Chapter 4

123 6 3
                                    

It's been two days since I came back from Hacienda Olivarez. I decided to leave kasi sobra na akong nasasaktan sa kaka-PDA ng asawa ko at ni Olivia. Alam kong wala akong karapatang magselos dahil si Oliva naman talaga ang mahal ni Jan Marco pero mag-asawa pa rin kami.

Sa loob ng dalawang araw ay itinuon ko ang atensyon ko sa trabaho. Tumanggi din ako ng ayain ako ni Melai na mag-bar hopping. Ayaw kong ipakita sa kanila na nagluluksa ako. Ayaw kong ipakita sa kanila na nasasaktan ako. Ayaw ko ng magmukhang kawawa ulit katulad noon.

Sumubsob ako sa lamesa kung saan nakakalat ang mga papeles na kailangan kong pag-aralan. Oo nga at nandito ako sa opisina pero itong kontrabida kong puso ay naglalakbay sa Hacienda Olivarez kung nasaan si Macoy at Olivia. "Nakakainis! Bakit ko ba sila iniisip?"

Mabilis kong inayos ang sarili ko ng mag-ring ang cellphone ko na nasa ibabaw ng table. At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko at taranta kong sinagot ang tawag ng mag-flash ang pangalan ng Mommy ni Macoy sa screen. "H-hello?" Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "How are you, Mommy?" Nakangiwing tanong ko.

Mommy Elizabeth didn't answer my question. "Ysabella, can you come here?" Tanong niya.

"Where?" Naguguluhan na tanong ko.

"Pumunta ka dito sa bahay." Sabi niya. I know it wasn't a request but an order. "We need to talk."

Huminga ako ng malalim. "Okay. I'm coming." Sagot ko. Siguro nga ay ito na ang tamang oras para kausapin ko sila at ipaalam sa kanila ang desisyon ko.

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas ng opisina. "Angel, cancel all my appointment for today." Bilin ko sa sekretarya ko.

Pormal na humarap sa akin si Angel. "How about your meeting with Mr. Montero? I thought it's very important?" Naguguluhan na tanong niya sa akin. Alexus Montero is one of our important client and I'm supposed to have a lunch meeting with him. Pero higit na importante ang Mommy ni Macoy sa kahit na kanino.

Tumingin ako kay Angel at tinaasan ko siya ng kilay. "Okay." Sumusukong sabi ni Angel. Ngumiti ako bago ko tinungo ang elevator.

Sinalubong ako ni Mommy Elizabeth pagdating ko sa kanila. "Umuwi si Macoy kahapon. He is looking for you. Wala ka daw sa bahay n'yo." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Nandito po si Macoy?" I asked.

"Yes. He's still asleep." Nakangiting sagot ni Mommy Elizabeth. "Wait here. Titingnan ko lang iyong niluluto ko." Paalam niya.

Sinundan ko si Mommy Elizabeth ng pumunta siya sa kusina. "May maitutulong po ba ako?" Tanong ko sa kanya. Pansin ko na wala ang mga kasambahay nila. The whole house is quiet than usual.

Lumingon siya sa akin. "I'm almost done. I'm making Macoy's favorite." Sabi niya. "Umakyat ka na lang sa itaas at gisingin mo ang asawa mo."

Hindi ako kumilos mula sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako kay Mommy Elizabeth. "Why did you ask me to come here?" Tanong ko. Sa totoo lang ay naguguluhan ako sa ikinikilos ni Mommy Elizabeth. Sanay kasi ako na pormal ang pakikitungo niya sa akin. At alam ko din na pinapakisamahan niya lang ako dahil asawa ako ng anak niya.

Lumingon siya sa akin. "I wanted to talk to you about my son." Huminga siya ng malalim bago siya tumitig sa akin. "I thought you love him. Bakit mo siya gustong hiwalayan?"

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon