Chapter one

31 2 0
                                    


Nathalia's POV

"Julius, matagal ka pa ba? Baka malate tayo eh. First day pa naman ngayon." Sigaw ko habang nasa tapat ng kwarto niya. Kalalaking tao ang tagal kumilos. Pag ako yung matagal halos iwan nako. Naku, pasalamat ka mahal kita. "Bilisan mo na jan ha, sa sala na kita hihintayin." Sarap sanang sumilip eh hahaha ano ba Nath, yang utak mo talaga naku.

"Oh ito na po, ready na po maam. Hahaha" Grabe ang gwapo talaga ng prinsipe ko ay este ng best friend ko. Bakit kasi best friend lang, di na ba pwedeng lagpas dun waaaah. "Hoy, tutulo na yang laway mo. Paki sara yang bibig mo. Alam kong guwapo ako, Nath. Hahaha" mayabang na sabi niya sakin.

"Tara na nga. Yabang nito." Aya ko sa kanya at naunang lumabas. Di ko na siya hinihintay at pumasok na ako sa loob ng kotse.

Hay naku. Pano ba ako nagkagusto sa mayabang na lalaking to, oo na guwapo na siya. Tsk! Baka campus crush. Siya lang naman si Julius Villanueva. 15 yrs old, Grade 10 student. Guwapo, mayaman, matangkad, gentleman, mabait naman siya na may yabang. At siya ang best friend ko simula nung kinder palang kami. Pano ba naging best friend ni Nathalia Eunice Vargas na nerd sa mata ng lahat, isang simpleng babae. Naka naka brace, kasi di maayo ngipin ko kaya ganun, may suot na salamin dahil sa malabo ang mata kakabasa, oppss di lang puro aral kaya naging malabo ang mata ko, kakabasa ko rin to ng Wattpad. Hindi naman kami mahirap. Ganto lang talaga ako, di naman ako panget. Tataas ko na sarili, ayun naman sabi ni mommy eh. Maganda ako, kung marunong lang daw sana akong mag ayos. Tamad kasi ako sa mga ganyang bagay. Hehe naging best friend ko siya nung minsan niya kong pinahiram ng lapis nung kinder kami, ayun dun na ng simula yun. Pag katabi lang kasi yung bahay namin. At simula kinder classmate na kami hanggang ngayon. Mas matalino pa nga yan sakin. Tamad nga lang yan at ako itong masipag. Sabi nga nila, talo ng masipag ang isang matalino kung tamad naman ito. Pero pag sinasabi ko namang isusubong ko siya kila tita. Ayun natatakot hahaha

"Woi Nath, ano di ka pa baba. Nandito na tayo." Na gulat ako sa biglang pag sigaw niya.

"Ano ba! Bat ka ba naninigaw." Iritang kunyareng sigaw ko rin. Nakakagulat naman kasing lalaking to. Naku pasalamat ka mahal kita.

"Hello! Kanina pa ko tawag ng tawag sayo. Bahala ka jan." Baliw iwan ba naman ako.

"Hoy sandali naman. Hintayin mo ko." Dali daling baba ko. "Kuya Pepe, ingat po pauwe. Salamat" bago ako umalis ng pasalamat muna ako sa driver nila Julius. Hindi ko na hinintay ang sagot ni kuya Pepe at hinabol na siya. Ito naman kasing lalaking to, bilis mainis. Akala mo siya yung babae. "Saglit naman. Mamadali ka ba." Hinawakan ko agad yung braso niya nung nahabol ko siya. Grabe naman kasi bilis maglakad.

"Umaga umaga kasi puro ka day dream. Tsk" masungit na sagot niya. "Tara na, ayaw mong malate diba."

"Sorry na. Tara na." Abot langit na ngiti ko sa kanya. Mas lalo ka lang nagiging guwapo sa mata ko pag masungit ka. Ghad! Buti nalang di na ako iniwan. Sabay na kaming naglakad papasok sa building namin.

"Waaaaah. Lalo Lang naging guwapo si Julius besh."

"Sinabi mo pa, kaya crush na crush ko siya eh."

"Akin ka nalang my prince"

"Anong iyo. Akin siya noh"

"Ang swerte talaga ni Nathalia, kahit di kagandahan nakakalapit kay Julius Myloves."

"Kaya nga. Di siya bagay sumama kay prince ko nuh."

Mga siraulo tong mga to ha. Lalakas pa ng mga boses ninyo. Papanget kaya ninyo. Teka nga.

"Hoy kayo, anong sabi ninyo h-" Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko, nung ng salita ang prinsipe ko este yung best friend ko. Kahit naman ganto ako, aba palaban to nuh.

"Hoy kayo, pwedeng tigilan ninyo si Nath. Mas gugustuhin ko pang si Nath yung kasama kisa yung mga maaarteng kagaya ninyo. Tsk! Let's go, Nath." Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Bleeeh buti nga sa inyo. Akala ninyo magugustohan kayo nito. Duh asa. Di man ako makita nitong lalaking to higit pa sa kaibigan, okay lang. Kung ganto ba naman araw araw. Ghaaaaad kyaaaah.

**********

"Julius." Sigaw ni Andrew pagka-pasok na pagka-pasok namin sa room.

"Nakakita ka na naman ng guwapo, Andrew. Hahaha" mayabang na sagot naman nitong best friend ko.

Hay naku. Ang ha-hangin ninyo. Magkakaibigan nga kayo.

Andrew Tan. Oh tama nga, isa nga siyang Chinese. 16 yrs old, matangkad, guwapong singkit, maputi, mabait? oo naman. Mayaman. Ano pa nga ba. Almost perfect naman kasi silang magkaibigan eh. Isa sa mga kaibigan namin. Yeah! Kaibigan namin, lahat ng kaibigan ni Julius. Kaibigan din ang tingin sakin. Oo guwapo silang mag kakaibigan. Wag mong isipin na di ako belong sa kanila nuh. Katulad ng sinabi ko di lang talaga ako marunong mag ayos. Pero maganda ako. Duh

Taas self confidence, selp. >.<

Anim sila nung una sa totoo lang, kaso umalis si Evan. Lumipat ng school dahil lang ng break sila ni Jelayy. Kaya sila, Andrew, Ethan Angelo, Christof at Raven nalang ang makakasama namin ngayong school year. Hays. Buhay pag ibig nga naman. Dahil lang sa break up lilipat ka ng school. Ako kaya? Lilipat din ba ko if ever? Pero pano ako aabot dun, eh tong gusto ko. Di ako makita. Baliw ka talaga Nath. Grrrrr

Naputol ang pag iisip ko ng may pumasok sa room namin, akala ko kasi teacher na namin. Pano ba naman kasi biglang tahimik tong ang mga classmate ko, akala mo naka kita ng anghel. Pero pagtingin ako, may pumasok na... maganda. Oo, maganda nga. Maputi, sexy, medyo matangkad sakin, mukhang mabait na malakas ang dating. Di nagawang makatakas sa mga mata ko ang naging reaction ni Julius sa bagong dating na babae. Yung tingin na para bang isa itong anghel na nahulog sa langit.

Anong tingin yan, Julius? Siya palang ata yung tinignan mo ng ganyan. Yung manghang mangha.


A/N: hi guysss wahahahaha. I'm not perfect guyssss. Kaya pag may nakita kayong mga typo. Paki intindi, tao lang din ako. Drama hahahaha enjoy reading! ^_^ ito uniform nila guys 👇

MAHAL KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon