Prologue

45 3 0
                                    

Isang magarang seremonya ang nagaganap sa pinakamalaking bulwagan sa downtown. Isang tingin lamang ay masasabi mo nang pinag-gastusan ito ng malaki.

Mga elite lamang na werewolves ang nasa loob. Basta nanggaling ka sa mayamang pamilya ay makakapasok ka, kahit na mababa pa lamang ang ranggo mo.

Sa isang pack ay may limang ranggo. Ikaw, gusto mo bang malaman ang ranggo mo?

Ang pang-lima ay ang tinatawag na Pup Wolf. Ang mga sanggol o bata ang kalimitang nasa ranggo na ito. Sila ay may edad na isa pababa. Inaalagaan sila ng buong pack at pinapalaki saka inirarank base sa kanilang mga aktibidad.

Pang-apat sa listahan ang mga Omega Wolf. Sila ay tinuturing na mga baby-sitter. Ang mga nasa ranggo na ito ay hindi masyado nakatatanggap ng respeto. Hindi sila kalimitang nakikipaglaban sa araw-araw; kaya sila ay kilala sa kanilang pagliliwaliw.

Pangatlo ang Sigma Wolf. Sila ang nagsisilbing mga guro ng buong pack. Marami silang nalalaman. Sila at ang mas mababang ranggo ang nagtuturo sa mga Pup upang mapalawak ang kaalaman ng buong pack. Sila ay ginagalang dahil sa kanilang ranggo.

Beta Wolf naman ang pangalawa sa ranggo. Maaaring isa o dalawa ang Beta Wolf sa isang pack; isang babae at isang lalaki. Sila ang namamahala sa buong pack kapag wala ang Alpha.

Ang pang-una sa ranggo ay ang Alpha Wolf. Minsan ay dalawa ang Alpha ngunit kalimitan ay isa lamang ang namumuno sa isang pack. Ang Alpha ay ang tagapamahala at ang tagapagbatas ng buong pack. Sila ay makapangyarihan at sila rin ang nakakakuha ng pinakamataas na respeto sa lahat.

Kitang-kita sa buong bulwagan ang mga magagara, makikinang, at magagandang disenyo. Sa harapan ay may malaking entablado na may apat na malalaki at magagarang upuan. Sa likod ng mga ito ay may apat pang magagarang upuan, ngunit hindi kalakihan.

Binalot ng tilian ang bulwagan ng makarating ang tatlong kalalakihan. Makikisig ito't matatangkad. Ang kanilang katawan ay hindi masiyadong kalakihan. Sakto lamang ito kaya maganda tignan.

Nandito sila dahil ngayong araw magaganap ang pagpapasa sa kanila ng karapatan bilang lider ng kani-kanilang pack. Ang kani-kanilang magulang ay gusto ng bumitaw sa tungkulin dahil hindi na rin sila bumabata.

Isang mapaglarong ngisi ang pumorma sa labi ng isa sa mga binata.

"Daming chicks dito ah," bulong niya ngunit narinig din ng mga kasama. Siya ang malandi at mahangin sa kanilang magkakaibigan.

"Loko ka talaga. Magtino ka nga," suway sa kanya ng isang binatang may maamong mukha. Siya naman ang magalang at kalmado sa kanilang tatlo.

"Wala naman akong nakikitang sisiw dito. Baka namamalikmata ka lang," walang emosyon na sabi ng isang binata sa tabi niya.

Napairap nalang ito dahil sa tinuran ng mga kasama niya. Mga walang suporta. Nagtataka tuloy siya kung kaibigan niya nga ba ang mga ito.

"Ang tagal naman magsimula nito. Bagot na bagot na 'ko," reklamo ng binata sa kaniyang isip. Napabuga na lamang siya ng hangin.

Ilang minuto na ang nagdaan ng hindi pa rin nagsisimula ang seremonya ay nangunot na ang noo niya. Naiinis na ito sa tagal. Napakamainipin niya kasi.

"Bakit ba ang tagal? Nababagot na ko!" reklamo niya sa mga kasama.

"Ang tagal? Dalawang minuto pa lamang ang nakalilipas simula nang dumating tayo dito. Mag-antay ka," kalmado pa ring saad ng isa habang ang isa ay walang pake. Sa isip-isip nito'y naiinip na rin siya.

The PacksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon