Chapter 3

76 4 0
                                    

"Magandang umaga po." Nakangiti kong bati sa mga trabahador sa hacienda ng maabutan ko ang mga ito sa labas ng villa. Maaga akong gumising dahil gusto kong makita ang pagsikat ng araw. At gusto kong makapag-isip. Hindi ko magagawa iyon kung nasa paligid si Macoy.

Madilim na ng makarating kami dito sa hacienda kahapon dahil naisipan bigla ni Macoy na mag-food trip. At talagang ako ang pinagbayad ng walanghiya. Siguro ay naghihirap na si Macoy.  Mukhang sa wakas ay tinamaan na din siya ng karma dahil sa ginawa niya sa akin. Pero s'yempre imposble 'yon. Imposibleng mawalan si Macoy ng pera. Kahit nga yata tulog iyon ay kumikita pa rin siya.

"Magandang umaga, ma'am Bella." Sabay-sabay na bati ng mga ito.

Ngumiti ako at tipid na tumango. "P'wede po ba akong sumama sa inyo?" I asked.

Some of them nodded their head while the others have this weird expressions written on their faces.

"Gusto ko po sana kasing manood ng sunrise." I explained.

"Sumama na po kayo sa amin." Sabi ng isa.

Tahimik akong sumunod sa mga ito ng maglakad ang mga ito patungo sa nakaparadang pick-up truck sa gilid ng daan. "Sa harap na lang kayo sumakay, ma'am Bella." Sabi ng isang lalaki sa akin.

I shook my head. "Uhm, p'wede po bang dito na lang ako?" Tanong ko sa lalaking kumausap sa akin. Sariwa naman ang hangin at hindi pa naman mainit kaya okay lang na dito ako sa likuran ng pick-up sasakay katulad ng iba. And I also wanted to enjoy the scenery.

Napangiti ako ng tumango ang lalaki bago niya ako inalalayan sa pagsakay.

Tahimik ang mga kasama ko sa buong biyahe at alam ko na ako ang dahilan kaya walang nagsasalita sa mga ito. Kaya naman noong may nakita akong kubo sa di kalayuan ay nagpasya akong bumaba na lang. I know that they feel awkward around me. "Akala ko po ay sasama kayo sa amin?" Tanong sa akin ng babae na nagngangalang Melinda.

"Hindi na. Gusto ko lang namang makita ang pagsikat ng araw. Tiyak na makikita ko naman iyon doon." Itinuro ko ang kubo na nasa di kalayuan.

Naunang bumaba sa akin ang dalawang lalaki at inalalayan nila akong bumaba. Kumaway ako sa mga ito bilang paalam. "Salamat po."

"Hanggang anong oras po kayo dito, ma'am? Para masundo ko kayo at maihatid pabalik sa villa." Tanong ng driver na si Lando.

"Hindi ko po alam, e. Magpapasundo na lang po ako sa asawa ko." Pagsisinungaling ko. Hindi ko dala ang cellphone ko at kahit naman dala ko ay wala akong balak na tawagan si Macoy. Maglalakad na lang ako pabalik sa mansion.

Napangiti ako ng marating ko ang kubo na nakita ko kanina. Laking pasalamat ko na malinis iyon. Mukhang ginagamit ito ng mga trabahador bilang pahingahan. Naupo ako sa papag na gawa sa kawayan at nakangisi akong nag-inat. I can smell the fresh air and the smell of morning dew. If only I have a cup of coffee with me. It would be perfect.

I actually came here to think. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil nasa iisang kwarto kami ni Macoy. I slept in bed and he slept in the couch.

Now that I am here, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin, sa akin. Ramdam ko ang malamig na pagtanggap sa akin ng mag-asawang Olivarez pagdating namin ni Macoy dito sa hacienda kahapon. Maybe they are not expecting to see me. Baka hindi ako ang nasa isip nila na isasama ni Macoy.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon