan ang buong kapaligiran.
Ang lugar ay nahahati sa dalawang daymensyon. Sa aking bandang kaliwa ay puno ng ulap. Tila isang langit, at sa aking kanan naman ay may mga nag babagang apoy. Mala empyerong init.
Napatingin ako sa aking suot na kulay puting balabal.
"Patay na ba ko?!"
Halos hindi ko maintindihan ang lahat ng nangyayari hanggang sa may marinig akong boses na tila galing sa napaka layo.
"Demian Ford!"
Parang isang boses ng higante ang tumawag sa buong pangalan ko.
"Sino ka?! Nasaang lugar ako?!"
Tanong kong muli habang nag lalakad sa kakaibang lugar."Nandito ka ngayon sa Pearly Gates of Heaven and Hell. Ang lugar kung saan ang mga kaluluwa ay hinahatulan—"
"Teka teka! Anong pinag sasabi mo?! Patay na ba ko?!"
"Magandang tanong 'yan. Pero bago ko sagutin 'yan, nais kong ipaalam sayo na ako ang Deity of Heaven or Hell. Sa madaling salita ako ang taga hatol ng mga kaluluwa kung saan sila nararapat."
Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig. Napa luhod ako habang minamasdan ko ang aking mga kamay. Dahan dahang pumatak ang luha sa aking mga mata, dahil alam ko na ang sagot kung saan ako mapupunta.
"Demian, alam kong alam mo kung saan ka nararapat. Sa dami ng iyong mga nagawang kamalian noong ikaw ay nabubuhay pa ay hindi malayong ipadala kita sa impyerno tama?"
"P-pero. Deity! Patay na ba talaga ko?!" Muli kong tanong sa Dyos ng taga paghusga kahit alam kona ang sagot.
"Sa totoo lang Demian, buhay kapa."
"Kung ganon bakit ako nandito?!" Pasigaw kong tanong habang ako ay lumuluha.
"Ang katawang tao mo ay kasalukuyang nasa ospital at para sa iyong kaalaman, dalawang buwan kanang walang malay. Sa aking nakikita ay mukhang sumusuko na ang mga doktor sayo."
"Pero diba ikaw ang dyos? Gagawin ko ang lahat! Nag mamakaawa ako! Ayaw ko pang mamatay!" Buong pag mamakaawa ko sa kanya upang ako'y mabuhay lang muli.
"Ang Dyos Ama lamang ang may kakayahang gawin iyon. At sa nakikita ko ngayon. Hindi ka parin nag babago kahit sa mga sandaling oras mo nalamang. Tandaan mo, lahat ng nasa isip mo ay kaya kong basahin."
"Huh? Pero. W-wala nabang ibang paraan?! Gagawin ko lahat!"
"Katunayan tinitignan kong muli ang iyong mga kasalanan noong ikaw ay nabubuhay pa. Alam mo ba ang dahilan kung bakit nasa ospital ka? O mas minam siguro kung itatanong ko sayo, alam mo ba kung paano ka NAMATAY?"
BINABASA MO ANG
Your Call
RomanceStorya ng isang walang sinasantong lalaki, s'ya si Demian Ford. Isang araw s'ya ay na aksidente. Habang nasa comatose ito ay nakita n'ya ang langit upang doon ay desisyonan kung sa Langit o sa Impyerno s'ya babagsak.