chapter 3

11 0 0
                                    





Pag dating namin sa kotse niya agad niyang iniwan ang gamit niya at dali daling umalis. Di man lang ng paalam.

"May practice ba sila Miss Nathalia?" Tanung ni kuya sakin mula sa driver seat. Kakapasok ko lang kasi sa kotse, tinignan ko pa kasing makaalis muna si Juluis, bago pumasok.

"Wala po, may meeting lang po saglit. Saka siguro ipapakilala yung mga bago." Normal na sakin yung maghintay sa kanya, mas lalo na pag araw araw na yung practice nila. Simula grade 7 kami varsity na kasi siya. Naalala ko pa dati, gustong gusto niya kong sumali. Eh ang kaso, takot ako sa bola hahaha masakit kaya pag tumama sayo yun. Kaya kahit anong pilit niya ayoko talaga. Hindi ko lang kasi talaga kaya, pero alam ko yung mga tipo niya, wala sakin, walang wala. Bakit ba kasi umaasa parin ako. Nung una kaya ko pa, kasi di pa ganto kalalim, pero kasi ngayon. Parang iba na. Kaya ko pa bang mag kunyareng di ako nasasaktan.

"Miss Nathalia, may tumatawag po ata sa inyo." Sabi sakin ni kuya Pepe. Ghad! Sa sobrang pag iisip ko, di ko na pansin na may tumatawag na pala. Jusko ka Nath!

Mom's calling.....


Oh bat naman na patawag si mommy. Pag kakita ko sa screen nung phone ko. Sinagot ko na to bago pa matapos, for sure magagalit sakin to pag di ko nasagot agad.

"Yes, mommy?" Agad na bugad ko.


"Sweetie, don't forget about the dinner later." Malambing na sagot ni mommy sa kabilang linya. Dinner? May dinner kami with? Bakit wala akong maalala na may sinasabi sila about sa dinner ngayon? "Hey, sweetie. Nanjan ka pa ba?" Tatanung na sabi ulit ni mommy nung di ako sumagot sa sinabi niya.

"Yes mom. Dinner, with?" Sagot ko bago pa siya makapag salita ulit.

"Your tita Yasmine. Di ko nasabi sayo kanina, wala ka na kasi kanina pag baba ko. Umalis ka na daw. Kagabi lang siya dumating." Omo, si tita Yas pala.

"Omo. Si tita Yas pala. I'm so excited. Okay." Ghad!  Excited na ko. For sure marami na naman akong pasalobong galing Canada.

"Dapat 5pm on the way ka na. Dun na kami tutuloy ni daddy mo. Text ko sayo kung saan, okay sweetie." Paalala sakin ni mommy. Anong oras na ba? Matatagalan kaya yung meeting nila Julius.

"Yes mommy. Bye. Iloveyou." Malambing na sabi ko dito.

"Okay. Iloveyoutoo." At binababa niya na ang tawag. Close ko si mommy at daddy. Ako lang naman kasi ang anak nila. Wala akong kapatid eh. Gustohin ko man ng kapatid, kaso Wala eh. Ayaw na nila mommy. Sapat na daw kasi ako.

3pm na, wala pa rin si Julius. Baka malate ako sa dinner. Ayaw pa naman nila daddy na pinaghihintay ang pag kain. Tama, puntahan ko nalang si Julius. Itatanung ko kung matatapos na sila. Kasi kung hindi pa, mukhang kilangan ko na mauna sa kanya umuwe. Kahit ayokong iwan siya. Kaso for sure magagalit si daddy kung malalate ako mamaya sa dinner.

"Kuya Pepe, puntahan ko po muna si Julius. Itatanung ko lang kung matatagalan pa siya." Paalam ko sa driver nila Julius bago umalis

Naglalakad na ko ngayon papuntang court. Dun muna ako pupunta, di kasi ako sure kung sa court or sa meeting room sila ng meeting. Minsan kasi sa court sila. Bat kasi di ko natanung kanina kung saan ang meeting place nila.

"Wer u going, my princess?"

"Ay kabayo" gulat na sabi ko, ghad! Bigla ba naman kasing may magsasalita eh. "Ano ba Andrew, nakakagulat ka naman. Anong ginagawa mo dito? Diba may meeting kayo." akala ko naman sino, si Andrew lang pala. Tapos na kaya sila. Nandito na kasi tong si Andrew eh.

"Ang gwapo ko naman para maging kabayo hahaha." Natatawang sabi niya. Sorry naman. Gugulat ka eh. "Ako ang unang ng tanung sayo ah." Sabi niya ulit.

"Pupuntahan ko sana si Julius. Oh ikaw naman sumagot. Bat ka nandito?" Sagot ko naman sa kanya.

"Ah. Nandito ako, kasi tinatamad akong makinig kay couch. Paulit ulit lang naman yun. Alam ko na yun. Hahaha" mayabang na sabi niya. Sus tamad. "Saka tapos naman na ko ipakilala ni couch eh. Puro nalang yung sa mga bago. Nakakatamad na makinig." Ah sa bagay. Ganyan din ginawa nila last year, pag tapos silang ipakilala umalis na sila.

"Pwede na palang wala kayo, eh nasan na si Julius.?" Tanung ko sa kanya. Ginawa na rin naman nila yun before. Kaya nakakagulat na siya lang nandito.

"Ayaw pa niya, tatapusin daw nila."

"Ha? Bakit daw?" Takang tanung ko.

"Isa si Jewell, sa bagong player. Tsk! Halatang halata ang loko na may gusto dun. Hahaha" tawang tawa na sabi niya. "Mukhang maiinlove na ang best friend mo sa bagong dating." Seryosong sabi niya sakin. Dahilan para mapayuko ako, at naramdaman ng lungkot. "Pupuntahan mo pa ba siya? Baka mamaya pa matatapos yun. Mahaba haba pa yun. Saka baka magpakitang gilas pa ang mga bagong member" Sabi niya ulit nung di pa rin ako sumagot.

"Nasan sila? Gusto ko lang magpaalam, na mauuna na ko." Naka ngiti kong tanung. Ayokong mahalata niyang naiiyak ako. Ghad bat ka iiyak, OA selp. Magkasama lang sila. Di pa sila. Tama. Bat ako masasaktan, eh magkasama lang naman sila saka di lang naman silang dalawa lang ang nandun ah.

"Nasa court sila. Samahan na kita." Sabi niya at naunang maglakad sakin papuntang court.

Di man lang ako hintayin. Loko rin to eh. Hinabol ko nalang siya at sinabayan ang paglalakad niya.

"Ayun ang hinahanap mo, naka focus sa  isang tao lang." Turo sakin ni Andrew pag karating na pag-karating namin sa court.

Kitang kita ko mula rin kung gaano siya kasaya habang may nagbibiro, sa harap nila. Pero di siya dun naka tingin. Nasa iisang tao lang nakatutok ang mga mata niya.





Mukhang na pana ka na ni kupido. Nakakatawang pareho na niya tayong na pana. Ako para sayo at ikaw para sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAHAL KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon