Chapter 1

3 0 0
                                    

"The Heartless"

DEMIAN's POV



"Good morning po Ma'am at Sir!" Bati ng Janitor sakin habang nag ma-mop s'ya ng sahig.

"Good morning din." Sagot ng aking assistant na si Jenny sabay ngiti.

Dumiretso nako sa elevator upang pumunta sa aking office.

"Ahm sir. May meeting ka nga pala mamayang alas—"

"I cancel mo." Sabat ko sa kanya.

"O-Okay po." Sabay kuha ng cellphone nya sa kanyang bag.

"Anong ginagawa mo?" Pasungit kong tanong.

"Tatawagan ko po yung may ari ng kabilang kumpanya para i cancel yung meeting nyo."

"Pang ilang cancel na ba yan?"

"P-pang 17 na po ngayong buwan sir."

"Hays...." ng makalabas kami sa Elevator ay inutusan ko muna si Jenny para ikuha ako ng kape. "Black coffee okay?"

"Yes sir."

Nag patuloy ako sa pag lalakad papunta sa aking office.

"Good morning sir." Bati sakin ng mga nadadaanan kong empleyado.

"Tigilan nyo nga yang kaka good morning nyo! Sinisira nyo araw ko. Bumalik kayo sa trabaho nyo!" Pasigaw kong pag kakasabi. Sabay bulong. "Petiks petiks pa kayo ang aga aga."

Ng makarating ako sa aking office ay naupo ako sa aking desk at humarap sa bintana upang tignan ang napaka gandang tanawin sa labas ng mataas na building.

"Sir heto na po yung black coffee nyo." Sabay bitaw nya sa coffee sa may lamesa ko.

"Oy Jenny. Ipatawag mo nga lahat ng naka duty na Janitor ngayong araw."


"Ha? Bakit po sir?"

Inapis ko ang buong lamesa ko. "Nakikita mo ba to?" Tanong ko sa kanya habang pinapagpag ko ang aking kamay. "Puro alikabok!"

"S-Sir parang malinis naman po."

"Papuntahin mona lahat sila dito bago pa mag init ang ulo ko!"

"O-opo sir!"

Ilang sandali lang ay dumating ang apat na Janitor.

Lahat sila ay nakatayo sa harapan ko.

"Sinong nag linis dito sa opisana ko?"

"A-ako po sir." Sagot ng Janitor na bumati kanina sakin bago pa ko pumasok ng elevator.

"Ayusin mona ang mga gamit mo. Because you're fired!" Pasigaw kong sagot sa kanya habang tinturo ko s'ya.

"Sir! Bakit po? Ano hong nagawa kong kasalanan?" Mangiyak ngiyak na tanong nya sakin.

"Ano ang pangalan mo?"

Your CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon