Prologue

5 1 0
                                    

Someone's POV

Year 20**

"So what do you think dear?"

Nakangising tanong niya sa akin habang dahan-dahang inaayos ang mga papeles na nakapatong sa ginto at babasagin niyang mesa. Tila ba parang wala lang sa kan'ya na nakatayo ako sa harapan niya habang mariing nakatutok sa ulo n'ya ang hawak-hawak kong baril.

"Lies."

Sagot ko habang nanginginig 'yung kamay ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Galit?

Poot?

Sakit?

Hindi ko alam. At hindi ko dapat hayaang mangibabaw ngayon ang mga emosyon ko, ang kahinaan ko, lalong-lalo na ang pagiging tao ko. Not at this moment. Gumalaw siya ng kaunti na para bang may balak siyang tumakas, pero mabilis pa sa alas kwatro 'kong kinasa ang baril ko sabay putok sa side na balak niyang puntahan.

"Move and you're dead."

Pagbabanta ko sa kanya, umaasang kahit papaano makakaramdam siya ng kahit kakaunting takot man lang. Pero lalo akong nagngitngit sa galit nang tumawa siya ng parang tawa ng demonyo. Pinaputukan ko ulit siya na dumaplis sa may pisngi niya na naging sanhi ng pagtigil niya sa pagtawa.

"I won't miss the next time I pull my trigger."

Seryosong sabi ko, pero tinitigan niya lang ako ng mabuti sabay ngisi. At sa kauna unahang pagkakataon sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naestatwa sa kinatatayuan ko habang nanginginig ang kamay ko sa isang dahilang alam na alam ko.

Takot.

Ang mga titig niya pati narin ang ngisi niya na parang hindi tao ang kaharap mo kundi isang demonyo.

"Sige nga... Iputok mo nga. We both know you can't kill me." Sambit niya habang nakatitig parin sakin.

Lumunok ako habang pinipilit na pakalmahin ang sarili ko, pero sa di ko malamang dahilan, hindi parin tumitigil sa pagnginig ang buong katawan ko.

"You can believe what you want. Pero puro katotohanan ang mga sinabi ko... Marami na akong nagawang pagkakamali at wala ni isa man sa mga yun ang pinagsisisihan ko. At kung meron man, yun ay ang desisyon kong buhayin kayong dalawa."

Habang sinasabi niya 'yon, dahan-dahan niyang binubunot ang baril mula sa drawer niya, kinasa, at itinutok din sakin.

Nabalot ng katahimikan ng ilang minuto ang capatain's cabin habang naghihintay kami pareho kung sino ang unang kikilos. And honestly speaking, ngayon lang ako kinabahan ng ganito at ngayon lang din ako natakot para sa buhay ko. Eto na siguro ang huling misyon ko. At lalo lang nadadagdagan ang takot ko dahil sa katahimikang dulot ng gabi. Pero kumalma ako nang mapansin kong may isang taong lihim na lumalapit sa amin, ang nag-iisang taong naging totoo sakin.

Ako naman ang ngumisi ngayon na naging sanhi ng pagkunot ng noo ng lalakeng kaharap ko ngayon.

"Madami na rin akong nagawang pagkakamali sa buhay ko, at gaya mo wala ni isa man dun ang pinagsisisihan ko. Pero may isang desisyon akong pinagsisisihan ko. And do you know what my biggest mistake is?" Tanong ko sa kanya na lalong nagpakunot ng noo niya at paglawak ng ngiti ko.

"Ano?" Mala-inosente niyang tanong.

Pagkatanong niya noon sumilip ako ng pahapyaw sa may kanan niya at sinabing "It's that I didn't trust you."

Pagkasabing-pagkasabi ko nun lumingon siya sa lugar na sinilip ko. At kasabay ng paglingon niya ang malakas na pag-alingawngaw ng tunog ng putok ng isang baril.

Undercover DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon